Chapter 28 Jasmine Paikot-ikot ang taxi na sinakyan ko sinunod na lang niya ang gusto ko. Dahil nawawalan na ako ng boses at namumugto na na ang mga mata ko sa kakaiyak. Lumingon ako sa likod ng makita ko na wala ang sasakyan ni Gilbert ay sinabi ko sa taxi driver kung saan ako niya dadalhin. Nang nasa harapan na ng motel ang taxi ay binayaran ko siya. Dito muna ako pansamantala habang naguguluhan pa ako. Hindi rin ako pwede sa kaibigan ko na si Eula dahil masusundan din ako ni Gilbert. Pagkalipas ng ilang minuto ay binigay sa akin ng receptionist ang susi ng kwarto. Sabayan pa ng malakas ang ulan ang bumagsak sa labas. May isang babae akong nakita na na tahimik malalim ang iniisip. Maganda at maputi rin siya hindi magkalayo ang agwat ng edad naming dalawa. Nginitian niya ako na hang

