Chapter 20 Diana Kinabukasan Mabigat ang aking talukap. Parang bawat hibla ng katawan ko ay tinutusok ng kung anong mabigat na makina. Ang hangin na pumapasok sa ilong ko ay kasing-init ng baga, at ang dati’y malambot na unan sa aming kubo ay tila naging bato na nagpapahirap sa aking leeg. Nilagnat ako. Marahil ay dahil sa pagkababad sa ulan sa talon, o dahil sa matinding pagod at emosyong sumabog sa loob ng lihim na kweba ni Fernando. Naramdaman ko ang isang malamig na bimpo na dumampi sa aking noo. Napadaing ako sa gulat, pero bago pa ako makagalaw, isang baritonong boses ang pumigil sa akin. "Huwag kang malikot, Diana. Ang taas ng lagnat mo," utos ni Fernando. Kahit malabo ang paningin ko, naaninag ko ang kanyang pigura. Hindi siya nakasuot ng pamasok sa tubuhan o maisan. Nakasuo

