CHAPTER 2:

2803 Words
WARNING‼️ This novel contains mature content and strong language. Yung FL dito ay hindi typical na mahinhin at inosenteng babae. Palaban siya, prangka, at talagang bastos ang bunganga. For mature readers only. READ AT YOUR OWN RISK. R-18+ --------------------------------------------- AVIANNA DEL ROSARIO Hindi ko naman talaga balak maglasing. Iyon ang plano ko paglabas ko ng apartment. Mag-aayos, magpapaganda nang konti, tapos sasama kina Angel sa bar para magrelax dahil kakatapos lang ng semi-final exam namin. As a nursing student, it's not easy to breathe these days. Halos araw-araw na lang akong lutang sa puyat sa kakareview. Nakalimutan ko na nga kung paano lumandí. Kaya noong niyaya ako ng mga kaibigan ko na mag-bar, pumayag agad ako. Pagdating namin sa bar, maayos pa ako. Actually, I looked good. Nakaitim akong fitted dress na hanggang hita para ipangalandakan ang maputi kong legs. Nagkulot pa ako ng buhok at naglagay ng pulang-pula na lipstick. And thanks to my German àsshóle father. Hindi ko na kailangan masyadong maglagay ng makapal na make-up para magpaganda. My friends often compliment me na kamukha ko daw si Déva Càssel, isang sikat na actress at model sa ibang bansa. Pero para sa'kin kahit binigyan ako ng magandang lahi ng ama ko. Wala pa rin siyang kwenta! Pagkatapos niyang buntisin ang mama kong OFW, hindi na nagpakita. At ang buong akala ko'y makakapag-enjoy na ako ngayong gabi— Mali pala ako. Dahil sa lahat ng taong pwede kong makita ngayong gabi, siya pa talaga ang bumungad sa akin. Si Tristan, ang hinayúpak kong ex, may kahalikan na babae sa madilim na sulok ng bar. At ang mas masahol pa roon, ang kahalikan niya ay walang iba kundi ang pinsan ko mismong si Celine. Si Celine na paboritong apo ni Lolo dahil mapagkunwaring sweet at mahinhin kuno pero ahas naman ang ugali. Pero hindi na nakakapagtaka, dahil maliit pa lang kami ganyan na siya. Kapag may gusto akong laruan, gusto niya rin. Kapag may damit akong maganda, bigla nalang dapat mas maganda ang sa kanya. At kapag ako ang pinupuri, sisiguraduhin niyang may gagawin siya para mapunta rin sa kanya ang atensyon. Sa sobrang inis ko, umiwas ako ng tingin at naghanap na lang ng ibang pagbubuntunan ng atensyon ko. Hindi naman sa mahal ko pa si Tristan kaya naiinis ako. Kung tutuusin, two weeks na kaming hiwalay at wala na dapat akong pakialam kung sino man ang ipalit niya. Pero sa dami ba naman ng babaeng pwede niyang patulan, pinsan ko pa talaga? That was a different kind of insult. Pero sa bagay, talagang gagamitin niya ang pinsan ko para pagselosin ako. At ito namang pinsan ko na may pagka-abno, talagang papatulan ang ex ko kasi feeling niya mas maganda na siya sa'kin sa lagay na 'yan. "Hoy Avianna, okay ka lang?" tanong sa'kin ni Angel nang mapansin niyang kanina pa akong walang imik at hindi sumasali sa kanilang usapan. "Sino ba tinitingnan mo d—" Napalingon si Angel sa direksyon kung saan ako nakatingin. At nang makita niya sina Tristan at Celine sa sulok na naglalampungan, agad siyang napamura. “Put— Avi, seryoso ba ’yan? Si Celine, kahalikan si Tristan?” “Apparently. At mukhang proud pa.” Uminom ako ng malamig na beer na hawak ko pero parang hindi sapat ang lamig na 'yon para mabawasan ang init ng ulo ko. Napailing si Angel. “Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Alam kong gaga ka kapag galit.” Natawa nalang ako sa sinabi ni Angel at napailing. Dahil kilala nila ako. Kapag galit ako, I'm capable of doing something reckless. "Hoy Avianna teka—” agad na sabi ni Angel nang makita niyang tumayo ako mula sa upuan. "Relax, pupunta lang ako sa CR." Ramdam ko agad ang matalim na tingin nina Angel at ng dalawa pa naming kaibigan, na parang naghahanap ng kasinungalingan sa mukha ko. "Sigurado ka? Sa CR ka lang pupunta? Yan din sabi mo no’ng binato mo ng milk tea ’yong classmate nating nagkalat ng tsismis tungkol sa’yo.” “She deserved it," kibit-balikat kong sagot bago ako tuluyang tumalikod at humakbang palayo sa mesa namin. Muli akong sumulyap kina Tristan at Celine. Nakatayo na sila ngayon, at akala mo talaga bida sa cheap music video kung makadikit sa isa’t isa. Si Tristan, nakangisi na parang proud na proud sa kagaguhan niya. Si Celine naman, akala mo nanalo ng beauty pageant dahil lang nahila niya ang ex ko. Nang mapansin ni Tristan na nakatingin ako sa direksyon nila. Umayos pa siya ng tindig at humalik ulit sa labi ni Celine na parang may pinapatunayan. Akala yata niya affected ako. How pathetic. Nagpunta na ako sa CR at agad na humarap sa malaking salamin sa tapat ng mga sink. “Calm down, Avianna,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang medyo nagulong hibla ng buhok ko. “Hindi ka mamamatay dahil lang sa dalawang basurang nagkatagpo.” Binuksan ko ang maliit kong shoulder bag at kinuha ang lipstick ko. Medyo kupas na ang red lipstick sa labi ko dahil sa beer, kaya maingat kong nire-retouch iyon habang nakatitig sa sariling repleksyon. Tumayo ako nang tuwid at hinawi ang buhok ko sa isang balikat. Tapos na sana ako at aalis na pero biglang bumukas ang pinto ng CR. At syempre. Kung sino pa talaga ang huling gusto kong makita, siya pa ang pumasok. Nagkatinginan kami salamin, then she smiled. “Hi, cousin. Nandito ka pala.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ako tumawa nang mahina. “Obvious naman siguro. Hindi ka naman bulag.” Umismid siya at humarap sa salamin. “Akala ko kasi umalis ka na. Baka hindi mo kinaya.” Hindi ako agad nagsalita. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagbalik ng lipstick sa bag ko, saka ko siya sinulyapan. Talagang sinundan pa niya ako rito para lang ibalandra ang kalandian niya. “Kinaya ko naman. Mas nagulat pa nga ako na pinatulan mo si Tristan.” Napahinto siya. Kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya bago siya ngumiti nang pilit. “You can pretend all you want, Avianna, pero obvious naman na affected ka dahil ako ang pinili ni Tristan." Natawa ako. “If stealing my leftovers is your biggest achievement tonight, medyo nakakaawa ka Celine.” “Oh come on Avianna, hindi mo lang matanggap na sa lahat ng bagay palagi kitang nalalamangan. Ako ang paborito ni Lolo at ng iba pa nating pamilya. At ngayong na sa akin na rin ang ex mo. I think I won.” Lumapit ako nang kaunti at tinitigan siya nang diretso sa mata. "Unang una ako ang nakipaghiwalay kay Tristan kaya wala siyang choice kundi patulan ka. Pangalawa, syempre sa ating pamilya, kung sino 'yong kulang sa pansin, 'yon talaga ang bibigyan ng pansin ni Lolo. And to be honest, nakakaawa ka sa panlilimos ng atensyon sa iba. You're such a pathetic, desperate girl.” "How dare you, Avianna!" Akmang sasampalin niya na ako, pero mabilis akong kumilos at inunahan ko siya ng isang malakas na sampal. Hindi pa ako nakuntento sa isang sampal, kaya sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi. Napaatras si Celine at agad na napahawak sa namumulang magkabilang pisngi niya. “Baliw ka Avianna! Hindi mo matanggap na kami na ni Tristan kaya sinampal mo ako. You look so damn bitter right now.” Hindi ko na siya pinansin. Tumalikod na ako at dumiretso sa pinto. Sayang lang ang oras ko kung papatulan ko siya. Paglabas ko ng CR, saka ko lang napansin na ang lakas pala ng tíbok ng puso ko. Hindi dahil natakot ako kay Celine, kundi dahil hindi pa sapat ang mga sinabi ko para maibsan ang inis ko. Gusto ko pa. Gusto kong ipamukha sa kanila ni Tristan na hindi ako ang talo rito. Pabalik na sana ako sa mesa namin nang makita ko ang isang matangkad na waiter na ang daming drinks sa hawak na serving tray. At sa lahat ng puwedeng mapansin ko sa tray na iyon, doon pa talaga tumama ang tingin ko sa Amaretto Sour. Isang classic cocktail na paborito ko. Golden amber ang kulay, may manipis na foam sa ibabaw at isang cherry. Exactly the kind of drink I liked on nights when I wanted to forget people I wanted to slap. Hindi ko na inisip kung para kanino ang drinks na iyon. Hindi ko na rin inisip kung may matinong dahilan pa ba ako para pigilan ang sarili ko. Ang nasa utak ko lang, I deserve that drink. Diretso akong naglakad palapit, at mabilis na kumuha ng isang baso ng Amaretto Sour at sabik na sabik na nilagok ito. Tamang tama lang ang lamig. Medyo matamis, at may hagod ng tapang na dumiretso sa dibdib ko. Napapikit pa ako sandali sa sarap. “Ahh...sarap.” Narinig kong parang napasinghap ang waiter sa gilid, pero wala na akong pakialam. Kumuha ulit ako ng isa pang baso at ininom din iyon. Tapos isa pa. Nang ibinaba ko ang huling baso, saka lang ako tumingin nang maayos sa waiter. At doon ako lalong napatunganga kasi waiter ba talaga itong kaharap ko? Bakit parang isang Greek-God na bumaba galing langit? Tatlong beses pa akong napakurap para masigurado ko lang na hindi malabo ang mga mata ko. Sobrang tangkad niya. Siguro six feet or more. At ang unfair dahil 'yong mukha niya ay parang dahan-dahang inukit ng Panginoon para maging perpekto. Matangos ang ilong, lalaking lalaki ang hulma ng panga. At iyong mga mata niya— God! That dark intense eyes. Kahit seryoso at malamig ang tingin, ang hirap iwasan. At mas lalong hindi nakatulong na ang puting long sleeves niya ay bahagyang nakadikit sa katawan niya dahilan para bumakat ang abs niya. Tapos 'yong kamay niyang nakahawak sa tray ay klarong klaro ang mga ugat nito. At patawarin nawa ako ng Diyos dahil awtomatiko akong napatingin sa ibabang bahagi. And confirm. Mukhang malaki nga mga kumare. Nang mapansin kong nakakahalata na ang waiter na parang pinagpapantasyahan ko siya. Agad kong inilagay ang kamay ko sa loob ng bra ko, at hinanap ang nakasingit kong emergency cash. “Bayad,” sabi ko sabay kindat at inabot ang one thousand pesos sa waiter. “Keep the change," mayabang kong sabi. Kahit ang totoo, 'yon nalang ang natitirang pera ko para sa allowance ko next week. Pero ayaw ko naman magmukhang hampaslupa dito sa matangkad at gwapong waiter, kaya kailangan magpakitang-gilas ako na marami akong pera. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita. Tinalikuran ko agad siya at naglakad palayo na parang normal lang ang mang-agaw ng tatlong drinks at magbayad gamit ang perang galing sa bra. Pero habang naglalakad ako pabalik sa mesa namin, halos marinig ko pa rin ang boses sa utak ko. Waiter ba talaga ’yon? Pagbalik ko sa mesa namin, agad akong sinalubong ng tingin nina Angel, Tasha, at Luna. Alam kong gusto nila akong usisain. Kilala nila ako. Alam nilang kapag tumatahimik ako nang ganito, ibig sabihin may iniipon akong sama ng loob o may ginawa akong kabaliwan. Pero sa pagkakataong ito, ayaw ko munang magsalita. Ayaw ko nang ikwento na nagkita kami ni Celine sa CR. Ayaw kong amining gusto ko pa rin siyang sabunutan kahit dalawang linggo nang hiwalay kami ni Tristan. At lalong ayaw ko munang ikwento na may nakita akong sobrang gwapong waiter at ibinigay ang natitira kong pera. Kaya bago pa sila makapagbungad ng tanong, umupo agad ako at inabot ang isang baso ng beer sa mesa, at nagpanggap na normal ang lahat. Wala pang limang minuto mula nang makaupo ako, biglang sumulpot si Tristan at Celine. Galit na galit ang mukha ni Tristan. Habang sa tabi niya naman ay si Celine na nagpapanggap na umiyak na parang aping-api. "Ganyan ka na ba ka-desperada, Avianna? Sinaktan mo si Celine dahil hindi mo pa rin matanggap na ang dali lang kitang pinalitan? Kung hindi ka pa nakakapag-move on, huwag mong ibuhos ang galit mo sa pinsan mo.” Pakiramdam ko biglang nagpanting ang tainga ko kaya padabog kong ibinaba ang baso ng beer sa mesa. Napapitlag sa takot si Celine at mas lalong dumikit kay Tristan. Minsan ko na kasing binato noon ng baso si Celine sa family reunion kaya ngayon may trauma na ata siya kapag may hawak akong baso. Tumayo ako at tinitigan ng diretso si Tristan ng ilang segundo. Tapos malakas akong tumawa. 'Yong tawang pang-kontrabida at may kasamang pang-iinsulto. "Alam mo, Tristan, masyado kang delusional para sa isang lalaking hindi naman kagwapuhan. And for your information, kaya ako nakipaghiwalay sayo, dahil may bago na ako.” Natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko. Maging ako nagulat rin sa sarili ko bakit ko sinabi 'yon. Pati mga kaibigan ko, sabay-sabay napatingin sa’kin. Si Angel, halos malaglag ang panga. Si Tasha, literal na napakurap nang tatlong beses. Si Luna naman, parang gustong sabunutan ako dahil alam niyang malamang imbento lang ang lumabas sa bibig ko na may bago na ako. Pero napansin kong nag-iba ang ekspresyon ni Tristan “Sinong niloloko mo, Avianna? You think I’m supposed to believe you already have a new one?” At para mas lalo siyang maasar, binigyan ko lang siya ng isang mapang-uyam na ngiti. “You want proof?” Mas lalong tumigas ang mukha ni Tristan. Kitang-kita ko sa mata niya na gusto niyang mapatunayan na nagsisinungaling ako. At sa kasamaang-palad, oo, nagsisinungaling nga ako. Wala pa akong bagong lalaki. Pero wala rin akong balak magpatalo. At bago pa man makapagsalita si Tristan, umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Celine at nagsimulang libutin ng mga mata ko ang paligid. At mabuti nalang nakita ko agad 'yong matangkad na waiter kanina. Kailangan ko lang mahila ang lalaking iyon bago ako tuluyang magmukhang tanga. Tutal nasimulan ko na rin lang ang kalokohan, paninindigan ko na. Without a second thought, mabilis akong naglakad palapit sa waiter at hinablot ang braso niya. “Ano ba—” umpisa niya, pero hindi ko na siya pinatapos. Agad kong ipinulupot ang isang kamay ko sa braso niya at hinila siya palapit sa akin. “Halika, bilis…” Pakiramdam ko nanigas nang bahagya ang matigas niyang braso sa pagkakahawak ko, pero sumunod pa rin siya kahit halatang wala siyang maintindihan sa nangyayari. Nang makalapit kami kina Tristan at Celine, agad na tumalim ang tingin ni Tristan sa lalaking kasama ko. “Tangina, Avianna. Yan ang bago mo?” “Yes," sabi ko sabay dikit nang husto sa lalaking katabi ko. “Siya ang bago ko.” Nanlaki ang mga mata ni Celine. Si Tristan naman, parang biglang hindi alam kung maiinis ba siya o mananapak. Pero hindi pa rin ako nakuntento. Dahil kung sasampalin ko na lang din si Tristan gamit ang ego niya, lubos-lubusin ko na. Kaya tiningala ko ang lalaking katabi ko, ngumiti ako nang ubod ng landi, tapos saka ako nagsalita. “My hot sugar dzadi...” Napansin kong lalong dumilim ang mukha ni Tristan habang nakatingin siya sa lalaking katabi ko. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, saka tumawa nang pilit. “Hindi mo ako maloloko, Avianna. Looking at his long-sleeved shirt, anyone could tell he's one of the waiters here. At kilala kita, hindi ka pumapatol sa mga lalaking walang pera.” Napamura ako sa isip. Kung tutuusin, may point siya. Isa sa dahilan kung bakit ko pinatulan si Tristan noon ay dahil anak siya ng business tycoon. Hindi ako tanga. Sa mundong ito, mas madali ang buhay kapag may pera ang lalaki. Pero hindi ibig sabihin no’n na hahayaan ko siyang tapakan ang pride ko. At lalong hindi ako papayag na mapahiya. I smiled at Tristan like I had all the control. "Actually, nagbago na standards ko.” Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang lalaki sa tabi ko, parang na-gets niya na ata kung bakit ko siya kinaladkad dito. Bago pa siya makapagsalita, mas dumikit ako sa kanya. “Please. Just for two minutes. I’m begging you.” "Avianna...” singit ni Celine na halatang naiirita. “So bumaba na talaga standards mo? At pumatol ka na sa waiter?” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Iyong ngiting alam kong kinaiinisan niya mula pagkabata. “No, cousin. Tumaas lang standards ko. Kung dati gusto ko ng lalaking mapera. Ngayon, ang gusto ko sa lalaki ay malaki ang títì.” Halos mapanganga si Tasha habang nasa mesa namin, halata na nagpipigil siyang tumawa. Si Angel, mukhang gusto na akong kaladkarin pauwi. Si Luna naman, halatang gusto ng lumapit sa'kin at kaltukan ako. “What the f**k, Avianna!" singhal sa'kin ni Tristan. “You mean—” May sasabihin pa siya, pero hindi ko na siya pinatapos. “Yes, Tristan, you heard it right. Kaya kita pinagpalit kasi mas malaki ang sa kanya at abot hanggang ngala-ngala. He’s exactly my type of man. My THD. Tall, handsome, and daks.” ━━━━༻TO BE CONTINUED༺━━━━
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD