MIGUEL
Dumeritso ako sa ibaba sabay talon sa tubig. Nagpabalik-balik ako ng langoy doon. Hindi ako tumigil hanggang sa mapagod. Pag-ahon ko nalingunan ko si Shienna na nakatanaw sa akin.
"Gusto mong maligo?"
Umiling siya. "Gusto ko ng umuwi. Anong oras na. Tiyak nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko. Baka kung napa'no na rin yun si Sam."
"Akala mo naman subrang layo ng uuwian mo e diyan lang naman,"
"Kahit na! Gusto ko ng umuwi!"
I sighed. "Pwede pakiabot ng towel at mga damit--"
"Kunin mo." sabad niya. "Ayoko ng inuutos-utusan ako."
"Ang taray mo naman."
Inirapan niya ako sabay talikod ng humakbang ako pabalik sa kamalig. Pinunasan ko ng towel ang buong katawan ko at mabilisang nagbihis. Paglabas ko inip na inip na itsura ni Shienna ang natanaw ko. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
She really doesn't like me. Kinakarma na yata ako sa subrang dami ng babaeng pinaglaruan ko. Or baka naman tinablan na ako ng sumpa ni Mom--tsk.
Naglakad ako palapit kay Flame. "Diba, third year college ka na ngayong pasukan?" hindi niya ako sinagot kaya nilingon ko siya ngunit wala na siya sa likuran ko. Nagpalinga-linga ako sabay mura ng matanaw ko siyang naglalakad palayo. "Shiennaaa!" tawag ko pero deadman lang siya, binilisan pa ang paglakad--nyeta!
Kaagad akong sumampa sa likod ni Flame at hinabol siya, iniharang ko sa daraanan niya pero umiwas siya ng daan. The more na hinaharangan ko siya ng kabayo, the more na umiiwas din siya ng daan. Umuusok sa inis ang ilong na tumalon ako pababa at hinaklit siya sa braso.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw!" naiiyak ng sigaw niya sa akin. "Ikaw ang problema ko! Bakit ba ayaw mo akong tigilan--"
"Dahil gusto kita!"
"E ayaw ko nga sayo! Ilang ulit ko na yun sinabi sayo diba? Ayoko sayo! Hindi mo ba naiintindihan yun? Ayaw ko sayo!"
"Sinong gusto mo, si Kuya? Mas gusto mo siya kaysa sa akin? Pareho naman kaming--"
"Hindi ko siya gusto! Nababaitan lang ako sa kanya, unlike you. Tsaka wag mong ikompara ang sarili mo sa kapatid mo dahil unang kita ko pa lang sa inyong dalawa kitang-kita ko na ang pagkakaiba niyong dalawa!"
"Ah ganun," mapakla akong tumawa. "Subrang magkaiba talaga kaming dalawa. Dahil si Kuya, matino. Unlike me, gago talaga ako. Do you want me to define what's exactly gago is?"
"Hindi na kailangan. Malinaw pa sa kristal ang nakikita kong pamemeste mo sa buhay ko!"
"Nagkakamali ka ng definition ng gago, sweetheart." nakangising hinatak ko siya pabalik sa kamalig. "Halika, ipapakita ko sayo kung gaano ako kagago."
Nahintakutan siya, nagpumiglas sa mahigpit na hawak ko sa braso niya pero 'di ko siya pinakawalan.
"S-Señorito Miguel--anong binabalak mong gawin sa akin?!"
"Syempre wala. Tingin mo patay na patay akong maangkin ka? Napakayabang mo!"
Malalaking hakbang ko siyang kinaladkad papasok sa loob ng kamalig. Pinaupo ko siya sa kawayang upuan sa harap ng mesa. Akmang tatalikuran ko siya ng kumaripas siya palabas pero nahablot ko ang braso niya.
"Aaaah! Bitawan mo ako!" tili niya habang pinagsusuntok ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
"Saan ka pupunta? Sandali lang."
"Bitawan mo ako, Miguel!"
"Kapag 'di ka tumigil, I swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." muli ko siyang pinaupo sa upuan. "'Wag mo akong susubukan, iba ako magalit."
"Isusumbong kita sa mga magulang mo!"
"Hindi ako natatakot. Kaya kitang panagutan."
Tinungo ko ang kwarto. Kinuha doon ang dokumento na hiningi ko kay Uncle Robert. Inilapag iyon sa harapan niya at ang ballpen.
"Sign it." aniko pero tinitigan niya lang ako ng nagbabaga niyang mga mata. "I said sign it!"
"Wala kang kasing sama--"
"I know! Gago ako diba?" tinuro ko ang mga dokumento. "Pirmahan mo yan."
"Ayoko--"
"Kapag pinirmahan mo yan, bayad na lahat ng utang niyo sa pamilya ko."
"Kaya kong magbanat ng buto para mabayaran ang utang ng pamilya ko kaysa ang matali sayo ng habambuhay."
"Sa laki ng interest ng utang niyo, anong pinagkaiba ng habambuhay na pagbabayad sa habambuhay na matali sa'kin? Same lang diba? Habambuhay ka din naman magbabayad, why not marry me?"
"Walang interest yun! At binabangungot ka ng gising kung iniisip mong magpapakasal ako sayo!"
"Kung ayaw mo ng sekretong kasal, pwes ako mismo ang maniningil ng utang sa mga magulang mo ngayon din at ikaw ang hihingin kong kabayaran. Gusto mo ba yun?"
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako ng namimilog niyang mga mata.
"Hindi mo 'to magagawa sa akin--"
"Of course I will."
Problemadong mariin siyang pumikit.
"Hindi ko pipirmahan yan."
"Ok. Madali naman akong kausap."
Dinampot ko ang mga dokumento sabay hakbang palabas.
"S-Saan ka pupunta?"
"Kakausapin ko ang mga magulang mo at--"
"T'ngna mo! Gago ka talaga!"
"You make me like this."
"Kasalanan ko pa talaga? Diba ikaw itong parang kabute na bigla na lang sumulpot dito at sinisira ang tahimik kong buhay?!"
Hindi ko siya pinansin. Deritso lang ang lakad ko palabas pero kaagad din akong napabalik ng hatakin niya ang damit ko sa likod.
Walang ekspresyon ang mukhang nilingon ko siya. "What?"
"Kapag pinirmahan ko yan titigilan mo na ba ako?"
"Magiging asawa na kita, ba't kita titigilan?"
"Miguel naman." napapadyak na wika niya. "Wala ka ba talagang awa?"
"Ikaw, wala ka man lang bang kahit katiting na nararamdaman para sa'kin?"
"Kulo ng dugo. Yun ang nararamdaman ko para sayo."
I laughed. "Ang tindi no'n ah."
"Nagulat ka pa rin e sinabi ko na yun sayo diba?"
Inabot ko sa kanya ang mga dokumento. "Sign it all. Hindi kita guguluhin hanggang sa makapagtapos ka ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Tutulungan kitang maabot lahat ng pangarap mo. But of course, will claim you after as my wife... as mine. You are mine. Only mine."
"Kapag ginawa ko yun bayad na ang utang namin? Malinis na ang lahat?"
"Yes, of course."
"Pa'no kung hindi ko gawin?"
"Palalayasin ko ang pamilya mo sa loob ng hacienda. Mawawalan ng trabaho ang Tatay mo. Hindi ko rin hahayaang magamot ang Nanay mo. Kailangan bayaran niyo rin yung utang niyo ngayon ora mismo. Hindi lang yun, sisiguraduhin kong wala kang mapapasukan na trabaho, kayo ng tatay mo. Idadamay ko ang kapatid mo. Ganun ako kagago Shienna."
"Hindi..." sunod-sunod siyang umiling. "Ganun ka kademonyo. Buhay ka pa nga inuuod na ang kaluluwa mo sa impyerno."
"Kaya din kitang dalhin sa langit, Tart."
Padaskol niyang kinuha sa akin ang mga dokumento saka walang alinlangang pinirmahan lahat iyon. Natuwa ang puso ko kahit pa pwersahan iyon.
Finally...
Pagkatapos nilingon niya ako at inabot iyon sa akin.
"Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo."
I chuckled. "Wala ka man lang bang pa-kiss the bride diyan?"
"Pwede ba Miguel? Iuwi mo na ako saamin."
"OK."
Muli kong itinago ang dokumento sa loob. Paglabas ko, nanlaki ang kanyang mga mata ng hapitin ko siya sa bewang at maalab na siniil ng halik sa labi.
"You are mine." I huskily whispered and claimed her lips again and again. "'Wag kang magkakamaling magpaangkin kay Axel or kahit na sino mang lalaki. Papatayin ko kayo. Do you understand me, hmmm, Shienna?"
Hindi niya ako sinagot. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin, literal sa mga labi ko. Muli ko siyang hinalikan.
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
Napakurap-kurap siya sabay baklas ng mga braso ko na nakapulupot sa bewang niya pero 'di ko siya pinakawalan.
"Gagawa ako ng kontrata." aniya.
"Kontrata para saan?"
"Kontrata kung hanggang kailan lang tatagal ang bisa ng kasal nating dalawa."
"Ha? Hindi mo ba alam na panghabambuhay ang kasal, Shienna?"
"Alam mo naman siguro ang salitang annulment diba?"
"Kakapirma mo pa lang tapos annulment na kaagad ang iniisip mo?" manghang tanong ko sa kanya. "Hindi man lang ba sumagi sa isip mo ang magkaroon ng anak sa akin? Magkaroon tayong dalawa ng masayang pamilya?"
Umiling siya. "Siguro kung mahal kita maiisip ko yun. Kaso hindi."
Napahilot ako sa sentido, mariin na pumikit, umigting ang panga, nilukuban ako ng kakaibang galit na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Sumirit ang hapdi sa puso ko.
Ngayon lang ako tinamaan ng lintik tapos ligwak pa.
Anong gayuma meron siya at nababaliw ako ng ganito sa kanya?
Bakit ang lakas ng pwersang humahatak sa akin palapit sa kanya?
Bakit nakakaramdam ako ng awa at pagnanais ang puso kong protektahan siya?
Bakit lumalambot ako sa kanya na kung tutuusin ako itong tipo ng tao na walang pakialam sa nararamdaman ng iba?
Bakit parang sa tuwing tinititigan ko siya at paulit-ulit akong tinatanggihan lalong nagsusumidhi ang kagustuhan kong mapasaakin siya?
Bakit kailangan makaramdam ako ng ganito--t'ngna!
Tila napapaso ko siyang binitawan.
"Come, will take you home." sabay talikod.
SAKAY ng kabayo, walang imikan na binaybay namin ang daan palabas ng kakahuyan.
Malayo pa lang tanaw ko na si Sam na nakasalampak sa bermuda grass sa gilid ng rest house. Kaagad itong tumayo at tinanaw kami ng humalinghing si Flame saka tumakbo palapit saamin. Nakasunod sa kanya ang mag-asawang Ramos.
"Whoa..."
Hinatak ko ang renda ni Flame at inihinto mismo sa harapan ni Sam. Ramdam ko ang titig ni Shienna sa akin ng iwan ko siya sa taas. Hinaplos-haplos ko ang ulo ng kabayo at tahimik na kinausap. Pagkatapos binalingan ko si Shienna at tinulungan makababa.
Natigilan pa ako ng bigla siyang sinalubong ni Sam at niyakap ng mahigpit. Seeing the closeness of this two sent unfathomable warmth at the depths of my heart.
Nakatawa itong tinapik ni Shienna sa likod. "Hindi naman ako galing abroad para mamiss mo ng ganito, Sam."
"Subra akong nag-alala sayo kung napa'no ka na tapos ganyan ka ngayon sa akin? Kung alam ko lang na masaya ka pala e di sana hindi na ako nag-alala pa sayo. Sayang lang yung luha ko. Umiyak ako sa walang kakwenta-kwentang bagay."
Mahina akong tumawa. Masama naman akong tiningnan ni Sam.
"Salamat sa paghatid dito sa dalaga namin Señorito Miguel. Kanina pa kami nag-aalala kung nasaan na 'tong si Shienna. Hindi naman namin makausap itong si Sam at basta na lang nag-iiyak."
"Miguel na lang po, Tay Philip." nakangiting wika ko. "Iniwan kasi nitong si Samantha ang Ate niya sa kakahuyan. Nagkataon naman na nandun ako kaya sinabay ko na siya pauwi. Kaso ginabi na kami. Pasensya na po."
As expected, nilingon ako ni Sam at tinitigan ng masama. I playfully grinned.
"Aba't--"
Natigilan ito ng kaagad pinigilan ni Shienna sa kamay.
"Anong ginawa niyo sa kakahuyan ha, Samantha?" kaagad itong napabaling kay Tay Philip. "Alam niyong delikado do'n diba? Buti na lang pala at nandun itong si Miguel. Kung nagkataon baka kung napa'no na ang Ate mo. Tapos ano na naman ba ang pumasok sa utak mo't gumawa ka pa ng gulo do'n sa karendirya ni Pricilla?"
Nagtatanong ang nanlalaki nitong mga matang nilingon si Shienna na kaagad namang umiling. Gusto kong matawa ng lumampas ang tingin nito sa akin.
Ako pa yata ang pagbibintangan.
Sinamaan ako nito ng tingin. I cleared my throat and composed myself. Inayos ko pa ang damit kong biglang sumikip sa talim ng titig nito sa akin. Matagal ako nitong tinitigan pero kaagad din nagbawi ng nakipagsukatan ako sa kanya ng titig.
"Tama na yan Philip." mahinang saway ni Nay Cora, hinawakan sa braso ang asawa. Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Dito ka na lang maghapunan Miguel. Sumabay ka na saamin."
Tiningnan ko si Shienna bago sumagot. "Naku, salamat po, Nay Cora. Pero next time na lang po. May importanteng gagawin pa po kasi ako. Sige po. Mauuna na po ako."
Muli kong sinulyapan si Shienna pero hindi man lang ito tumingin sa gawi ko hanggang sa makaalis ako.
Papasok pa lang ako sa loob ng mansyon dinig ko na ang galit na galit na boses ni Mom. Inaawat naman ni Nana Rosa.
"Makita ko lang ang Miguel na yun at makikita niya talaga ang hinahanap niya! Kahit saan magpunta ang daming pokpok na nagsisipagsulputan sa bahay! Mga bwesit sila! Hindi ko sila pinalaki ni JM para mangolekta ng mangolekta ng kalakal na nabubulok na nga ang sasama pa ng ugali! Biruin mo sinagot-sagot ako ng Cloe na yun! Anong akala niya sa'kin? Palamunin niya?!"
"Isme kalma lang--"
"Hindi!" napangiwi ako sabay atras at nagtago sa pader. "Tawagan mo si Arlo. Sabihan niya kamong pauwiin dito si Miguel. Lalatiguhin ko talaga yun hanggang sa magtanda."
"E, sabi in Arlo kanina lumuwas daw ng Manila si Migz e, wala sa barracks." wika ni Nana.
"Ano?!" hysterical na sigaw ni Mom. "Lumuwas na naman ang mokong na yun para maghasik ng lagim! Tapos kinabukasan may bagong babae na naman na susugod dito!"
"Isme--"
"Naku, Fernan... kausapin mo yang mga anak mo at baka hindi ko matansya ang sarili ko mailibing ko sila ng buhay! Walang ibinigay sa akin ang dalawang yun kundi konsumisyon! Lalo na ang Miguel na yun!"
Nagmamadaling umikot ako sa likod ng bahay at dumaan sa secret door papunta sa kwarto ko. I double locked the door. Kinuha ko ang cellphone sa side table at pabagsak na nahiga sa kama. Tinawagan ko si Arlo.
KINABUKASAN tinanghali na ako ng gising. Kaagad akong naligo at nakiramdam muna sa paligid bago lumabas ng kwarto. Subrang tahimik ng kabahayan.
Nasa gitna na ako ng sala ng makarinig ako ng kaluskos sa kusina. Pumihit ako papunta doon.
I was halted when I saw Shienna inside. Nagpupunas ng basahan sa kamay. Nagulat pa siya sabay atras pagkakita sa'kin.
"S-Señorito Miguel... Sabi ni Arlo nasa Manila ka. W-Why are you here?"
"Good morning, Tart." nakangiting wika ko sabay tukod ng braso sa kabilang hamba ng kusina, blocking her way out.
Her kissable lips bit parted habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa braso kong nakatukod sa hamba.
"Kararating ko lang. Galing nga ako sa barracks. Dumaan ako sa Rest House bago dumeritso dito para maligo. I didn't know you're here."
"Uhmm--yeah... paalis na rin naman ako. Hindi ako nakatanggi sa utos ng Mommy mo kaya nandito ako." aniya sabay turo ng pintuan na kinatatayuan ko. "Pwede tumabi ka muna? Kailangan ko ng umuwi sa'min."
Inalis ko ang braso doon. Tumayo ako sa gilid.
"Galit ka pa rin ba sa'kin?"
"NO--Hindi. Sige. Excuse me." aniya saka nagmamadaling humakbang palabas.
Pagdaan niya sa harapan ko mabilis kong hinapit ang kanyang bewang pero kaagad ko rin siya nabitawan sa gulat ng pagsusuntukin niya ako sa dibdib.
"Bwesit ka! 'Wag na 'wag mo akong hahawakan ah!" namumula ang mukhang sigaw niya.
I just let her punched me, then chuckle. "Akala ko ba 'di ka galit sa akin? Ba't ngayon gigil na gigil ka? Natatakot ka ba sa'kin?"
"Sinong 'di matatakot sayo e manyakol ka?!"
"Grabe. Minamanyak ba kita?"
"Titig mo pa lang para mo na nga akong hinuhubaran. Tapos yang kamay mo... anong karapan mo para hawak-hawakan ako ha?"
Kunot-noong tiningnan ko ang mga kamay ko.
"What's wrong with my hands? Touching you is one of the best way to show you my affection. Tsaka nakalimutan mo yata na akin ka--"
"Affection mo yang muka mo!" nangangalaiiting sabad niya. "Nagkasundo na tayo diba na titigilan mo na ako kaya tumupad ka sa usapan!"
"Alam mo gumaganda ka lalo kapag nagagalit ka."
Iniumang niya sa akin ang kamao. "Tigil-tigilan mo ako Miguel ah. Punong-puno na ako sayo. Kapag dumaiti pa ulit yang kamay mo sa balat ko dadapo talaga 'tong kamao ko diyan sa mukha mo."
I grinned. "Anong inutos sayo ng Mommy natin at hindi ka makatanggi?"
"Wala!" aniya sabay martsa palabas.
Mabilis kong hinuli ang braso niya pero sing bilis ding dumapo ang kamay niya sa mukha ko. Pakiramdam ko kahoy yung tumama sa sakit.
Sinundan ko ng tingin si Shienna na malalaking hakbang na naglakad palabas. Nagulat pa ako ng makita ko sa main door si Kuya. Nagtatakang tiningnan ako at sinundan din ng tingin ang papalayong si Shienna.
"Himala yata nandito ka. Akala ko ba papasok ka na bukas sa opisina? Bakit hindi ka bumalik ng Manila?" nakatawang sabi ko habang hinihimas ang nasaktang panga.
Binalingan niya ako. "Ang lakas ng lagpak mo'n ah. Sino ba yon?"
I chuckled. "Si Shienna. Panganay na dalaga ni Tay Philip."
"Oh, I see. Siya nga yung babae do'n sa rest house, nakalimutan ko lang. Bakit sinampal ka no'n?"
"I offered her a job."
"Tapos..?"
"She rejected."
"Anong trabaho?"
"Caregiver."
"Caregiver? Bakit sinong maysakit?"
"Ako."
"May... sakit ka? Anong sakit?"
"In between my legs, bro."
"T'ngna mo--gago!"
I laughed.
"Umayos ka Miguel."
"Bakit maayos naman ako ah."
He smirked. "Sabagay... mukhang mahihirapan kang paamuhin ang isang yun ah. Goodluck." anito saka nilampasan ako.
Tss. I'll do my best to make her fall for me to the bones.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023