Chapter10

2059 Words
Welcome to Nueva Ecija! It's been two months mula ng last akong nagawi sa lugar na 'to. Minsan lang akong nakakadalaw. Dahil busy sa trabaho at kailangang magtipid. Pagbaba ko ng terminal hinanap ko naman ang tricycle. Siya ang magdadala sa akin sa paupuntahan ko. Mga twenty minutes rin galing sa terminal ng bus ang biyahe. Sa isang makipot na daan at sa pinakadulo. Madadaanan mo ang mga talahib. Mga puno at palayan. Ang amoy na presko na hindi mo maamoy kung nasa Maynila ka. Dito rin ako namalagi ng halos isang taon. Sa mga panahon na 'yon na halos wala ako sa aking sarili. Mula sa malayo natatanaw ko na ang isang malaking nakasulat sa arko. Mas maganda na ito. Siguro marami na ang nagdodonate or pinunduhan ng gobyerno. Welcome to... Bahay Tuluyan.❤️ Kinakabahan ako at excited. Namiss niya kaya ako? Galit kaya siya? Pero sigurado na matutuwa siya sa aking pasalubong. "Matagal kang hindi napadalaw, Ineng." Narinig kung sabi ng driver pagkatigil namin sa tapat ng malaking gate. Natandaan niya siguro ako. "Ah, opo. Medyo nabusy po sa trabaho." Tugon ko sa kaniya at inabot na ang aking bayad. Dahan dahan ang aking bawat hakbang. Sana matuwa siya pag nakita ako. Una kung nabungaran ang reception. Wow! Ang ganda na pala. Ngunit walang tao. Napaka tahimik. "Oy, Kim! Ikaw ba yan?" Sigaw ni Aling Rita. Kahit na malayo nakilala niya ako. Hindi ko rin siya makakalumutan. Isa siya sa mga matagal na rito sa shelter. "Hello po Aling Rita. Musta na kayo?" Masayang bati ko rito. Kita ko ang tuwa sa kaniyang mga mata. "Wow, pumayat kana ulit at mas lalong gumanda. Akala ko kung sinong artista ang naligaw. Siguradong matutuwa si Xy pag nalaman niya na nandito ka." "Nako po, binola niyo pa ako. Saan po siya?" Bigla kung naitanong sa kaniya. Kumalabog na ang aking dibdib. "Kanina nag-babasketball kasama ng iba. Ewan ko kung nasaan na siya. Wala kasi si Tina. May dumalaw kasi na mga taga DOH at sinama sila. Walang nurse na duty ngayon. Baka mamaya pa yun sila babalik." Paliwanag niya. Kaya pala walang tao ang reception. Wala pa lang nurse na duty. Wala rin ang mga bata. "Sige po, hanapin ko na lang si Xy." Paalam ko sa kaniya at deretso akong naglakad palabas na daan sa kabila patungo sa mga kwarto ng bawat nakatira sa shelter. May nakita akong bata na babae. Maganda. Nasa edad sampo siguro. Parang may ibang lahi rin. Tumingin siya sa akin at nanlaki ang kaniyang mga mata. Habang papalapit ako sa kaniya. Ganoon pa rin ang kaniyang reaction. Hanggang sa natapat na ako sa kaniya at ngumiti ako. "Hi, bago ka rito?" Sabi ko habang nakangiti. "Ah, yes po. Mag-iisang buwan pa lang po. A-artista po kayo? Sino po sadya niyo?" Nauutal pa niyang tanong. Natawa ako sa kaniyang reaction at tanong. "Hindi ako artista at hinahanap ko si Xy." Nakita ko na namula ang mestiza niyang mukha pagka banggit ko sa pangalan ni Xy. "Ah, andon po siya sa may kahoy. May hawak na gitara. Ayaw na naman magpa-istorbo. Ano ka niya?" Puno ng kuryosedad ang kaniyang mukha. Hindi ko siya sinagot at nagpasalamat na lang ako at iniwan siya. Pumunta ako sa likod at habang papalapit ako sa puno. Sa matandang puno sa likod ng shelter. This place became our silent sanctuary. It holds a lot of fun memories with him. Kaya dito ko rin siya parating nahahanap pag nadalaw ako. From a distance. I saw a handsome little man busy playing with his guitar. Sittin on the big roots of the tree. With black shiny straight hair na parang pang mga k-pop ang gupit. Bagong gupit siya ngayon. Bagay na bagay. He has those chinky eyes. Thin lips and a prominent square jaw. Ang skin niya na tulad sa mga chinese at korean. Ang glass skin na tinatawag. Naiisip ko tuloy. Korean ba ang tatay nito. He is tall at the age of seven. Kaya pwede talaga siyang pang k-pop idol. He is smart also. So smart na he thinks the same as those big lad already, kahit noong five years old palang siya. Pag kausap mo siya para kang may kausap na jowa. Minsan pa nga parang tatay kung mang sermon. Nasesermunan na rin ako. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang aking luha. Nag-uunahan sila sa pag-agos. I miss him so much. Ang laki na niya. In few months mapagkakamalan ko na siyang jowa ko. Kahit ang sabi niya parati sa sarili niya. He is my sugar baby. And yes! He will be my forever sugar baby. "Miss! Is that you!?" Sigaw niya. Dali dali siyang tumayo at iniwan ang kaniyang gitara sa may puno. He stood infront of me. And he smile. Those smile that I miss and broke my heart. Inabot niya ang aking mukha gamit ang dalawa ng kamay at pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos. "I miss you, Miss. Missing you everyday." He whispered and shyly smile. "I - I miss you even more, son." I whispered too. At niyakap ko siya ngahigpit. Patuloy pa rin ang aking pag-iyak. God! I miss him so much. Parang lahat ng pagod at lungkot ko sa mga nagdaang araw ay ngayon ko naibuhos habang yakap-yakap siya. "Hey, okay ka lang? Ang ganda mo kaya ngayong. Bakit ka iyak ng iyak?" Bigla niyang sabi. Binasag naman nito ang aking drama moment. Hanep talaga mambasag ng trip ang isang 'to. Kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap at hinawakan ko ang mukha niya. God! Ang pogi niya. Kamukha niya yung vocalist ng Enhypen na si Jay. Anak ko ba talaga 'to? "Grabe, binata kana. Ang pogi pogi mo." Puno ng gigil kung hunawakan ang kaniyang mukha. "Saan ka ba nagmana? Hindi naman tayo magka mukha masyado. Sabi nila may resemblance. Pero ngayon wala talaga. Nak, baka ikaw ang swerte ko. Mag audition ka kaya sa Korea. Baka k-pop idol ang future mo." Natatawa kung sabi sa kaniya. Kita ko na nairita siya. Naging singkit masyado ang mga mata. Ganito siya pag nagagalit. Nawawalan ng mata. "God, Miss! Iba ang atake mo. Baduy ah. Ginaya mo pa ako sa mga idol mo. Kakapanood mo yan ng Kdrama. Nilamon kana." Inis nitong sabi. Sabay niyang tinanggal ang aking kamay. Natatawa naman ako. Namiss ko ang ganito naming eksena. Para kaming magkaibigan kung mag-usap. "Hindi pa rin nagbabago ang pangarap mo? Yun pa rin?" Tanong ko sa kaniya. Pangarap niyang maging E-sports gamer. Maging sikat. Adik na adik kasi sa online sports and video games. Ang sabi ko sa kaniya. Mag-aral pa rin kahit IT lang. Matalino naman siya. Kahit hindi mag-aral pumapasa at nagtatop pa sa class. Paano na lang kung mag-aral. "Yup, it will never change. Gusto ko yumaman agad. Para madala kita sa mamahaling restaurant. Ma-ipagshopping ka. Sayang naman kasi ang ganda mo if ganito ka lang, pang karenderya." Natatawa nitong sabi. "Grabe ka ha. Ikaw nagsabi ang ganda ko ngayon, hmp!" "Totoo. Pero wait lang. Saan mo nakuha yang damit mong mukhang mahal. May afam ka? At ano yang hawak mo na paper bag. Parang familiar ang logo?" Inagaw niya ito bigla sa akin. Aagawin ko sana kaso tumakbo na siya papunta sa ilalim ng puno. Sa ilalim ng puno may mga maliit na upuan. May mesang kahoy na nakapalibot sa puno. Doon niya nilapag ang paper bag at inalis ang laman. Kitang-kita ko ang tuwa at kislap sa kaniyang mga mata. Talagang nagulat siya at masaya. "Wow! This is for me? Saan mo 'to ninakaw, Miss?" "Hoy, hindi ko yan ninakaw. Kala mo ha. Mapagbintang ka." Kunyare nagtatampo kung sabi sa kaniya. "Hey, I'm just joking. But seriously. You know how expensive this thingy here. I know you can't afford it. So, before I will open it, tell me the truth bruh! I'm not gonna open this or else. It would be the death of me." "Bruh ka dyan! Binubruh muna naman ako. Inutang ko yan. Bago na ang work ko. Nagwowork na ako ngayon sa Z-tech." Paliwanag ko. "Woooh, wait. You mean, Z-tech E gaming company? Seriously?!" Gulat niyang tanong. Hindi makapaniwala. "O-Oo, pautang yan ng company kung sino may gusto. Mas mura sa kanila. Yan ang gamit ng mga players nila kaya naalala kita. Kumuha ako. Installment naman." Halos mautal ko pang paliwanag. Nako po Lord. Sorry at nagsinungaling na naman ako sa batang 'to. Ang dami ko ng atraso rito. "Pwede akong pumunta sa workplace mo? Bibisitahin kita." Excited niyang tanong. Habang binubuksan niya ang box ng laptop. "Nako, hindi pwede kasi bago pa lang ako. Pag matagal na ako. Pag sakto na yung ipon ko. Kunin na kita rito." Malungkot kung sabi sa kaniya. "Okay kana? Makukuha mo na ako? May ipon ako. Ibibigay ko nga sayo." Nagulat ako sa sinabi niya. Saan siya kumuha ng pera? "Paano ka nagka-ipon? Sakto lang naman binibigay ko kay Tina." "Sideline. Nagbebenta ako ng mga online game account." Paliwanag niya. Hindi ko naman nagets. Pang Gen Z kasi ang term. "Wow! The best ka talaga Miss." Ang saya niya makita ang laman ng box. Ang pangarap niyang laptop. "Ano yan? Paki-explane sa akin? Legal ba yan? Ang bata bata mo pa. Baka mapabayaan mo pag-aaral mo ha." Paalala ko sa kaniya. Alam ko na hindi niya pababayaan. Sa isang private school sila nag-aaral na malapit lang dito sa shelter. Mga scholar sila gamit ang pondo galing sa mga donation. Nasa grade three na siya sa edad na seven. Mag eight years old na siya this year. Accelarated nga siya. One year old pa lang kasi 'to ang galing na magsalita. May photographic memory pa. Lahat natatandaan agad. Kahit buong libro kayang niyang sabihin ang laman. "Gagawa ka ng account ng isang online game. Papalakasin mo 'to. Tapos pag malakas na saka mo siya ibebenta. Madami ang bibili lalo na mga mayayaman. Minsan kasi ayaw nila na magpakapagod maglaro. Gusto nila magaling agad yung account nila. Kaya sila ang target na bentahan ng mga tulad ko." "Paano ka naman nagka-idea niyan? At saan mo naman nilagay ang pera mo? Minor ka palang Xy. Wala kang gov't ID kundi ang school ID mo lang, aber?" "Sa gcash. May CIMB doon may bank. Ginamit ko ID mo. Yung number ko pero information mo. Picture mo nga doon selfie ng natutulog ka. Hahah! Joke! Si Maam Tina inutusan ko na gawa ka ng selfie video and pic." Natatawang paliwanag nito. "Na-scam mo ako?! Ikaw ha kabata bata mo pa. Ano pa ang nakakagulat na mga impormasyon ang need ko malaman sayo? Baka sa next dalaw ko sayo ay nakabuntis kana. Sinasabi ko sayo Xy ha." Banta ko rito. "Grabe naman. Makabuntis agad. Hindi mo ba alam ang right age ng lalaki para makabuntis. Nasa libro yan. Wala pa akong nabalitaan na seven years old nakabuntis. When you hit puberty that's the time, pwede kang makabuntis. Nakoo Miss. Natulog ka siguro sa klase ng time tinuturo ay about reproductive system." Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Oo na ikaw na ang matalino. Itago mo na yan. Pera mo yan." Sabi ko sa kaniya. "Xy, hindi ako magtatagal ha dadalaw na lang ulit ako ngayong buwan. Mag -iipon ako." Mahinahon kung paliwanag. Nakita ko na natigilan siya at tumanaw sa malayo. Yung masayang mukha kanina ngayon nabahiran ng lungkot. "Miss, hindi mo ba ako pwedeng isama? Hindi naman ako pabigat. Kaya ako nag-iipon para may extra pera ka. At baka pag may sariling pera ako. Baka pwede mo na akong isama." Malungkot at puno ng sakit ng sambit. Nakita ko na naluha siya. Pinunasan niya ito ng kaniyang kamay. "Xypher Caius..." Buong sambit ko sa pangalan niya. Grabe ang sakit. Nasasaktan ako lalo na para sa kaniya. Alam kung hindi ganoon kadali na isama ko siya. Hindi ako sigurado kung papayag na ang DSWD na kunin ko siya. Kahit matagal ko ng gusto na isama siya. "Ayoko na dito, Miss." Ngayon nakatingin na siya sa akin. Puno ng pagsusumamo at pagmamakaawa ang kaniyang mga mata. "Kahit mahirap, kahit sa malayo, kahit ano. Basta kasama lang kita. Wala na nga akong papa. Pati ikaw hindi ko kayang makasama." Tuluyan ng nalaglag ang kaniyang mga luha. I hugged him tight. Naiyak na rin ako. Sabay kaming umiyak. Hindi ko alam paano ko i-explain sa kaniya. Kung pwede lang sana. Sana noon ko pa ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD