"Pamangkin, sa tingin ko ay seryoso talaga sa iyo si sir Archer. Bakit hindi mo siya pagbigyan? Bakit hindi mo siya hayaang patunayan sa iyo ang sarili niya?" wika ng kaniyang tiya Analyn habang kumakain sila. Bumuntong hininga si Esmeralda. "Hindi pa po kasi talaga ako handa, tita. Pero inoobserbahan ko naman po siya. May pagka-manyakis nga lang ang lalaking iyon." Natawa si Analyn. "Hayaan mo na. Ganoon talaga ang mga lalaki. Manyakis. Pero kung tutuusin, mas mainam na may pagka-manyakis ang magiging karelasyon mo. Mas magiging masaya ang gabi mo. Iyon bang ikaw lang ang minamanyak niya. Sa iyo lang siya nag- iinit. Sa pagkakaalam ko, nagbabagong buhay na si sir Archer. Nais na niyang mahanap ang babaeng makakasama niya ng matagal. Nasawa na siya sa lokohan." "Ganoon po ba? Bahala na

