KABANATA 21 Diana Sariwa pa ang hangin ng umaga nang magising ako. Himalang gumaan ang pakiramdam ko at wala na ang mabigat na pakiramdam ng lagnat na nagpabagsak sa akin kahapon. Ngunit kalakip ng paggaling ng aking katawan ay ang tila pagkirot ng aking puso nang magisnan ko si Fernando sa gilid ng kama, bihis na bihis at tila nagmamadali. "I have to go to Iloilo, Diana," bungad niya sa akin habang isinusuot ang kaniyang mamahaling relo. "May kailangang ayusin sa asyenda at sa planta. It’s urgent." Asyenda at planta? Gusto ko sana siyang pigilan, gusto kong sabihing huwag muna siyang umalis dahil parang kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Pero sino ba ako para hadlangan ang trabaho niya? Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Hinalikan niya ako sa noo. Halik na mabilis pero

