MIGUEL DAN FELIX DEL CARPIO
Lumabas ako ng bahay. Sinundan ko si Shienna pero sina Samantha at Lea ang natanaw kong naglalakad. Daang papunta sa tubuhan ang tinatahak. Akma ko silang lalapitan ng mag-vibrate ang phone ko. I hurriedly took it out in my pocket.
Jeth calling...
I press the answer button and then walk towards the tree. “What?”
“Anong what?! Nasaan kang hinayupak ka?!”
Napangiwi ako sabay layo ng phone sa tainga ko ng makilala ko ang nangangalaiting boses ni Mom sa kabilang linya. Ang dami nitong sinabi. Nang marining kong natahimik na sa kabilang linya saka ko lang idinikit muli ang cellphone sa aking tainga.
“Ngayon ko lang na discover na ang galing niyo po pala mag-rap, Mom,”
“I swear Miguel, paglalamayan ka sa susunod na araw kapag 'di ka pa tumigil sa pambababae mo!”
I laughed. “Ganun niyo po ako na miss? I miss you too, Mom--”
“Miguel Dan Felix--naku! Babangon ang bangkay ng Lolo Felix mo mabanggit ko pa lang ang pangalan mo--MIGUEL! Saang lupalop ka ba--”
“Nandito po ako sa loob ng Hacienda.” sabad ko. “Hinahanap ko si--este papunta po ako sa tubuhan. Titingnan ko kung may maitutulong po ako doon. But anyways, ba't nasa inyo po pala yang phone ni Jeth?”
“Papunta ka ba kamo dito sa tubuhan?”
“Yes po--”
“Bilisan mo kung ganun!” angil nito. “Magtutuos tayo dito pagdating mong bwesit ka!” sabay patay ng tawag.
Nagkibit-balikat na lang ako saka muling sinuksok sa bulsa ang cellphone. Pagbaling ko natanaw ko si Kuyang malalaking hakbang na naglalakad papuntang Rancho ang daan na tinatahak. Natigilan pa ako ng makita kong huminto sina Sam at Lea. Mukhang binati si Kuya na hinintuan din sila. Salubong ang kilay na naglakad ako palapit sa kanila. Curious sa pinag-uusapan nila.
“Parang nakakahiya naman po kung JM lang ang itawag namin sainyo. Anak po kayo ng may-ari ng pinagtatrabahuhan ng mga magulang namin.” wika ni Sam.
“Anak lang ako. Hindi ako ang may-ari. So drop the formalities. Like I said, I hate it.” sabi ni Kuya saka nilampasan ang dalawa.
Nakasunod naman ang tingin nila dito.
“Buti pa 'tong panganay mabait. 'Yong isa saksakan ng yabang. Sarap tadtarin.”
Nakapamewang na huminto ako sa likuran nila.
“Huy--hinaan mo 'yang boses mo. Baka marinig ka.”
“E ano naman?” inis na wika ni Sam kay Lea. “Gusto ko nga 'yon e ng malaman niyang nakakabwesit ang kapatid niya.”
“Tss, Ikaw talaga. Ibinalik naman na yung mga magulang natin sa trabaho. Patawarin mo na lang yun--”
“Anong patawarin? Ni hindi nga marunong mag-sorry ang pangit na yun.”
“Makailang ulit na daw yun nag-sorry kina Itay e.”
“Sa kanila OO. E sa'kin? Kay Kuya Axel? Nag-sorry ba siya? Hindi diba? Mantakin mong ihahagis niya pa daw ako sa liwasan. Tapos kahapon sinumbong pa ako kina Itay na nanggulo daw ako dun sa karinderya.”
“E sa nanggulo ka naman talaga--”
“Nanggulo ba yun? Pinagtanggol ko lang naman si Ate sa pang-aalipusta ng gurang na yun ah. Tsaka kalalaki niyang tao... ilang taon na ba siya para makuha niya pang magsumbong sa mga magulang ko ha? Tsaka hindi lang yun, napakasinungaling niya pa. Iniwanan ko daw si Ate sa kakahuyan. Ayun, sandamakmak na sermon ang inabot ko kay Itay. Grabe siya diba? Napakapangit niya na nga, ungentleman pa. Kumukulo talaga ang dugo ko sa--” namilog ang mga mata ng dalawa ng malingunan ako. “...animal na nasa harapan natin.”
I pouted my lips. Mariin na tinitigan si Sam na unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha. Umasim iyon. Pinamewang din ako.
“O ano? Tingin-tingin mo diyan? Hindi ka lang pala sumbungero, tsismoso ka pa.”
“Narinig ko lahat ng sinabi mo.”
“O e 'di GOOD. Sinadya ko talaga 'yon iparinig sayo.” tinuro nito ang daan papunta sa tubuhan. “Nandun yung mga magulang ko. Sumbong mo na ako, dali!”
I chuckled. “Sorry--”
“Ah--wag na!” umiiling-iling na sabad nito. “'Wag na. Panis na. Hirap na 'yan lunukin na sorry mo--”
“Magsosorry pa rin ako pero kay Axel... no way.”
