HENDRIX MONTERO
“Hendrix kalimutan mo na ang nakaraan. Matagal ng nangyari 'yon. Maghanap ka na kaya ng ibang babae. Sayang naman ang ten inches na 'yan kung hindi mo magagamit.”
Kanina pa nagsasalita si Enzo sa tapat ko, pero kalahati lang ng sinasabi niya ang pumapasok sa utak ko. Hindi dahil hindi ko siya naririnig. Kundi dahil ayoko lang talagang pakinggan.
I swirled the whiskey in my glass and gave him a cold look. “You make it sound so simple, Enzo?"
“Because it is simple,” sagot niya saka sumandal sa sofa na para bang wala siyang ibang problema sa buhay kundi ang pakialaman ang akin. “You’re rich, powerful, single, and annoyingly good-looking. Governor ka na, billionaire ka pa. Tapos hanggang ngayon, para ka pa ring na-stuck sa kahapon.”
Napasinghap ako nang marahan at ininom ang whiskey ko.
“Look around you, Hendrix. Ang daming magagandang babae dito sa bar. Baka sakaling may makakuha ng attention mo.”
Hindi ko na siya pinansin.
Kanina pa siya ganyan. Mula nang umupo kami rito sa VIP section ng bar, wala na siyang ginawa kundi sermonan ako tungkol sa love life ko. As if may pakinabang iyon sa buhay ko.
Hindi ko rin maintindihan kung paano niya ako napapayag na sumama rito.
A bar. Of all places.
Hindi naman ako mahilig sa ganito. I am not the type of man who wastes time sitting in a loud place with flashing lights, drunk strangers, and meaningless conversations. Masyado akong maraming kailangang asikasuhin para tumambay lang dito.
May lungsod akong pinapatakbo. May negosyo akong binabantayan. At bilang isang Ahmed–Montero, may apelyido akong kailangang panindigan.
At higit sa lahat, wala akong interes makipagkilala sa kung sinu-sinong babae na ipapakilala lang din naman sa’kin ni Enzo.
Pero he kept insisting. Kesyo kailangan ko raw mag-relax at hindi puro trabaho.
At dahil nakakarindi na ang pangungulit niya, sumama na lang ako sa kanya dito sa bar para tumahimik siya, pero pagdating dito ang dami pa rin niyang reklamo.
“Hendrix, I’m serious. You need a woman.”
“For heaven sake, Enzo! I need peace and quiet”
“Exactly. Baka babae ang nakakapagbigay sayo ng peace and quiet.”
I looked at him without expression. “Or baka duct tape nang mabusalan ang bunganga mo para tumahimik ka.”
Natawa lang ang gago.
Ang totoo, hindi ko na rin maalala kung paano ba maging interesado sa ibang babae. After what happened in the past, parang may bahagi sa akin na tuluyan nang namatay. Hindi naman ako bitter. Hindi rin ako sugatan in the usual sense.
Pero may mga bagay talagang kahit ilang taon na ang lumipas, hindi mo pa rin lubos maiwan. Kahit gaano ka ka-busy. Kahit gaano mo takpan ng trabaho at responsibilidad. There are memories that stay. And some of them ruin people quietly.
Habang iniikot ko ang baso sa kamay ko, biglang may bumangga sa gilid ng mesa namin. Kasunod nun ang malamig na patak ng alak sa dibdib ko.
Natalsikan ng whiskey ang suot kong tuxedo.
“Sorry, Sir! Sorry po!” halos matarantang sabi ng isang waiter na napadaan sa gilid namin. Natamaan yata siya ng isang lasing na customer kaya natapon ang hawak niyang drink at napunta sa akin ang ilan.
"It's fine." One of the things I learned in public service was restraint.
Inalis ko ang tuxedo ko at inilapag sa tabi ko. Naiwan na lang sa akin ang white long sleeve ko. I loosened my tie a little and leaned back, already more irritated than when I arrived.
“See?” nakangising sabi ni Enzo. “Mas approachable ka tingnan kung walang tuxedo. Para kang bilyonaryo na nagpapanggap na waiter."
“Stupid.”
Tumawa lang siya at muling uminom.
Ako naman ay saglit na tumingala at pinikit ang mga mata ko. Malakas ang bass ng music, pero sa kabila ng lahat ng ingay, may isang bahagi ng isip ko na bumalik na naman sa katahimikan ng nakaraan.
At iyon ang mas nakakairita.
I hated it when that happened
Iminulat ko ang mga mata ko, at napailing nalang ako nang makita kong may katabi ng dalawang babae si Enzo. Kalalaking tao, maharot.
“Lalabas muna ako, Enzo. I need some air.”
“Sure. Pero bumalik ka. Hindi pa ako tapos sermonan ka.”
Hindi ko na siya nilingon at diretsong naglakad palayo.
Paglabas ko sa bar, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Mas tahimik sa labas kumpara sa loob, pero hindi sapat para patahimikin ang utak ko.
Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko at tumitig doon nang ilang segundo.
Hindi ako regular smoker. In fact, I rarely smoke.
Pero sa tuwing may mabigat akong iniisip, doon ko lang nararamdaman ang urge na magsindi.
One stick. One temporary distraction.
I stared into the dark street ahead, one hand in my pocket, the other holding the cigarette. Sa malayo, may dumadaang mga sasakyan. Sa likod ko, rinig ko pa rin ang bass ng music mula sa loob ng bar.
And still, none of it drowned the past.
Damn it.
Minsan naiisip ko na lang kung mas madali siguro ang lahat kung naging mas masama ako.
Napamura ako nang mahina nang bigla kong maalala ang phone ko. Naiwan ko 'yon sa mesa.
And that was a problem. May hinihintay akong tawag mula sa city administrator tungkol sa morning briefing namin bukas, at may message din dapat ang legal team ko tungkol sa isang pending document. I could not afford to miss either.
Agad kong tinapon ang upos sa tamang lalagyan at bumalik sa loob.
Pagpasok ko, mas lalong sumakit ang ulo ko sa ingay. I walked past a group of laughing women, a couple making out by the wall, and two men arguing over something pointless.
Typical bar scene.
Habang naglalakad ako pabalik sa puwesto namin, may napansin akong waitress na hirap na hirap buhatin ang malaking serving tray. Halatang mabigat iyon at mukhang konti na lang ay matutumba siya sa dami ng hawak.
Without thinking, lumapit ako. “Let me help you, miss.”
Nagulat siya nang kaunti pero agad namang pumayag. Hinawakan ko ang kabilang side ng tray para hindi ito tumagilid.
“Thank you, sir."
Tumango lang ako at tinulungan siyang i-balance ang tray. Pero bago pa man niya tuluyang mabawi ang kontrol, biglang may isang babaeng sumulpot sa harap namin na medyo magulo ang buhok. My kung anong inis at kalasingan sa kilos, at hindi man lang nag-abala na tumingin nang maayos sa amin.
Diretso siyang lumapit sa tray na hawak ko.
Then she grabbed one glass, at agad niya 'yong nilaklak na parang tubig lang.
Hindi pa siya nakuntento kaya kumuha siya ulit ng isa pang baso. Then another one.
Hangang sa tatlong sunod-sunod na inom.
The waitress beside me looked horrified.
Ako naman ay ilang segundong hindi nakapagsalita dahil sa sobrang unexpected ng ginawa ng babae.
Pagkababa niya ng huling baso, saka lang niya ako tiningnan. At doon ko lang napagmasdan ang mukha niya.
She looked unruly.
Pretty in a way that came with trouble.
Namungay ang mga mata niya, halatang may tama na, pero matalim pa rin ang tingin. Her lips were slightly swollen from drinking, and her expression looked like she was one bad sentence away from starting a fight.
Then, to my complete disbelief, bigla niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng kanyang bra at naglabas ng one thousand pesos.
"Bayad,” sabi niya sabay kindat. “Keep the change.” Iniabot niya sa akin ang pera na para bang waiter niya ako.
Before I could say anything, tumalikod na siya at naglakad palayo na parang wala siyang ginawa.
Halos mapatitig lang ako sa perang nasa kamay ko.
I looked at the waitress, mukhang hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. Inabot ko sa kanya ang perang iniwan ng lasinggang babae “I think that covers it."
“Opo, Sir. Thank you po ulit."
Tumango ako at iniwan na ang waitress.
Hindi ko na dapat pinansin ang lasinggang babae na 'yon.
Pero hindi ko rin alam kung bakit may kung anong kakaibang pakiramdam ang naiwan sa akin dahil lang sa ilang segundong iyon.
Maybe because of the audacity. Maybe because she looked like trouble. Or maybe because for the first time that night, may isang bagay na pumukaw sa inis ko bukod kay Enzo.
Pagbalik ko sa mesa, nadatnan ko si Enzo na ibang babae na naman ang katabi.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng tuxedo at tiningnan ang screen. May dalawang missed calls, tatlong emails, at isang message mula sa city administrator. Exactly why I hated leaving my phone unattended.
I opened my messages and texted my driver. Pick me up in fifteen minutes. I’m leaving.
Hindi pa naman ako lasing dahil kaunti lang ang nainom ko. Pero hindi ako nagmamaneho kapag may alcohol sa sistema ko. I was a public official. The last thing I needed was to violate the law I expected other people to follow.
“Leaving already?” tanong ni Enzo nang mapansin niya akong dinampot ang tuxedo ko.
“Yes.”
“Oh come on Hendrix. Ang aga pa. Hindi ka naman siguro si Cinderella na hanggang alas dose lang."
“Enjoy your night, Enzo.” Hindi ko na siya hinintay pang magreklamo.
Naglakad ako palayo sa mesa at dumiretso sa direction ng hallway papuntang CR. Hindi naman ako naiihi, pero gusto ko lang maghilamos bago lumabas. Baka makatulong sa sumasakit kong ulo.
Habang naglalakad ako, may nakita akong babaeng kumakaway sa di kalayuan. Pero inisip kong hindi ako ang tinatawag niya.
Masyadong maingay ang music para marinig ko nang maayos. Pero patuloy pa ring kumakaway ang babae sa direksyon ko na parang inis na inis na bakit hindi siya agad pinapansin.
I frowned and looked behind me.
Wala namang ibang tao sa likod ko.
She was definitely calling me.
The woman started moving toward me, hanggang sa mamukhaan ko siya.
Siya na naman. The same drunk woman from earlier.
The drink thief.
The bra-wallet woman.
Before I could ask what she wanted, bigla niya akong hinablot sa braso.
“Ano ba—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang ipinulupot ang isang kamay niya sa braso ko.
She smelled like alcohol, trouble… and something unexpectedly sweet.
"Halika, bilis...” Hinila niya ako na para bang may emergency kaming dalawa kahit hindi ko naman siya kilala.
“Excuse me?”
Pero hindi niya ako pinakinggan. Hinila niya ako papunta sa isang side ng hallway kung saan may isang lalaking nakatayo. Mukhang galit ang lalaki, tapos isa ring teenager na babae na nakatayo.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki at tiningnan ako ng masama. “Tangina Avianna! Yan ang bago mo?"
So, 'yon ang pangalan niya? Avianna? Avianna pala ang pangalan ng babaeng lasengga na ito na ginagawang wallet ang bra.
“Yesh,” malanding sagot nitong Avianna habang mas lalo pang dumidikit sa akin na parang matagal na kaming magkakilala.
“Siya ang bago ko, my hot sugar dzadi.”
Sugar dzadi???
Nanlaki ang mga mata ko. For one full second, I actually thought I misheard her.
Did she just call me her hot sugar daddy?
Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko kilala ang babaeng ito tapos ipapakilala niya ako ng ganon?
Damn! This woman was pretty trouble.
Ni wala nga sa plano ko ang mag-girlfriend ulit. Tapos siya, sasabihin niyang sugar daddy niya ako.
Hindi ko matatanggap ang kalapastanganan na ito!
━━━━━━༻TO BE CONTINUED༺━━━━━━
MATATANGGAP MO RIN YAN GOV NA MAGING SUGAR DZADI NIYA😅🤣