Chapter 09

2792 Words
Nagising ako na mugto ang aking mga mata. Ang sakit naman kasi ng mga sinabi niya. Hindi naman kasi need ipamukha sa akin. Hindi ko alam bakit galit na galit siya. Nagsabi naman ako na mamamasyal tapos may pag ganon siya. Ang OA. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Hindi rin kasi ako nakatulog. Nanaginip na naman ako. Napanaginipan ko na naman ang gabi na 'yon. Ang gabing pilit kung binabaon sa limot. Ang gabi na naging dahilan ng muntik ng pagkasira ng aking kinabukasan. Flashback I was inside a room. Madilim ng konti. Tapos ako medyo tipsy. Hindi ako nainom pero sa mga oras na'yon ay mukha talaga akong nalasing. But something is not right. Kakaiba ang aking nararamdaman. Sobrang init na hindi ko kayang labanan. Kakaiba itong aking nararamdaman. Nagpalinga linga ako sa loob bg kwarto. Walang ibang tao kung hindi ako lang. Ngunit may naririnig ako na tunog ng lumalagasgas na tubig. May tao sa CR at naliligo. Biglang tumigil ang tunog na nagmumula sa CR at bumukas ang pintuan. Nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa loob at napatakip sa aking mata. Naramdaman ko ang mga yabag na papalapit. Yung kasama ko na lalaki sa kwarto. Papalapit siya ng papalapit. Pagtapat sa akin. Naramdaman kung huminto siya. Ayaw kung magmulat ng mata. Natatakot ako. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy galing sa kaniyang katawan. Amoy fresh na fresh. Gusto ko siyang hawakan at yakapin. Mas lalo kasing nag-init ang aking pakiramdam. Hindi ko na kailangang magkusa. Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na nagsisimulang maglakbay sa aking buong katawan. Mas lalo akong nag-init. Itong nararamdaman ko ay kakaiba. Parang nag-aapoy ang aking pakiramdam. Kaya naman hinatak ko siya sa leeg at hinalikan. Hindi ko alam kung tama ang aking ginagawa. First time ko 'tong gagawin lahat. Busy ako sa pag-aaral at magtrabaho na wala akong time para makipag relasyon kaya naman hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa. Naramdaman ko ang kaniyang pagtugon sa aking ginawa. Meaning tama! Napangiti ako ng wala sa oras. "What's funny?" He whispered. Mas lalo akong nalasing dahil sa boses niya. Sobrang lamig na nakakapanghina at nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. "mmmh, wa-wala lang. O-okay ba ang halik ko?" Nautal kung bulong sa kaniya. Pilit kung niluluwagan ang pagkakayakap niya sa akin dahil gusto kung makita ang mukha niya kahit alam kung napaka imposible dahil madilim ang kwarto. Ang sinag ng ilaw na nanggagaling CR ang tanging nagbibigay liwanag sa loob. Naramdaman niya siguro ang ginagawa ko kaya sinunggaban niya ako ng halik at hindi niya ako sinagot. Infairness nakakabaliw ang kaniyang halik. Ginaya ko na lang ang ginagawa ko. Tama naman siguro kasi naririnig ko ang kaniyang mahinang ungol. End of flashback  Hanggang doon lang ang naaalala ko sa gabing yon. Paggising ko kinabukasan mag.isa na lang ako sa kwarto. Kung hindi ako ng enjoy sa nangyari masasabi ko na nagahasa ako. Kasi iba ang nararamdaman ko pag napapanaginipan ko ang pangyayari na 'yon. Bumangon na ako at nagpunta sa CR para mag-ayos ng aking sarili. Hindi natulog sa kwarto si Mr. Chu. Baka hindi umuwi dahil galit sa akin. Ready na ako at bumaba ng hagdan. Nagulat ako ng nasa kalagitnaan na ako. May mga tao sa living room ng bahay. Mga sampo sila. Dalawa lang naman kilala ko. Si Mr. Chu at si Chin. Ang iba hindi na ako familiar. Mga tauhan siguro. Mabuti na lang at maayos ang aking suot. Naka simpleng flowy na printed dress ako na above the knee at sleeveless. Desente naman. Kaya hindi ako nailang. Ang hindi ko alam kung saan ako dadaan. Lahat sila nagkalat sa living room. At lahat sila napako ang tingin sa akin. Nag-aalangan tuloy ako kung babatiin ko ba sila or lalagpasan ko na lang. Bastos naman siguro kung yun ang huli ang gagawin ko kaya bumati na lang ako. "Good morning..." Mahina kung sabi. Napako ang aking tingin kay Chin at binigyan ko ito ng tipid na ngiti. Ngumiti naman siya ngunit may halong lungkot. Tumango na lang ako bilang togon sa reaksyon niya. Dumaan ako sa gitna nila ng hindi tumitingin kay Mr. Chu. Nakakailang hakbang pa lang ako papunta sa dining area ng marinig ko ang kaniyang boses na nagpatigil sa akin. Biglang nanginig ang aking kamay at napapikit ako. God! Papagalitan na naman ba ako at iinsultuhin. Gusto kung maiyak. Hindi ako lumingon. Natatakot ako. Pikit ang aking mata at ang aking mga kamay kulang na lang mapunit ang gilid ng aking damit sa sobrang diin ng paghawak ko nito. "Kimberly..." mahina at ramdam ko na may konting pag-aalala. Para akong nabunutan ng tinik. Dahan dahan kung minulat ang akin mata at nagtama ang paningin namin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa kaniyang mga mata. It's not the same like yesterday. Sobrang nakakatakot yung kahapon. Now, those 2 orbs are staring back at me tenderly with full of worries. "You eat your breakfast and we will leave after. We are going back to the Philippines today." Mahinahon niyang sabi ng hindi pa rin inaalis ang kaniyang mga titig sa akin. "mmh... Okay." Halos pabulong lang na lumabas sa bibig ko at sabay talikod at lakad papuntang dining area. May nakita nga ako na nakahanda na pagkain. Mga tatlong bento box. At may pancake sa may plato na nakahiwalay. Hindi ko alam ano ang mga laman ng bento boxes kaya hindi na ako nag-attempt na buksan. Okay na ako sa pancake at gumawa na lang ako ng coffee. Mabilis akong kumain. Siguro mga three minutes lang. Baka kasi tawagin na ako at umalis kami. Nagulat na naman sila ng padaan ako sa living room. Gano'n pa rin ang kanilang posisyon. Hindi ko na sila pinansin. Deretso akong umakyat sa second floor at deretso sa kwarto para magsimulang mag - empake. Natapos din naman agad. Kaya naligo ako at nagprepare. Hindi ko alam anung oras kami aalis pero nagready na ako. Baka maaward na naman tayo. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at turtle neck na knitted white top. Hapit sa aking katawan dahil sa tela. I put up my hair into a messy ban. Light make up lang nilagay ko para hindi masyadong halata na may crying moment na naganap, though halata naman. Oh! Baka kaya sila nakatingin sa akin kasi mugto ang aking mga mata. Anyway, ngayon ko lang narealize. Bumaba ako bitbit ang aking maliit na suit case. Akala ko wala na sila. Gano'n pa rin. May nadagdag lang na isa, si Chico. Siya ang mabilis na lumapit sa akin para tulungan ako sa aking dala. Binitbit niya ito palabas, ilalagay siguro sa sasakyan. Sumunod din ako sa kaniya. Hindi ko sila pinansin. Honestly, nakakalungkot. Nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari kahapon. Nang nasa labas na ako tiningnan ko ang kabuuan ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako. Isang beses lang pala ako makakarating sa lugar na'to. Hinanap ng aking mga mata si Marissa. Mula pa kaninang nasa dining area ako ay wala akong nakita na anino niya. Sayang naman. Hindi ako nakapag thank you manlang at makapagpaalam. Pumasok ako sa sasakyan. Pumikit ako. Nalulungkot talaga ako. Ang dami ko pang gustong pasyalan kaso nasira ng dahil kahapon. Babalik ako SG. Next time totoong travel na. Pangako. Nasa ganoon ako na momentum ng maramdaman ko ang pagbukas ng pinto at paglubog ng upuan sa tabi ko. Napuno rin ng amoy niya ang buong sasakyan. Ang kaniyang parating amoy, ang pinaghalong pabango niya at ang kaniyang natural na amoy sa katawan. Natandaan na ng ilong ko kaya kahit nakapikit ako alam ko na siya. Hindi ko na maipagkakaila. Hindi ako nagmulat. Nahihiya at natatakot ako. Hindi ko rin alam ang dapat kung maging reaksyon sa kaniya. Nag-aalangan na ako. Hindi ko pala siya kaya. Hinding hindi ko siya magiging ka level. He is out of reach. Too far to reach. Aatakin ata ako parati sa panic attack at anxiety. Nasa ganoon akong pagmumuni ng bigla akong namanhid. Hinawakan niya ang aking kamay. Kaya naman bigla itong nanginig. Bigla akong pinagpawisan at natakot. God! What is happening to me. Dahil lang sa ginawa niya kahapon sa galit niya naging ganito na ang aking reaksyon sa kaniyan. "Kimberly... Hey, Kimberly... It's me." Puno ng pag-aalala niyang sabi. Nagmulat ako ng mata. At hindi ko mapigilang mapaluha. Pinilit kung tanggalin anv pagkakahawak niya sa aking kamay. Kaya naman binitiwan niya ito. "Hey, are you okay?" Sabi pa ulit niya. Hinawakan niya mukha ko at pinunasan ang aking luha gamit ang kaniyang kamay. Pagkatapos binitawan niya ako. Akala ko kaming tatlo lang sa loob ng sasakyan kasama na ang driver. Pagtingin ko sa unahan ay nakita ko si Chin. Nakatingin rin sa akin na puno nv pag-aalala ang kaniyang mga mata. "I'm okay. I'm sorry." I said and close my eyes again. "Damn..." Mahina niyang sabi at narinig ko ang malalalim niyang buntong hininga. Nakarating kami sa Airport ng hindi na kami nagkikibuan. Tahimik lang din ako. Pumasok kami sa loob at nagtungo na sa private plane ni Mr. Chu. Bigla rin kami huminto kasi may kumausap sa kaniya. Sakto naman natapat kami sa shop ng mga laptop. Yung MSi na brand. Mga gaming laptop. Pangarap niya 'to. Pumasok ako sa loob at isa isa kung tiningnan. May umagaw ng akin pansin. Yung eksaktong model na gustong gusto niya. Parati niya 'tong binabanggit sa akin. Napangiti ako. Ano kaya ang hitsura niya pag bigyan ko siya nito? Napatingin ako sa presyo at nawala ang aking ngiti bigla. Ganon kamahal?! 2,700+SGD. My God! 100k+ in Peso. Sabagay, gaming laptop kasi. Hinawakan ko ito at sabay manifest. Someday mapapasaakin ka rin. Bulong ko sa aking isipan. "You like it?" Bigla kung narinig. Someone whispered to my ear. Nagulat ako. Masyado akong invested sa laptop na'to at hindi ko namalayan ang kaniyang paglapit. Si Mr. Chu pala. "Ahh... Hindi. Tiningnan ko lang. May kilala kasi ako na gusto niya ng ganitong laptop." "Oh, your ex-bf?" He asked while raising his right eyebrow. "No..." Tipid kung tugon. "Let's go." Aya niya. Sumunod naman ako at naiwan pa rin ang tingin doon sa laptop. Napabuntong hininga na lang ako. Sinampal na naman tayo ng kahirapan. We went inside the plane. We position ourselves to our respected seats and magkatabi pa rin kami ni Mr. Chu, syempre. Nabawasan na ng konti ang aking kaba sa kaniya. Natagalan pa bago nagtake off ang eroplano kasi hinintay pa si Chin. Kasama pala ito pagbalik sa Pinas. Nakatulog ako sa almost four hours na flight ng hindi ko namamalayan. Paggising ko ay nakayakap na ako kay Mr. Chu. Gano'n din siya sa akin. Nagulat ako at humiwalay ako bigla. OMG! Apat na oras ako sa ganoong posisyon?! Nakakahiya naman sa kaniya. "I'm sorry. Nangalay ba katawan mo?" Bigla ko na lang natanong para lang matakpan ang pagka pahiya ko sa kaniya. "It's okay. No worries. Are you okay now?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit hindi ba ako okay? "I'm okay naman. No worries Mr. Chu." "Kimberly... mmmh. About what happened yesterday. I'm sorry. I was just worried." He said. I can sense that he is sincere with the apology. "It's okay. I understand clearly. You don't have to explain." Sagot ko na lang. Sa isip isip ko. Trabaho ko naman talaga ay ganoon kaya okay lang. Nag ilusyon kasi ako kaya ako nasaktan. Tahimik kami sa buong biyahe. Lalo na at marami na ang tumatawag sa kaniya. Ganoon siya ka busy. Gano'n talaga ang mga mayayaman. Busy sila, walang pahinga. Tulad ni Mr. Chu. Hindi na rin kami nag-usap. Kay Chin na ako nagpasalamat ng nasa tapat na kami ng condo dahil busy pa rin si Mr. Chu sa cellphone niya. Seryoso ito dahil halos mawala ang mata, suguro galit sa kausap. Pagkarating ko sa loob ng aking unit. Nagpalit lang ako ng damit at humilata na ako sa aking kama. Wala na ata akong lakas para kumain. Bukas na lang dahil magrereport man ako sa office. Kakausapin ko rin si Czarina. Nakatulog nga ako ng hindi kumakain. Sobrang himbing ng aking tulog at hindi ko namalayan na bat-empty pala ang aking cellphone at hindi ko ito nacharge. Gano'n ako napagod kahapon. Magready lang ako. Daan na lang ako ng fastfood para magbreakfast late naman na. Natapos ko na lahat at ready na akong umalis. Sakto naman full charge na ang akin cellphone. Pagka-on ko pa lang may mga notification na. May ten missed call si Czarina. Fifteen missed call na unknown number. Nako ano kaya kailangan ni Czarina. Dali dali ko kinuha bag ko at nagbook ng grab at pumunta sa office ng seeking.com. Simpleng outfit lang ang aura natin. Naka sneakers lang din ako. Pagkadating ko sa opisina nila. Senenyasan ako ng receptionist na pumasok na lang ako deresto kaya sinunod ko naman ito. Pagpasok ko bumungad kaagad sa akin si Czarina na busy ka kaniyang ginagawa. "Hi, good morning!" "Oh Kim! My God tinatawagan kita kagabi. Okay ka lang?" Bungad nito sa akin. Halatang nasa mukha ang pag-aalala. "Okay lang, sorry kasi battery empty yung cellphone ko at nakalimutan kung icharge, ngayong umaga lang pagka gising ko." "mmmh, gano'n ba? Mabuti naman kasi tumawag si Mr. Chu last night. Kinuha personal number mo. Binigay ko tapos tumawag ulit, mali daw ata binigay ko kasi wala daw nasagot tapos bigla hindi na macontact. Kaya naman pala." Paliwanag nito sa akin. Ako naman napaisip ng malalim. Bakit ako tatawagan? Need niya ba ako? Bigla tuloy akong kinababan. "Aalis ba siya?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya. "Yun nga akala ko nga. Pero hindi. Mamaya sabihin ko sayo. Basta kinuha niya number mo ha. First time yun. Siya ang client ko na never nanghihingi ng number sa akin. Parang ang alam ko hindi talaga niya kino-contact ang mga sugar babies niya after ng mga trips. As in tapos na pagkabalik dito sa Pinas. Kaya nako, baka iba ang tama sayo girl! Swerte mo." Tuwang-tuwa pa talaga siya. Nangunot tuloy ang aking noo sa mood niya. Kung alam lang niya na ginalit ko ang tsekwa na 'yon. Nako, baka may ichacharge sa akin. Paano ba'to. "mmmh Czarina, nagpunta ako rito para sana sabihin sayo na hindi ko na itutuloy. Hindi pa naman ako totally nagpirma ng contract diba? Kasi sabi mo pag-isipan ko at i-try. So, yun ang desisyon ko now. Once is enough. Okay na rin na experience." Sabi ko sa kaniya. Kita ko ang na natigilan siya at tinitigan niya ako. Hindi naman siya galit base sa hitsura niya pero mukhang puno ito ng pagtataka. "Why? May nangyari ba na hindi okay while you were in SG?" Gusto ko sana sabihin sa kaniya kaso baka maging problema. Kaya tinikom ko na lang ang aking bibig sa mga nangyari doon. "Wala naman. Hindi ko lang kaya ituloy. Hindi ako happy. Okay lang if hindi mo ako bigyan sa first client ko. Consider it na lang na parang breech of contract fee na rin." "Nako hindi no. That's your money. And may kita naman na ako do'n. Sayang naman akala ko ikaw na ang aking lucky star. Parang bet na bet kapa naman ni Mr. Chu. Siya talaga ang big client ko at very generous. Oh, siya hindi ako namimilit pero hindi ko i-erase ang details mo just in case gusto mong bumalik punta ka lang dito okay? Welcome ang mga tulad mo na maganda at mabait." Para akong nabunutan ng tinik. Akala ko pa naman magagalit na'to. Sobrang bait din nv isang 'to kaya nagdadalawang isip ako. Kaso natatakot ako. Paano if iba na ang kumuha sa akin. Mas worst pa kay Mr. Chu. Yun pa nga lang natakot na ako. "Thank you, Czarina." My sincere replied. "By the way. May hinatid pala dito yung driver ni Mr. Chu. Ito na naka paper bag. Mabigat ang laman. Hindi ko na binuksan kasi personal naman na bigay. Kaya ka siguro kino-contact kagabi." Iniabot nga niya sa akin ang isang paper bag na may tatak na MSi. Kinababan ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement. My God! Binili niya?! Alam ko laptop 'to. "mmmh, ano ba laman niyan? Mukhang kinikilig ka dyan?" Basag ni Czarina sa momentum ko. "Ah wala, happy lang." Tipid kung sagot. Ayoko ko na ikwento kasi akin na yon. "Oh cg, ipapasok ko na lang sa account mo ang para sayo. Ayusin ko lang. Basta anytime pwede ka bumalik. Salamat." "Salamat rin, Czarina." Lumabas ako sa opisina na 'yon na masaya. Sa Z-Tech na lang ako mag concentrate. Baka doon ang aking future. Hindi muna ako uuwi. Dadalawin ko ang siguradong matutuwa sa laptop na'to. Naiisip ko pa lang ang magiging reaction sobrang saya ko na. Kahit ito lang. Matupad na isa sa pangarap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD