SIMULA:
Paano kung tinanong ka ng six-year-old mong anak kung nasaan ang Daddy niya?
'Yong Daddy niyang matagal mo ng kinalimutan at halos isumpa. How can you explain a pain you tried so hard to bury.
Paano mo sasagutin ang mga mata niyang puno ng inosenteng tanong, kung ikaw mismo ilang taon mo nang iniiwasan ang sagot.
At higit sa lahat, paano ako magsisinungaling sa bata, when the truth is too dangerous and too cruel for a child to carry. Lalo na kung ang pinakatinatago kong sikreto ay hindi lang kung sino ang Daddy niya.
Dahil ang totoo...
I’ve been hiding the Governor’s son.
Huminga ako nang malalim at pilit kong iniwasan ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko. Kapag may bata talaga akong pasyente, naiisip ko agad ang anak ko.
Inayos ko ang stethoscope sa leeg ko at nakangiting humarap sa batang babaeng pasyente ko.
"Baby pretty, open your mouth wide for me...” mahinahon kong sabi habang dahan-dahan kong tinitingnan ang lalamunan ng bata. Nasanay na talaga akong tinatawag na baby lahat ng batang pasyente ko. Baby pogi kapag lalaki at baby pretty naman ang tawag ko kapag batang babae.
“Doc pretty,” bulong niya, medyo paos pero cute pa rin ang boses, “kapag nalunok ko po ba ’yong seed ng apple… tutubo po ba ’yon sa loob ng tummy ko? Magiging apple tree po ba ako?”
Mahina akong natawa. Pakiramdam ko biglang nawala ang buong araw na pagod ko dahil sa inosente niyang tanong. Bilang doktor, sanay na ako sa mga batang ganito. Madaldal, mapagmasid, at bigla-biglang nagtatanong ng mga bagay na hindi mo paghahandaan.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tongue depressor at inayos ang kumot niya.
“No, baby pretty. Hindi tutubo ang apple tree sa stomach mo."
She blinked up at me with those wide, wondering eyes. “Promise po?”
"Promise, baby. Kasi sa tummy mo, may acids doon. Parang tiny helpers na dinudurog ang food para hindi na siya maging puno. So kahit nalunok mo ’yong seed, hindi siya tutubo sa tummy mo.”
Napahinga siya nang malalim na parang nabunutan ng tinik. "Thank you po doc pretty. Akala ko po kasi paggising ko tomorrow may lalabas na leaves sa nose ko.”
Napailing ako at natawa nang mahina. Katulad na katulad siya ng six-year-old kong anak na lalaki na si Aviel na ang daming tanong. Kapag sinagot ko naman may follow-up questions agad. Pero sa bagay, ganon naman talaga kapag mga bata, mapa-babae man o lalaki, natural ng makulit.
"Doc pretty, may baby rin po ba kayo?"
"Yes baby pretty. May baby rin ako na katulad mo na ubod ng kulit. Pero he's a brave young boy, and his name is Aviel.”
"Aviel? Ang ganda po ng name ng baby niyo. Kasama rin po ba ni Aviel ang daddy niya?”
Saglit akong natigilan at biglang nawala ang ngiti sa labi ko sa pagbanggit sa salitang 'daddy.'
Isang salita lang mula sa isang batang pasyente. Isang inosenteng tanong. Pero parang may kamay na tila biglang sumakal sa lalamunan ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa ganitong mga sandali, laging siya ang naaalala ko...ang lalaking ilang taon ko nang pinipilit kalimutan. Ang pangalang hanggang ngayon, ayokong marinig. Ang mukhang ayokong makita pero hindi ko rin tuluyang mabura sa isip ko.
“Bakit mo naman naitanong ‘yon, baby pretty?" Ngumiti ako, pero ramdam ko kung gaano kabigat ang dibdib ko sa isang iglap.
"Kasi po doc pretty I'm sad na 'yong Daddy ko hindi ko kasama. Nasa work po siya sa ibang country. Kapag birthday ko po, nasa phone lang siya.”
Marahan kong hinaplos ang mukha niya saka ngumiti. Ganito talaga ang mga bata, they ask the simplest questions as if they were talking about toys or candies. Hindi nila alam na minsan, ang mga sagot sa mga tanong nila ang pinakamabibigat dalhin ng isang matanda.
“Minsan kasi baby pretty, may mga daddy na malayo dahil kailangan nilang magwork. Pero hindi ibig sabihin non na hindi ka nila naiisip.”
“Eh si Aviel po? Nasa work din po ba daddy niya?”
Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Napakasimpleng tanong pero sobrang hirap bigyan ng sagot.
“Si Aviel…” saglit akong napalunok. “Kasama niya ako, ang mommy niya.”
“Wala po siyang daddy?”
Hindi ko agad nasagot.
Pumasok ang nanay ng bata sa kwarto dala ang paper bag ng gamot, at parang iyon ang naging sagip ko mula sa usapang gusto kong takasan.
“Doc, nabili ko na po lahat. Ito raw po ’yong antibiotic niya.”
Agad kong kinuha ang reseta at ipinaliwanag ang dosage, gaano kadalas, at anong dapat bantayan sa lagnat. Sanay na sanay ang bibig ko sa ganitong klase ng paliwanag. Pero habang nagsasalita ako, may isang bahagi ng isip ko ang naiwan doon sa tanong ng bata.
Wala po siyang daddy?
Pagkatapos kong ma-discharge ang pasyente, dumiretso ako sa nurses’ station para i-update ang chart niya. Tahimik kong sinulat ang notes, pero hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko.
“Doc Avianna...”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Nurse Mae, may hawak na clipboard at bahagyang may pag-aalala sa mukha.
“Tumawag po ’yong yaya ni Aviel. Kanina pa raw siya tumatawag sa inyo pero hindi niya raw kayo ma-contact.”
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Mabilis akong bumalik sa aking opisina at kinuha ang phone ko na nakapatong sa mesa.
Bigla akong kinabahan nang makita ang ilang missed calls mula kay yaya Carlota. May missed calls din galing sa pinsan kong si Daniella.
Agad kong tinawagan si Yaya Carlota at mabuti nalang sinagot niya agad sa isang ring palang bago pa ako makapag-overthink ng masama.
“Ma’am Avianna—”
“Yaya Carlota anong nangyari? Si Aviel nasaan?”
"Ano po kasi Ma'am Avianna, si Aviel po kasi nakipag-away sa school. May black-eye po siya at—"
Hindi ko na hinintay matapos si Yaya Carlota.
“Pauwi na ako,” mabilis kong sabi bago ko pinatay ang tawag.
Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng hospital. Basta ang alam ko, ang bilis ng t***k ng puso ko habang nagmamaneho pauwi dahil sa galit at pag-aalala kay Aviel.
Pagdating ko sa bahay, hindi ko na naisip magpahinga. Agad kong kinuha ang ruler para gamitin pampalo.
“Ma’am...” maingat na tawag ni Yaya Carlota nang makita niya ako. “Nasa kwarto po si Aviel. Ginagamot ng tita Daniella at tito Migz niya. Hindi ko po kasi kayo matawagan kanina kaya si Ma'am Daniella at Sir Migz nalang po ang tinawagan ko. Sila po 'yong nakipag-usap don sa principal.”
Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Aviel, saglit akong napahinto. Nakabukas nang bahagya ang pinto, at nakita kong dahan-dahang nilalagyan ni Migz ng Band-Aid ang gilid ng kilay ni Aviel. Si Daniella naman, marahang nakatapat ang cold compress pack sa namamagang mata ni Aviel.
Pero imbes na maawa agad, mas lalong humigpit ang hawak ko sa ruler.
“Mommy…” mahina niyang tawag nang mapansin niya ako sa pinto.
Agad napunta sa akin ang tingin nina Daniella at Migz.
“Tumayo ka diyan, Aviel.”
Mabagal siyang tumayo. Kita ko ang takot sa mukha niya. Six years old pa lang siya, pero marunong na siyang makaramdam kapag galit na galit ako.
"Bakit ka nakipag-away sa school?"
Hindi siya sumagot kaya itinaas ko ang ruler. “Aviel, I’m asking you. Bakit ka nakipag-away, ha!?”
“Sorry, Mommy...”
“Hindi enough ang sorry. Sinabihan na kita, hindi ka dapat nakikipag-away. Hindi ka dapat nananakit.”
“Pero Mommy—” Bigla siyang napakagat sa labi. Namasa ang mga mata niya pero pinipigilan niya pa ring umiyak.
“Do you know how worried I was? Nasa trabaho ako tapos ikaw nakikipagsuntukan ka?”
“Mommy, hindi naman po ako nakipag-away. I was just defending myself.”
“Anong hindi nakipag-away? Then how would you explain that black eye huh!?”
"Pinagtulungan po nila ako, mommy. They bullied me. Sabi po nila wala raw akong daddy kasi ikaw lang po ang laging sumusundo sa akin.”
Sa isang iglap, may kung anong kumurot sa puso ko, pero mas nanaig pa rin ang galit ko.
“Then I told them meron akong Daddy. That he's working abroad for my future. Pero pinagtawanan nila ako at hindi daw totoong may daddy ako. Kasi kung may Daddy daw ako, dapat alam ko kung saan ako ginawa. Kasi si Nico, my bàstard classmate, he keeps bragging right to my face na sa Luxury Hotel sa Paris daw siya ginawa ng mommy at Daddy niya. Di ba po mommy, may daddy naman po ako? Na hindi totoo 'yong sinabi nilang terrible liar ako, na hindi totoo na fatherless ako?"
Pakiramdam ko parang may maliliit na karayom na isa-isang tumutusok sa dibdib ko.
Fatherless? Bakit sobrang sakit nun pakinggan.
"Of course you have a daddy…”
Nakita kong bahagyang lumiwanag ang mukha ni Aviel dahil sa sinabi ko.
"Talaga po, Mommy? Then where is he? Can I ask you po kung saan niyo ako ginawa ni Daddy? Para maipagmalaki ko sa mga classmates ko at hindi na nila ako i-bully.”
Napalunok ako ng laway at hindi agad nakasagot.
Napatingin ako kina Daniella at Migz para humingi ng back-up. Pero nagpanggap lang na may ubo si Daniella. Si Migz naman tumingin sa kisame at palihim na natawa. Mga traydor talaga.
At ako? Pakiramdam ko halos mamula sa hiya ang buong mukha ko.
Paano ko sasabihin sa six-year-old kong anak na sa CR ng bar siya ginawa.
Diyos ko! Lahat na yata ng medical emergencies na-handle ko na sa buhay ko, pero ito, this is a different kind of emergency. Iyong tipong hindi ko kayang bigyan ng sagot kahit anong medical knowledge na pinag-aralan ko nang ilang taon.
“Mommy?” usisa ulit ni Aviel. “Bakit po hindi ka sumasagot?”
Tahimik ang buong kwarto, pero pakiramdam ko sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Wala pa rin akong maisip na matinong sagot. At nakokonsensya na ako. Sobrang daming kasinungalingan na ang sinabi ko sa anak ko kapag nagtatanong siya tungkol sa daddy niya, at ayaw ko ng dagdagan pa yon.
Kaya ang ginawa ko nagpanggap akong nahimatay.
"Mommy! Mommy! Wag kang mamatay please..." Paulit-ulit na tawag ni Aviel habang malakas niyang niyuyugyog ang braso ko. Balak pa atang balian ako nitong anak ko. At saan ba siya nagmana ng pagiging OA, nawalan lang ng malay, namatay agad para sa kanya.
Narinig kong nalaglag sa sahig ang ruler mula sa kamay ko. Si Daniella rin ang unang kumilos. Mabilis niya akong inalalayan pero alam niyang nagpapanggap lang ako kasi dati ko na itong talent, ang magkunwaring mahimatay kapag naiipit sa sitwasyon.
Si Migz naman halatang pinipigilan ang tawa habang kunwari nagpa-panic. “Hoy malandi! Huwag kang totoong mamatay diyan. Hindi pa bayad ang utang mo sa akin.”
Gusto ko batukan itong si Migz. Pero syempre, dahil ako ang dakilang ina na kasalukuyang nagpapanggap na hinimatay, wala akong choice kundi manatiling nakapikit.
"Mommy, don't die please... promise po magiging good boy na ako. Hindi na ako makikipag-away sa school. Wag niyo lang po akong ewan mommy.”
Hindi ko kayang pakinggan ang boses ng anak ko na takot na takot dahil sa kaartehan ko. Kaya dahan-dahan akong nagising, kunwari hirap huminga, habang hawak ko ang noo ko.
“Water...” mahina kong sabi.
"Mommy wait po. Kukuha ako ng water sa kitchen." Agad na kumaripas ng takbo si Aviel palabas ng kwarto.
Nang wala na si Aviel, mabilis akong umupo at tinarayan sina Daniella at Migz.
"Gaga ka Migz. Bakit ang tagal mong sumakay sa pagpapanggap ko.”
“Excuse me? Ang arte mo. Bakit ka kasi nagpanggap na hinimatay?”
“Anong gusto mong gawin ko? Sagutin ko siya? Sabihin ko sa six-year-old kong anak na sa CR ng bar siya ginawa? Boang ka ba?”
Agad rin akong tinarayan ng maarteng baklang si Migz. “Ano ba kasing pumasok sa kukuti mo nang gabing 'yon at don ka tumuwad sa CR at nagpa-dóg style? Gosh Avianna."
“Hoy Migz, tumigil ka nga baka marinig ka ng anak ko. Ikaw nga nakipagséx ka rin kay Veronica doon sa sofa. Hindi mo pa pinandigan ang anak niyong dalawa. Pareho lang kayo ng Daddy ni Aviel na walang kwentang ama.”
"How dare you Avianna! Hindi ko matatanggap ang sinabi mo!"
"Yong alin? Yong wala kang kwenta?"
"Yong walang kwenta matatanggap ko pa. Pero ang tawagin mo akong ama—Hindi!!! Over my dead sexy body. At hindi ko anak 'yong bata ni Veronica. Che!”
"Tumigil na nga kayong dalawa. Parang kayong mga immature na bata," saway sa'min ni Daniella saka niya kinurot sa braso si Migz. “Pero teka lang, nasaan na si Aviel? Bakit hindi pa rin siya nakakabalik?”
Tumayo ako para puntahan si Aviel sa kitchen, pero hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto, biglang sumulpot si yaya Carlota sa may pinto.
“Maam Avianna, may tao po sa labas, hinahanap kayo.”
"May naghahanap sa'kin? Sino daw?"
"Hindi ko po kilala Ma'am Avianna. Pero sabi ng lalaki, kapag nagtanong ka, sabihin ko daw na Hendrix Montero."
"ANO!?" Pakiramdam ko biglang nanghina ang tuhod ko sa binanggit na pangalan ni Yaya.
Nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto para itago si Aviel... pero huli na.
Dahil paglabas ko, nakita kong nakikipag-usap na si Aviel sa lalaking kinamumuhian ko.
At kung kanina peke lang ang pagkahimatay ko. Sa tingin ko ngayon totoo na. Dahil literal na biglang nagdilim ang paningin ko nang makita ko si Hendrix Montero, ang walang kwentang ama ni Aviel.
"Mommy!" narinig ko pa ang sigaw ni Aviel bago ako makaramdam ng pagkahilo.
Nang akala ko'y babagsak na ako sa sahig, naramdaman ko ang pamilyar na bisig na biglang sumalo sa akin. Nakakainis sa sobrang pamilyar!
Gusto kong bumangon. Gusto kong itulak palayo ang lalaking may lakas ng loob na magpakita sa bahay ko after six years. Pero sa kasamaang-palad, sumasabay ang katawan ko sa drama ng buhay ko. Literal na nanghina talaga ako.
Nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko, ang unang bumungad sa akin ay ang panga ni Hendrix Montero. Sharp jaw. Cold eyes. And same arrogant face.
“Avianna..." aniya sa baritonong boses.
Nakakairita dahil ang kapal ng mukha niya para banggitin ulit ang pangalan ko! Pero mas nakakainis na pagkatapos ng mahabang panahon, narinig ko ulit ang boses niya at parang gusto ko ng himatayin ulit.
Sinubukan ko pang itaas ang kamay ko para maitulak siya palayo, para masakal siya, pero tuluyan ng dumilim ang buong paligid.
━━━━༻TO BE CONTINUED༺━━━━
HOT DADDY SERIES:
1: Harder, DADDY GOV
2: Deeper, DADDY DOC
3: Faster, DADDY ENGINEER
4: Slower, DADDY ATTORNEY
5: Haunt me, DADDY MAYOR
6: Hotter, DADDY CONG