May ngiti sa labi si Esmeralda nang siya ay magising. Naalala niya ang sandaling hinalikan siya ng binata. Hindi niya rin mawari kung bakit nagustuhan niya ang halik na iyon. Kahit sandali lang ito, masasabi niyang iba ang halik ni Archer. Masarap. Nakakapang- init ng laman. Nakakalunod. Ngayon lang siya nasarapan sa isang halik. Hindi katulad ng kaniyang dating nobyo. Walang dating ang halik nito sa kaniya. "Kumusta po ang pakiramdam niyo, tita? Kapag po ba wala ako, hindi naman po kayo nabo- boring?" Nakangiting umiling si Analyn. "Hindi. May T.V. naman. Nanunuod ako ng balita. At kapag naburyo ako, matutulog ako. Kapag ayoko namang manuod ng balita, nanunuod naman ako ng nakakatawang videos online. Hindi ako nabo- boring." "Mabuti naman po kung ganoon. Akala ko naiinip kayo dito..."

