Chapter 16

1425 Words
Hapon na nang makarating kami sa Zambales. Hindi naman sana kami aabutin ng anong oras sa daan kung hindi nagbida-bida si Mr. Ashton na magdrive ng van at maligaw kami nang halos limang oras yata. Masyado kasing pabibo. Kesyo mga bata pa raw kami para magmaneho na akala mo naman e hindi lang ilang taon ang tanda nya sa aming apat. "Luke, can you carry my bag? It's a little heavy kasi e." Ipinaikot ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Milka. Halos magsuntukan ang mga kilay na nilingon ko ang gawi nila at pakiramdam ko ay nag-iinit ang ulo ko sa pag-iinarte nya. Mukh syang tanga. Jusko. Ilang araw lang naman kasi kami dito sa Zambales pero buong bahay yata nila ay dala nya. May isang malaking maleta na may bag pang dala. Kung di ba naman talaga sya isa't-kalahating tanga. At mas lalo pang nag-init ang ulo ko nang nakangiting tumango si Mr. Ashton sa kanya. Punyeta. "Hoy, baka mamaya matunaw na yung dalawa sa kakatitig mo dyan," puna ni Melissa nang lampasan nya ako. Para syang isang clown sa lapat ng pagkakangiti sa akin at kahit itanggi ko ay alam kong nang-aasar talaga sya. "Nakakainis kasi," saad ko saka sya sinundan pero makailang ulit ko pang nilingon ang gawi ni Mr. Ashton at Milka na panay ang pacute lang, "Ang arte pala ng isang yan." "Girl, mabigat talaga yung bag nya, anong maarte ang pinagsasabi mo dyan?" "E, bakit kasi ang dami nyang dala?!" "Malay ko. Bakit sa akin ka naiinis? Edi don ka sa kanya magtanong. Selos ka lang e." "Shut up," salita ko at nagpatiuna nang maglakad. Rinig ko pa ang ilang ulit nyang panunudyo sa akin kaya naman malalakas na yabag ang iginawad ko sa pathway na nilalakaran. Hindi ako nagtatampo ha? It's just that Mr. Ashton knows na mabigat ang bag ko. Ilang ulit nya pang pinuna iyon kagabi after checking all the things I brought pero bakit si Milka ang tinutulungan nya at hindi ako? Gago ba sya? Am I not his fiancé?! Hanggang sa marating namin ang lobby ng hotel ay masama ang loob ko at hindi maipinta ang mukha ko. Nang makapagcheck in ay nagkanya-kanya kaming punta sa kwarto. Of course, I told Melissa I'll stay muna sa lobby dahil una, ayokong makasabay sila sa elevator at pangalawa, wala lang. Bakit? Bawal ba? "Hi, Miss." Awtomatiko akong napalingon matapos marinig ang tinig and at my back stood a man na tila ba ipinagsisigawan ang kagwapuhang taglay nya when in fact he didn't need too dahil sa tangkad at itsura nyang napakaperpekto pa sa perpekto, hindi nya na kailangang magmalaki pa. But the feeling of excitement on my system is gone. Maski ang mapuputi nyang ngipin at magandang pagkakangiti ay hindi naging dahilan para bumilis ang pagtibok ng aking puso. Luke. He doesn't smile often pero nakakalaglag panty talga kapag ngumiti— and why am I thinking about him? Seriously, Cassandra? "I'm sorry, I need to go." Paalam ko saka mabilis na tumayo but when I was about to hold onto my bag, he grabbed it at saka inilayo sa akin. "I just want to introduce myself, my name is—" "She's not interested." I can feel my heart racing as I heard the voice behind me. Ilang ulit kong nilunok ang laway na namumuo sa aking lalamunan nang marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Ikinuyom ko ang parehong palad sa laylayan ng damit saka nagbuga ng ilang ulit na hininga bago binawi ang bag sa lalaking hindi ko kilala. "KJ mo, bro," salita ng binata bago iiling iling na iniwan kami roon. "Are you okay?" Mr. Ashton asked. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa aking tainga at pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko matapos non. Nanatili akong nakayuko habang pinapakalma ang sarili. Fvck! This is crazy! "I-I need to go. Excuse me," paalam ko at mabilis na naglakad palayo pero agad nyang hinawakan ang pulsuhan ko at saka hinila sa lugar kung saan walang tao. "Are you still mad at me?" Tanong nya. I shake my head as an answer at nilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Mukhang nasa likod kami ng hotel and there's no one around. "Sandra." "Kailangan ko nang pumunta sa hotel, Mr. Ashton. Baka hinahanap na ako ni—" I didn't even had a chance to finish when he claim my lips. Unti-unti kong naramdaman ang pagdulas ng bag sa aking kamay and slowly wrapped my hands around his nape. Damn! Hindi ko talaga kayang tanggihan ang mga halik nya. He's making me go crazy! Ipinalupot nya ang isang kamay sa aking baywang saka ako hinapit papalapit sa kanya. Ang isa naman ay nakaalalay sa aking panga habang pinapalalim ang aming ginawa. In an instant, I can feel the same burning senstaion I felt the first time we kissed. Hindi ko maipaliwanag but I just don't want to end this pero ganoon yata kagalit ang tadhana sa akin nang hindi matupad ang gusto ko at makarinig kami ng tinig. Mr. Ashton didn't want to end the session pero malakas ko syang itinulak papalayo sa akin saka bahagyang tumalikod sa kanyang gawi. Napapahiya kong sinundan ang tingin ng dalawang staff ng resort hanggang sa makalampas ito sa amin. "M-mauuna na ako," mahina, nahihiyang sagot ko. It took me only three steps bago pa man mapahinto nang maramdaman ko ang pwersang pumipigil sa akin. Nang lingunin ko si Mr. Ashton ay nakangiti na ito sa akin habang hawak ng isang kamay ang bag ko at ang isa naman ay nakapasok sa kanyang bulsa. "Do you need my help, Sandra? I can help you carry your bag and even you," aniya. He's genuine pero I decided to decline the offer by taking my bag. "I can handle myself." "Really? Because I think you don't," tugon nya dahilan para nagtatanong ang mga matang pinakatitigan ko sya, "parang papatayin mo si Milka gamit ang mga tingin mo kanina. Are you shooting daggers through that beautiful eyes?" Ang kaninang hiya na nararamdaman ay unti-unting napalitan nanaman ng inis na kanina ko pang iniiwasan. Kumulubot ang aking noo dahilan para magsuntukan sa pagkakasalubong ang mga kilay ko. "Oo. Gusto mo unahin na kitang patamaan?" Inis na saad ko. Tumango-tango sya saka tila nabibilib na nginitian ako. "Fierce. That's what I like." "Gusto ka ba?" "Why don't I ask you that question?" Tanong nya saka humakbang palapit sa akin. Para kaming mga tanga ngayon na naglalaro, sya pahakbang palapit sa akin at ako naman ay pahakbang paatras para makalayo sa kanya. But my chances were taken when I felt the wall behind me. I can smell his mint breath and manly perfume as he leaned closer to me. Ipinangko nya ang isang kamay sa gilid ng aking mukha saka nakangisi akong pinakatitigan. "Kailan mo ba aaminin na gusto mo ako?" Tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin. "Hindi kita gusto." Utal na tugon ko. Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis nang puso ko nang bigla ay hawakan nya ang aking kamay at gawaran iyon ng halik. Damn it! Why is he sweet?! "Then why are you jealous?" "Ako? Nagseselos? Okay ka lang?" Pilit kong pinapakalma ang aking nagwawalang puso. "Your lips may lie but your eyes speaks, Sandra. You're jealous. Paano ko ba maiaalis ang pagseselos na nararamdaman mo?" I felt my heart skip after his question. He's looking straight into our intertwined hands habang hinahaplos ang likod ng palad ko gamit ang isang kamay. Alam ko na dapat kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya but there's something on his soft and careful hand that says don't let me go. Nag-ulap ang mga mata ko for an unknown reason. His actions is giving me assurance for whatever he has on his mind at hindi ko man aminin, I wanted this feeling of being important last. "Mr. Ashton—" I tried to mumble a word or two pero hindi ko magawang maghanap ng angkop na salita para ipaliwanag ang nararamdaman. Sinsero ang ngiting nag-angat sya ng tingin sa akin saka hinaplos ang pisngi ko but unlike before, I let his hand stay there for as long ash he wants, tracing every part of my face. "I don't want to see your forehead creased. I don't want you to get jealous and most especially, I don't want you to feel like I am just playing because I am not." I can feel his sincerity. "I am serious about this, Sandra. About you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD