Kinabukasan ay mas maaga akong nagising. Bitbit ang backpack na puno ng gamit ko para sa outing, I tiptoed hanggang makarating sa labas ng silid. Marahan kong hinila papasara ang pinto ng kwarto and when I was about to celebrate my escaped, I literally jump when I felt a presence at my back.
"Leaving?"
Madiin akong napapikit nang marinig ang tinig ni Mr. Ashton. Fvck! After what happened kagabi, I don't know if I can face him right now!
"Are you leaving me behind, Sandra?"
Magkakrus ang mga braso nya lingunin ko sya. Kinamot ko ang batok saka alanganin na umarko ang labi ko paitaas.
"A-ah ano... Susunduin kasi ako ni Paul sa mall."
"Paul..." May diing saad nya. Nagtiim ang bagang nito saka nakataas ang isang kilay na pinakatitigan ako. "Is he your boyfriend?"
Nangunot ang noo ko sa naging tanong nya pero hindi pa man ako nakasasagot ay muli nanaman syang nagbato ng panibagong katanungan na sadyang nagdadala sa akin ng kakaibang gulat.
"Do you like him?"
Why does he sound so jealous? Is he really jealous or he's just acting up?
"Tell me, Sandra, do you like that boy—"
"Wait nga!" Itinaas ko ang parehong kamay sa kanyang mukha saka kunot ang noong pinakatitigan sya. "Ano bang pakialam mo?"
"I—nothing. Go."
Lumaylay ang balikat ko sa narinig. Hindi ko alam kung bakit parang naghihintay pa ako ng ibang sagot mula sa kanya when clearly, he's just asking for nothing.
Halos hindi maipinta ang mukha ko nang makasakay ng kotse. Parang bigla ay gusto kong batuhin din sya ng ilang mga tanong. Masyadong pinapagulo ng lalaking iyon ang laman ng isip ko!
Hay!
Hanggang sa byahe ay naging lutang ako. Bagaman ako ang may hawak ng manibela, hindi ko ininda ang mga kotse na kasabayan sa kasalda. Para ako ngayong katawan na walang kaluluwa at mas lalo akong nawawala sa sarili sa tuwing naaalala ko ang mukha nyang walang kainteres-interes na nakatingin sa akin.
Nothing?! Ha? Matapos nya akong ilang ulit na halikan ay wala lang ang lahat sa kanya?!
Ano pala ang mga nakaw na sandaling iyon? Ang mga yakap at pagtabi sa kama? Isang laro lang para sa kanya? Bahay-bahayan? Ako ang nanay at sya ang asawa?!
E, bakit kailangan ko pa nga bang magtaka? He's Luke Ashton for crying out loud! Paniguradong madali lang sa kanya ang paglaruan ang damdamin ng isang babae. Lintik na kupido naman kasi yan, ako pa talaga ang napagtripan!
"Hoy, bakit mukha nanamang biyernes santo ang itsura mo?" Tanong ni Melissa na kanina pa ang pagsulyap sa akin.
Nagkibit balikat ako saka ipinatong ang isang braso sa lamesa upang gawin iyong unan. Ilang ulit akong nagbuga ng malalim na hininga. Hay.
"Girl." Kalabit ni Melissa. Nang lingunin ko sya ay inginuso nya ang daan at muli.... Gustong umusok ng mga ilong ko nang sa di kalayuan ay matanawan ko si Mr. Ashton at Milka na naglalakad.
Nakasukbit ang braso ni Milka kay Mr. Ashton at abala sa pagkuha ng litrato. Psh. Syempre, kailangan nya ng pruweba na maipagmamalaki nya. Edi naging mukha syang sinungaling sa harap ng lahat kapag nagkwento sya nang walang pruweba.
Masyadong pabibo.
"Kailangan pa ba silang kasama?" Walang buhay na tanong ko at ibinaling ang tingin kay Melissa.
Tumango ito bagaman wala sa akin ang paningin.
"Kasalanan mo ito e!" Bigla ay sigaw ko saka inis na hinampas sya sa braso.
Puno ng pagtataka syang nag-angat ng tingin. Hindi makapaniwala na itinuro ang sarili, "ano? Bakit ako nanaman, bes?"
"Napakadaldal mo kasi!" Ipinaikot ko ang mga mata saka padabog na umayos ng upo. Totoo naman. Kung hindi nya pinairal ang kadaldalan nya at niyaya itong si Mr. Ashton, maeenjoy ko pa sana ang vacation na ito nang matiwasay. O kaya kung hindi siguro ako ipapakasal ni Mommy sa kanya, baka halos namatay pa ako sa kilig nang ayain sya ni Melissa.
"Pigilan mo kasi yang selos mo!"
"Selos?!" Halos magsuntukan ang mga kilay na nilingon ko sya. "Ako nagseselos? At sinong siraulo ang nagsabi na nagseselos ako ha?" Inis na tanong ko.
Duh? Kanino naman ako magseselos, aber? Sa Milka na iyon? Kung gusto nya ako pa gumastos sa kasal nilang dalawa aba. Hanggang sa pagpapaaral pa ng magiging mga anak nilang dalawa.
"Girl, masyado kang halata," mahinanon na saad nya saka nakangiwi akong nilingon. "Relax. Hindi sayo si Mr. Ashton at kay Milka sya. Tho sa tingin ko bagay talaga kayong dalawa."
Pakiramdam ko ay may kung anong humaplos sa puso ko dahilan para mawala ang inis na nararamdaman matapos marinig ang salitang kanyang binitawan. Hinila ko ang upuan palapid sa kanya saka namimilog ang mga mata ko syang pinakatitigan. "Talaga?"
"Uy, umaasa." Panunudyo nya saka ilang ulit na mahinang kinurot ang aking tagiliran.
Tell me, saan ba may malapit na mental hospital sa lugar na ito para ipa-admit ko na itong si Melissa. Kung hindi ko lang sya kaibigan ay baka nasapok ko na talaga sya. Nakakainis!
"Bwisit ka."
"Pero umasa ka?"
"Hindi!" Tinabig ko ang kamay nyang paulit-ulit ang pagpindot sa aking pisngi.
"Weh? Patingin nga ng mukha nung hindi umasa."
"Tigilan mo ako, Melissa, at baka topakin ako't hindi na sumama," saad ko dahilan para tumatawa itong tumango sa akin.
Muli kong itinuon ang atensyon sa malawak na kalsada. Ilang sasakyan na yata ang nabilang ko sa daan ngunit hindi pa rin dumarating yung dalawa sa kinaroroonan namin.
Ano bang tingin nila sa sidewalk? Runaway o buwan na kailangan pa nilang maglandian? Psh. Nakakairita talaga. Kung pwede ko lang dukutin ang mga mata ko at hugasan baka ginawa ko na.
"Good morning." Rinig kong bati ni Mr. Ashton.
"Anong good sa morning?" Ipinaikot ko ang mata saka gumawi sa kabilang banda para hindi masalubong ang walang kakwenta-kwenta nyang mukha.
"Are you mad?"
"Hindi. Masaya ako." Pamimilosopo ko. Gago ba sya? Sa mukha kong to tatanungin nya pa ako kung galit ba ako? Hindi pa ba obvious?
"Cassandra." Sinubukan nyang abutin ang kamay ko pero mabilis ko iyong iniiwas. Mukha nya. Nothing ha? Nothing! Tandaan nya yung sinabi nyang yon. "I'm sorry. I didn't mean to—"
"Anong eksena nyo?" Sabay kaming lumingon sa gawi ni Melissa at tulad nya, puno rin ng pagtataka si Milka habang nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa.
"We got into a little fight earlier this—"
"Ang gusto kasi ni Mr. Ashton ay pagawin pa tayo ng home work kahit nasa vacation!" Paliwanag ko.
Lintik na ang kabang nararamdaman ko dahil kapag nagkataon na malaman ni Melissa ang sikretong relasyon naming dalawa ni Mr. Ashton ay hindi ko alam kung paano sya magrereact.
Wait. Relasyon? Pwe. Gusto kong masuka sa salitang iyon. Ano nga ba ang mayroon kami ha? Ah. Benefits. Student-Professor relationship tapos maglalandian—no. Lalandiin nya ako tapos hahalikan. Anong tawag don ha? Nagtutukaan pero walang label.
"E, bakit kailangan mong magsorry sa....kanya, Sir?" Papahinang tanong nya pa habang nakaturo sa akin pero naroon kay Mr. Ashton ang naguguluhang tanong.
Mahina kong sinipa ang paanan ni Mr. Ashton at nang lingunin nya ako ay palihim ko syang pinandilatan ng mga mata. Halos atakihin ako sa puso nang bigla ay malingunan ko ang nagtatanong na ngiti ni Melissa.
Parang tanga na pilit akong ngumiti habang paulit-ulit na itinuturo ang aking binti. "Nangangalay." Nagpakawala ako ng pilit na tawa saka ilang ulit na napamura sa isip.
Demonyo. Nagiging makasalanan talaga ako dahil sa Luke Ashton na ito! Hindi ko alam kung sya nga ba si Satanas o talagang ipinadala sya no satanas sa akin para lang turuan akong magsinungaling sa kaibigan ko.
"I just felt like I offended her."
"Ano naman kung ganon nga ang nangyari—"
"Di ba aalis na tayo?" Bigla ay sabat ko saka hinila patayo si Melissa pero bago pa man kami tuluyang makalampas kay Mr. Asthon ay nakita ko na ang pag-arko ng labi nito paitaas.