Chapter 17

1449 Words
After the incident with Mr. Ashton, I decided to distance myself from everyone and stayed sa tabi ng dagat. Hindi ko kasi alam kung paanong tatanggapin ng isip ko ang mga binitawan nyang salita. Aaminin ko, there's a little voice inside my head na paulit-ulit humihiling na sana totoong seryoso sya but there's also a part of me na tutol paniwalaan ang mga sinabi nya. I just..... don't know. His actions are exactly the opposite kasi kapag nandyan na si Milka. Hay. Ilang ulit kong hinila ang aking buhok nang muli kong maalala kung paano syang tumingin sa akin. Puno iyon ng sinseridad na hindi ko maipaliwanag. "Should I believe him?" Tanong ko sa sarili. Niyakap ko ang parehong tuhod saka pinanuod na sumayaw ang alon kasabay ng pagyakap ng hangin sa naguguluhan kong puso. Akala ko sapat na pag-iisa para mawala ang mga isipin ko pero hindi pala. Parang mas lalo lang pinagugulo ng katahimikan ang isip ko. Lintik naman kasi na Mr. Ashton yan! Bakit kailangan nya pang pabilisin ng ganito ang pagtibok ng puso ko?! "Cassandra?" Ipinangko ko ang isang kamay sa buhangin saka nilingon ang pinanggalingan ng tinig. "Oh my God, where have you been?!" Tanong ni Melissa saka nagmamadaling naupo sa aking tabi. Muli akong bumalik sa pagkakaupo saka ilang ulit na nagbuga ng hininga. Melissa is the only person I can trust my secret pero ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya ang lahat. Ayan tuloy, wala akong ibang magawa kundi sarilinin ang pag-iisip. "Anong drama yan?" Tanong nya saka mahina akong hinampas sa braso. "Si Mr. Ashton nagiging dragon na doon sa lobby dahil sayo!" "Bakit?" Inosenteng tanong ko. Bakit ako nanaman? "Anong bakit?! We've been calling you for ages, Cassandra Torres! You're out of reach!" I let out a deep sign, "ah. Nalowbat yung phone ko," I lied. Hindi naman talaga sya lowbat. I purposely turned off my phone dahil alam kong kokontakin ako ni Mr. Ashton and his name appearing on my sight is a torture for me as of now. "Iyon lang? Iyon lang ang sasabihin mo?!" Muling sigaw nya. "May kailangan pa ba akong sabihin?!" "Sa akin, wala pero kay Sir, mayroon!" "At bakit naman ako magpapaliwanag sa kanya?!" "Kanina ka pa nya hinahanap but you're out of sight! Milka is trying to calm the hell out of him pero maski sya ay nasigawan. Now, he's talking to the police for a possible kidnapping—" "What?!" Bigla ay putol ko. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkakabilog habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Nababaliw na ba sya?!" Kidnapping? Really? Grabe! Ibang klase talaga ang utak nya! I've been gone for almost 2 hours and now he called the police? Wow. Grabe. Kakaiba. Ibabang-iba. "I don't know...." papahinang tugon ni Melissa. Humigop sya ng hininga saka nakataas ang isang kilay na ibinuga iyon sa kawalan. "He's overeacting, don't you think?" Bigla ay naramdaman ko nanaman ang pagdududa sa tono ng kanyang pananalita. Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka ilang ulit na nilunok ang laway ko. I keep on praying na sana ay wala pa syang idea but knowing Melissa, I know she's having doubts about Mr. Ashton and I. "Y-yeah." Binigyan ko sya ng pekeng ngiti saka tumikhim. "He's worried as if you two both know each other.... Do you know each other?" May diing tanong nya. Nang lingunin ko sya ay ang puno ng pagdududang mga tingin nya na ang agad na sumalubong sa akin. Ilang ulit akong napalunok bago tuluyang nagsalita. "O-of course. Propesor natin sya, Melissa. Nakalimutan mo na ba?" Panay ang panginginig ng boses ko dahil sa pagkakakerahan sa aking puso. "No. Kanina ko pa napapansin, I think there's something between the two of you that you're not telling me." Her forehead creased. Bumalatay ang pagdududa sa kanyang mukha dahilan para magbutil-butil ang pawis sa aking noo. "Tell me, Cass, may dapat ba akong malaman?" "Ano naman iyon?" I fake a laugh at tumayo. "Stop imagining things, Melissa. Let's just go back," dagdag ko pa at tuluyan na syang iniwan. Malalaking hakbang ang iginawad ko sa buhagin at halos lumuwa ang mga mata ko nang hindi lang dalawa kundi limang pulis ang nasa lobby ng hotel habang kaharap naman ng iilang tauhan ng resort ang isang lalaki na panay ang pagpapaliwanag base sa pagbuka ng bibig nito. Nakapameywang pa sya habang si Milka ay paulit-ulit na hinahaplos ang kanyang likod. "Do you want me to give up ha?!" Madiin akong napapikit nang umalingawngaw ang boses ni Mr. Ashton sa kabuuan ng lobby. Maski ang ilang mga tourist ay napahinto sa paglalakad habang hawak ang kanilang mga dibdib dahil sa gulat. "Sir, kumalma ho kayo—" "Kumalma?! Gusto mo akong kumalma?! My fia—student is missing!" Halos lahat ng mga mata ay nakatingin na sa kanila ngunit wala man lang itong pakialam. "Sir, we're doing everything we can to—" "Stop giving me your bullshvt reasons and look for her!" "Gabi na ho, sir, at isa pa napakalakas po ng alon—" "I don't care if it's evening or what. Just please... Allow me to use a boat at ako na ang maghahanap sa kanya," tila nauubusan ng pasensya na saad nya. Inihilamos nya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Mababakas ang kasiguraduhin sa kanyang mukha na tila ba sa oras na payagan sya ng sinuman sa mga taong nasa harap ay mabilis syang sasakay ng bangka at maglalayag para hanapin ako sa gitna ng malawak na dagat. "Sir, hindi ho talaga pwede. Malakas—" "Fvck!" Napaigtad ako sa gulat nang bigla ay sipain nya ang kalapit na lamesa. "Just fvcking do something dahil kapag may nangyari kay Cassandra, I don't know what I'll do! Just please.... Find her!" Pakiramdam ko ay may kung anong humaplos sa puso ko habang pinanunuod ang eksena. Feel na feel ko na sana ang pagiging bida nang bigla ay umeksena nanaman si Milka. Mabilis syang kumilos upang pigilan si Mr. Ashton sa tangka nitong pagwawala. She hugs him from behind na naging dahilan para umikot nanaman ang mga mata ko sa inis. Malandi. "Luke, makinig ka na lang sa kanila. Cassandra is fine and she's—" "What if she's not?" From the distance, kitang-kita ko kung paanong natigilan si Milka sa naging tanong nya. Mukhang maski ang dalaga ay hindi makapaniwalang magagawa syang tanungin ng boyfriend nyang binuo nya lang sa kanyang imahinasyon sa seryoso at tila ba puno ng galit na paraan. I let out a deep sign before walking into the picture. "Cass!" Si Paul ang unang sumalubong sa akin. Agad nitong hinawakan ang pareho kong balikat saka ilang ulit na tinignan ang aking katawan para sa mga galos o kung ano pa man. "Are you okay?" Tumango ako bilang tugon saka nilingon si Mr. Ashton sandali bago muling ibinaling ang atensyon kay Paul. "Anong nangyayari?" "Akala kasi ni Sir kung napano ka na. We called you over and over again pero hindi ka sumasagot. We looked everywhere pero hindi ka mahanap," paliwanag nya. "Where have you been?" "Dyan lang. I need time for myself," tugon ko saka binigyan sya ng ngiti. Akala ko tapos na ang lahat nang bigla ay hablutin naman ni Mr. Ashton ang aking kamay at ikulong ako sa kanyang mga braso. I can feel my heart pump so much blood. Fvck! Mukha na akong kamatis panigurado! Isa-isa kong tinapunan ang lahat ng tingin at hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang nanlilisik na mga mata ni Milka sa akin. Nang tuluyan akong bitawan ni Mr. Ashton ay bahagya syang yumuko upang magpantay ang aming paningin. Gustuhin ko man na umalis dahil sa hiyang nararamdaman ay hindi ko magawa dahil hawak nito ang magkabilaang balikat ko. "Are you okay? May masakit ba sayo? Did someone bother you or—" "A-ayos lang po ako, Sir," tugon ko saka marahang gumalaw upang dumulas ang kanyang mga kamay sa akin. "You run away after we talked. Are you sure you're fine?" Muling tanong nya, mukhang hindi nakuntento sa aking naging sagot. Tumango ako nang hindi sinasalubong ang kanyang mga tingin. "Good to know. Inihabilin ka ng mommy mo sa akin so I need to keep my eyes on you. I am so worried—" "A-ah pasensya na ho kayo sa abala, kuya, Sir," baling ko sa mga officers na naroon dahilan para maputol ang kanyang sasabihin. Fudge! We're on the edge at pakiramdam ko ay kakaunti na lang at mapupunto na talaga ni Melissa ang lahat ng mga nasa isip nya. Why does he have to be a flirt kahit kaharap ang iba when he knows that what's between us is a secret to keep!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD