Chapter 18

1533 Words
Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa kinasanayan. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa excitement o talagang hindi lang ako nakatulog magdamag. Agad akong bumangon at tinungo ang aking maleta. Isang kulay red na thong swimsuit ang napili kong isuot na talaga namang naging dahilan para mangibabaw ang hugis ng aking katawan. Ang chain na disenyo nitong yumayakap sa aking baywang ay nakadagdag ganda sa itsura nitong simple lamang. Malapad ang ngiting pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Saka ko na lamang napagdesisyunan na ipusod ang buhok ko matapos makuntento sa pagsamba ng aking katawan. Nang matapos ay kumuha ako ng isang puting cover up saka lumabas ng silid namin ni Melissa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang tingin ng mga nadaraanan pero imbis na mahiya, mas ramdam ko ang pagiging proud. "What are you wearing?" Bigla ay tanong sa akin mula sa likod. Nakasakay na ako sa elevator at hindi pa rin nawawala ang pamamangha sa tingin ng mga lalaking naroon. "Didn't I told you not to bring or wear anything sexy let alone a swimsuit like that?" Ipinaikot ko ang mga mata saka marahan na umikot paharap sa kanya. Nginitian ko ang isang binata sa gawing kaliwa nya at pakiramdam ko ay gusto na akong ibaon ni Mr. Ashton sa lupa nang masalubong ang kanyang mga tingin. Ano nanaman bang problema nya? Ang aga-aga! Jusko naman! "What are you doing, Cassandra? And where the hell did you get that?" Halos magsuntukan ang mga kilah nya sa pagkakakunot habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "I am doing what I am suppose to be doing." Proud na saad ko. Ipinagkrus ko ang mga braso and gave him a victorious smile. "You thought you won ha?" Panunudyo ko dahilan mas lalong mangunot ang noo nya. He actually changed every damn thing na isinilid ko sa maleta the night na nag-aayos ako ng gamit. Good thing is mahilig talaga akong magdouble check ng mga dadalhin kapag may ganitong lakad kaya naman hindi nagtagumpay ang anomang plano nya. "Stop being a kid now, Mr. Ashton, I'll do everything what I want and wear every two piece I brought habang nandito tayo." "And seduce me?" Nakataas ang isang kilay na tanong nya. I scoffed. "Excuse me?" Tanga ba sya? Anong seduce ang pinagsasabi ng taong to? Lasing ba sya? Malamang nasa beach kami kaya magto-two piece ako! "Let's go. Babalik tayo sa taas para makapagbihis ka." Doon ko lang napagtanto na bukas na ang elevator at nakaapak na ang isang paa nya sa labas. Inilahad nya ang kamay pero imbis na kunin iyon ay mabilis akong tumanggi. "No, I won't change." "Cassandra!" "Ayoko nga!" "You'll walk o kailangan pa kitang buhatin paakyat ng kwarto ko?" Gosh! Bakit ba hindi sya mahiya sa pinagsasabi nya? Inilibot ko ang paningin sa loob ng elevator ag lahat ng babae na naroon ay halos maihi na sa kilig habang pinanunuod ang eksena ni Mr. Ashton. "Hala. Ang sweet ni kuya," bigla ay bungisngis ng isa na tila ba hindi maihi sa kilig na nararamdaman habang naghuhugis bituin ang kanyang mga mata. E, kung sapakin ko kaya sya ngayon na?! "Ako na lang buhatin mo, kuya, kahit dyan lang tayo sa hindi matao, papayag na ako!" Gusto ko silang asarin nang hindi man lang sila tinapunan ng tingin ni Mr. Ashton. His deep brown eyes are fixated on me and only me at pakiramdam ko ay kailangan kong ipagmalaki ang bagay na iyon. "Cassandra!" "Ayoko nga kasi!" But in the end, I was left with no choice but to wear something to cover up my body. Tuloy ay puno ng sama ng loob na naglakad kami papasok ng cafeteria kung nasaan ang mga kasama namin. "Smile now, baby, this vacation of ours is supposed to be fun—" "—and you're ruining it," putol ko sa kanyang sasabihin. Nanatili ang paningin ko sa kumakaway na si Melissa kaya ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ay hapitin nya ako sa may baywang saka ilapit sa kanyang katawan. He smiled at me. "I am not ruining anything, Cassandra, I am just protecting what is mine." "What is mine mo mukha mo," tugon ko saka marahas na inalis ang kanyang kamay. "Tandaan mo, I am only half way through at hindi nababago ang desisyon ko na hawakan at kilalanin ang bawat parte ng katawan mo," he whispered. Ramdam ko ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang palihim nyang halikan ang aking tainga. "Ano ba?!" Mariing tanong ko saka masama ang tingin na nilingon sya. "Manyakis!" "You like it." "Anong like?! Umasa ka!" "What? You loved it, Sandra. Stop lying because I know you do." "Dyan ka na nga! Wala kang kwenta kausap!" Tuluyan ko syang iniwan doon sa gitna ng restaurant. "O bakit naman ganyan ang suot mo? Girl, bibida ka ba sa porn movie o katatapos mo lang makipag-quickie?" Salubong ni Melissa. Halata ang pagpipigil nito ng tawa nang ipalubo nya ang mga pisngi saka mahinang hinampas si Paul na panay na ang pagbungisngis sa kanyang tabi. Fvck! Hinintay ko talaga ang vacation na ito and because of Mr. Ashton, pakiramdam ko ay kailangan kong pagsisihan ang excitement na naramdaman ko maski isang minuto. Punyemas. Agad na gumawi ang paningin ko kay Milka. Sexy ang top na suot nya at natitiyak kong pati pangbaba nya ay naayon sa itsura nya samantalang ako, heto at parang bibida sa isang matured movie na walang ibang gagawin kundi akitin ang bida. Demonyo. Bakit ba kasi ako at hindi si Milka ang ginugulo nya?! "Bakit nakapolo ka?" "Wala!" Padabog akong naupo sa silya saka puno ng sama ng loob na tinungga ang juice. "Ay badtrip—wait. Si Sir Luke ba iyon?" Tila namamangha na tanong nya. Agad kong sinundan ang tingin nya at halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkakaikot nito nang makita si Mr. Ashton na mukhang tuwang-tuwa sa atensyon na nakukuha. Pabibo talaga. "Ang hot nya!" Kinikilig na dagdag nya pa saka paulit-ulit na hinampas ang aking kandungan. Iiling-iling na tinabig ko ang kamay nya. "Sorry," napapahiyang aniya nang mapansin ang dalawang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Milka gave her a smile and nod saka muling itinuon ang atensyon kay Mr. Ashton na akala mo modelo sa paglalakad. Talagang hatak na hatak nya ang atensyon ng mga babaeng sa dinaraanan. Hindi naman kasi talaga maitatanggi na napakagwapo nya at ang lakas ng dating. Iyon pa nga lang na parati syang nakalongsleeve sa school na itinutupi hanggang siko ay ang dami nang nahuhumaling sa kanya, paano pa kaya itong nakasando at hawaiian shorts lang ang suot nya? Grabe. Bakat na bakat... Iyong six pack abs ha? "Good morning," bati nya nang narating ang aming lamesa at dahil nga bida-bida si Milka, agad itong tumabi sa akin at ipinaubaya ang upuan nya kay Mr. Ashton. Duh? Nakatabi ko na sa kama ang isang iyan! Issue pa ba itong breakfast at round table sa akin? "Huh? Wait." Rinig kong saad ni Melissa. "Pareho kayo ng design?" Tanong nya saka itinuro ang polo na suot ko at shorts ni Mr. Ashton. "Coincidence lang," walang kabuhay-buhay na tugon ko saka nakatalumbabang nilingon si Melissa. Nakakainggit. Buti pa sya ay naka-one piece, habang ako heto at mukhang lumpia na balot. Leche kasing Mr. Ashton na to! Kung hindi lang ako nakaramdam ng hiya kanina nang muntikan nya akong halikan sa harap ng lahat ay hindi naman ako papayag na suotin ang polo nya, ano! "O destiny?" Baduy! Kalalaking tao, naniniwala sa destiny. Ipinaikot ko ang mata kay Mr. Ashton at puno ng sama ng loob na tinusok nang paulit-ulit ang hotdog habang nasa isip sya. "What are your plans for today?" "Well, I think it's best na maghiwa-hiwalay tayo since day 1 ito," Milka suggested that made me roll my eyes. Duh? Obviously, gusto nya lang nanaman masolo si Mr. Ashton. "Luke and I are going to a snorkeling session I booked for us." Sinasabi ko na nga ba. What a brat! She booked for them at hindi man lang kami naisip. Kung ganon naman pala ang gusto nya, bakit hindi sya nagbook ng vacation nilang dalawa? "Melissa, Cassandra and Paul will—" "What do you want, Cassandra?" Bigla ay tanong ni Mr. Ashton dahilan para inosente ko itong lingunin. Nakapatong ang baba nya sa kanyang palad habang titig na titig sa akin. I immediately darted my gaze to Milka who's now looking puzzled at us before turning my gaze to Mr. Ashton with a questioning look. "You kept looking at the buffet. What do you want? I'll get it for you." "Ah wala. Busog na ako." "Isn't it best kung lahat tayo ay magsosnorkeling?" Pag-iiba ni Melissa ng usapan. "But Luke wanted privacy and we only joined you guys to have an alone time." Luke or her? Parang gusto ko tuloy syang sungalngalin ng isang daang beses. Nakakairita. "I decided to join them, Milka and you decided to come along. Now, if you don't want to be with them, I do. So I'll go snorkeling with them." I don't know if he's annoyed or what by Milka pero hindi nya na ito muli pang pinansin matapos magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD