Tristen's POV
Nandito ako ngayon sa favorite place ko. Nakaupo lang ako sa may hagdan dito.
Si Stacy? Andyan lang yan, naglilibot-libot. Alam narin naman niya nyan san ako hahanapin.
"Staniel?" napalingon ako sa likod.
"Mira?" lumapit na siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Talagang umaasa ka sa lugar nato?" tanong niya.
Napatingin ako sakanya.
Naalala kong halos lahat pala ng tungkol samin ng kakambal ko, alam niya.
"Oo naman. Ito yung unang lugar na nakapag-paalala sakin kahit papano simula nung magising ako sa coma. Kaya umaasa akong sobrang espesyal ng lugar nato para sakin noon."
"Tss. Nga pala…si Stacy?" lumingon-lingon pa siya sa paligid.
"May pupuntahan daw sandali. Pero alam kong kay EJ yun pupunta."
"ANO?!" nagulat ako sa pagsigaw niya.
Tsaka yung itsura niya, mukhang worried.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman. May tiwala ka pala kay EJ?"
Ngumiti ako.
"May tiwala naman talaga ako sakanya kahit nung panahong sinasaktan pa nila kami. May time na nainis ako sakanila. Pero kahit kailan hindi ako nagalit sakanilang magkapatid. Alam kong nasasaktan parin sila sa pagkawala ng Ate nila."
"Staniel..."
Tumingin ako sa kanya.
"Ilang araw nalang ang natitira bago matapos ang 30 days deal?" dugtong niya.
Kumunot ang noo ko. Bakit kaya lagi siyang curious dun?
"Hmm...4 na araw nalang. Bale, 26th day na ngayon."
Pagkatapos nun, ewan ko pero parang sobrang worried niya. Kulang nalang ata mag-teary eye siya sa sobrang worry e.
"Staniel...simula sa araw na to. Maghanda na kayo sa mga pagsubok."
"Ha?"
"Ngayon na magsisimula ang mga pagsubok na sinasabi ko sainyo. Kailangan kayanin niyo lahat ng yun hanggang sa matapos ang 30 days deal. Sana magawa niyong malagpasan yun."
Nakatingin lang ako sakanya.
Bakit parang alam niya ang mga mangyayari?
"Ano ba talagang sikreto mo?" natanong ko bigla.
Nakatingin lang siya sa harap.
"Bago matapos ang 30 days deal..." tumingin siya sakin.
"...malalaman niyo ang sikreto ko." dugtong niya.
"That's a promise?"
"Here. Promise." itinaas niya ang kamay niya at nag-pinky promise sign.
Kinuha ko ang kamay niyang yun and we did the pinky promise.
"You made a promise." sabi ko.
Pero napansin kong nakatingin siya sa mga kamay naming naka pinky promise sign. At napansin kong teary-eyed siya at anytime pwedeng tumulo ang luha niya.
"Mira, okay ka lang?"
"Best Friends Forever. Death can't keep us apart. Geu yagsog." [That's a promise.]
At umiyak na nga siya.
Hindi ko alam kung bakit pero inakbayan ko siya at hinayaan kong isandal niya ang ulo niya sa dibdib ko. Naramdaman ko kasing ito ang kailangan niya. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak ng ganito.
Nararamdaman kong sobrang lamig niya na parang 0 degree ang lamig niya. Pero hindi ko alintana yun dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay dapat ma-comfort ko siya. Kung sanang alam lang niya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Sana minsan, magawa kong masabi sa kanya na...
"Mira. Gusto kita."
Pero bigla ko nalang naramdaman na parang ang sakit ng dibdib ko. Kaya inalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Mira at humawak sa dibdib ko.
"Staniel...ayos ka lang ba?"
Nakahawak lang ako sa bandang dibdib ko. At isang tao lang ang pumasok sa isip ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Mira. Nakita ko ang worried niyang mukha.
Tumingin ulit ako sa harap.
"Si Stacy..."
Stacy, anong nangyayari sayo? My Twin...
--------------------
Tricia's POV
Naglalakad ako ngayon papunta kila EJ. Dito lang rin kasi sa compound ang bahay nila e. Balak kong mag-surprise visit sakanya. Ito lang naman ang makakapagpasaya sakin e.
Ang makita siya.
Kahit na ayaw niya sakin, wala na akong pakielam. Basta ang alam ko…
…gusto ko siya.
At handa akong ipaglaban siya. To the point na kahit kakambal ko, kakalabanin ko, para lang sakanya. Pero sana naman hindi na kami umabot sa ganun ng Twin ko.
Nung nakarating ako dito sa bahay nila, pumasok na ako. Hindi naman ako bago dito, diba nga magkababata kami nila EJ at Louise kahit pa may mga di kami pagkakaintindihan.
Dumiretso lang ako sa sala nila, pero wala sila. Tahimik pa.
Hindi kaya nasa taas sila?
Nilabas ko ang phone ko. Napindot ko yung voice recorder at yung record. Ii-stop ko na sana yung pagre-record ng biglang...
"ETHAN PLEASE! ITIGIL MO NA TO!"
Nagulat ako sa sigaw na yun. Kaya agad akong nagtago.
Narinig kong galing yun sa kusina nila. At mukhang nag-aaway ang magkapatid.
"NO KASEY! ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT PARANG NAG-AALALA KA?!" sigaw rin ni EJ.
Mukhang wrong timing ang pagsurprise visit ko ah. Dapat siguro bumalik na lang ako next time.
Pero hindi ko alam kung bakit, pero parang may nagtutulak sakin na wag umalis dun at makinig lang sakanila.
"KUNG WALA SANANG MAPAPAHAMAK ETHAN AYOS LANG! PERO HINDI E! ILALAGAY MO SILA SA BINGIT NG KAMATAYAN!"
"ANO BA LOUISE! WALA DAPAT TAYONG PAKIELAM SAKANILA! SILA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWALAN TAYO NG KAPATID!"
Napahawak ako sa dibdib ko. Medyo nahihirapan na akong huminga. Mukhang dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.
"KAHIT PA ETHAN! Ako ni minsan hindi sumagi sa isip ko na patayin sila. Pahirapan lang, pero ni minsan hindi ko ginustong mamatay sila! Dahil nananaig parin ang mga pinagsamahan natin noon!"
"Wala na akong pakielam sakanila Louise! Kung mamamatay sila edi mamamatay! Buhay nila ang kapalit ng buhay ng kapatid natin!"
"Ethan ako na ang nakikiusap sayo! Wag mo nang ituloy ang plano mo! Wag mong hayaang pati ang kambal mamatay!"
Napatakip ako sa bibig ko at naramdaman ko nalang na basa na ang pisngi ko ng luha ko.
Nasasaktan ako sa naririnig ko ngayon.
"Wala akong pakielam Kasey. Basta, hindi ko titigilan si Stacy hangga't hindi pa tapos ang 30 days deal."
"Bakit ba parang ayaw mo siyang mawala sayo? Ayaw mo siyang pakawalan. Baka naman kapag namatay siya, magsisi ka."
Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Kaya nagkunwari nalang akong kararating ko lang.
Inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa kanila kahit na nahihirapan akong huminga.
"EJ!" tapos pumunta ako sa dining nila at nakita kong nandun silang magkapatid.
"Hi Louise." sabi ko nung napatingin ako kay Louise.
Nahalata ko sa mata niya ang pag-aalala. Pero inirapan niya nalang ako tsaka siya bumalik sa kusina.
"Ano nga palang ginagawa mo dito Stacy?"
Napatingin ako kay EJ.
"Surprise visit."
"Ahh...sana man lang nagpasabi ka nalang na darating ka. Para naman nakapaghanda kami."
"Tinawag pang surprise visit kung ipapaalam ko rin. Babo." [Fool.]
"Ahh...what do you like? Beverage?"
"Ah. No thanks. Dumaan lang talaga ako dito. Alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Twin e."
"Ahh..okay. Hatid na kita sa gate."
Naglakad na kami papunta sa gate nila. Nung nandun na kami sa tapat ng gate nila, may naisip akong sabihin kay EJ.
"EJ..."
"Ano yun?"
Ngumiti ako.
"Alam mo ba kung anong feel kong gawin ngayon?"
"Ano?"
"Gusto kong makipaglaro. At sisiguraduhin kong mananalo ako sa laro naming yun. Pero ang mas nakakatuwa dun? Hindi alam ng kalaro ko na nakikipaglaro ako sakanya."
Nakatulala lang siya sakin.
Wala na kong pakielam kung malaman niyang alam ko na ang plano nila ng kapatid niya. Pero gusto kong iparamdam sakanya kung anong gusto kong gawin.
"Nga pala, may request sana ako sayo. Bago sana matapos itong 30 days deal natin, sana matuto kang mag-korean. Kahit yung simple words lang. Para yung ibang sinasabi ko sayong korean words, malaman mo yung meaning."
Hindi parin siya nagsasalita. Kaya sinabi ko sakanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
"Nan niga silh-eo." [I hate you.]
Nakangiti ko yang sinabi para hindi niya maisip agad na hindi maganda ang ibig sabihin niyan.
"Hajiman nan yeojeonhi dangsin-eul joh-ahanda." [But I still like you.]
With that, iniwan ko na siya dun.
At nagsimula na akong maglakad papunta kay Twin habang nakahawak sa dibdib ko dahil halos hindi na talaga ako makahinga.
--------------------------------------------------EPISODE 5: STACY KNOWS THE TRUTH--------------------------------------------------