Binalingan nito si Lea sabay turo sa akin. “O kita mo na? Napakasama talaga ng ugali nito kagaya ng mga pokpok na yun na pati ako pinag-initan!” dinuro ako nito. “Pagsabihan mo yung mga praning na babae mo ah. Sa susunod na bastusin nila sina Inay at Nana, lalabas sila ditong burado ang mukha!”
“Binastos sina Nay Cora at Nana?”
“Hindi ka updated sa kanila pero sa mga galaw ko... arrrgh! You're getting into my nerves!” senenyasan ako nito ng kamay na lumayo. “Shoo shoo shoo--tsupe-tsupe. Allergy ako sa mga bangaw na umaali-aligid sa akin.”
I frowned. “Bangaw? What's bangaw?”
“Ayun, hindi niya alam. Yung bangaw exotic food yun. Piniprito. Pampa-boost ng ugaling bulok.”
“Oh I see.” tumango-tango ako. “I think mas need mo yun. Kain ka marami para maagapan yang ugali mo habang bata ka pa.” sabay talikod, tinahak ang daan papuntang tubuhan.
“Aba't--Hoy! Lalaking sumbungero! Bumalik ka dito!” nangangalaiting sigaw nito.
I even heard Lea's laugh. Mahina rin akong natawa saka binilisan na ang lakad.
MALAYO pa lang tanaw ko na ang kumpulan ng mga tao sa lilim ng napakalaking puno ng akasya. Masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan habang nakakamay na kumakain. Nakalatag sa dahon ng saging sa lupa ang sari-saring pagkain. May ilan pang basket na puno ng prutas.
“Oh--si Bossing!” boses ni Arlo. “Tita Isme ayan na po yung anak niyo!”
Napaangat sila ng tingin sa akin. Tumayo si Arlo at patakbong nilapitan ako sabay abot ng isang bote ng fresh cows milk.
“Saan ka ba galing?” mahinang tanong nito. “Alam mo bang galit na galit na sumugod sa Barracks yung Mommy mo?”
“Sumugod siya doon?”
“Nakow--ang sarap ng almusal. Nasabon kami ng todo nina Don at Jeth. Abnormal kasi yung Cloe na yun--”
“Sinong Cloe?”
“Di mo na kilala?” he laughed. Pinisil-pisil pa ang braso ko. “Naku--red flag ka na kay Miss Ramos, boss. Ikaw yung pulutan dito kanina-kanina lang. Tapos dun sa bunso... naku. Ligwak ka na rin. Nagpang-abot ba naman ni Cloe kanina.”
“Bumalik pa yung babaeng yun dito?”
“Nakow--OO. Kapal mukha.”
“Nakita mo ba si Shienna?”
“Ayon katabi pa ng Mommy mo.”
Tinanaw ko iyon. Lumundag ang puso ko ng magtama ang mata naming dalawa. Nakatanaw din siya sa akin pero kaagad umiwas ng tingin, yumuko at pinagpatuloy ang pagkain.
“Nagtanong ba siya about sa akin kaya naging pulutan ako kanina dito?”
“'Wag ka ng umasa. No'ng ikaw yung topic lumayo siya agad. May katawanan sa cellphone. Telebabad bossing. Ngayon nga lang natapos e.”
“May cellphone siya?”
“Anong klaseng tanong yan? Malamang meron.” sabay layas. Bumalik sa kinauupuan kanina.
Matalim naman ang matang sinalubong ako ni Mom. Matamis ko itong nginitian. Nakadipa pa ang mga braso na humakbang din palapit sa kanya. Akma ko itong ibebeso ng biglang pingutin ang tainga ko. Aww! Napangiwi ako sa sakit.
I heard some girls giggled. Pagtingin ko sa gawi ni Shienna nakabungisngis din siya sabay takip ng kamay sa bibig pero umaalog ang balikat--damn!
“Halika ditong bwesit ka.” hatak sa tainga kong wika ni Mom.
Hinawakan ko ang kamay niya pero dumiin lalo ang kuko nito sa tainga ko.
“Aww--Mom! Nakakahiya ang ginagawa mo!”
“Hindi naman nila alam na nahihiya ka.”
“f**k--arrgh--!” daing ko ng dumapo ang siko nito sa tagiliran ko.
“'Wag mo akong mamura-mura--”
“Hindi po kita minumura--aww! Mom yung hikaw ko! Baka matapyas ang earlobe ko.”
“E yung sayo kaya yung tapyasin ko ng manahimik na ang mansyon sa kakapang-abot ng sandamakmak na babae mong walang mga delikadesa ha? Ano?”
“Hindi na po kayo magkakaapo sa akin kapag tinanggal mo yun.” nakatawang wika ko.
Gigil na pinaghahampas ako nito pagkapasok namin sa loob ng kubo. Todo naman ako sangga.
Hanggang sa natigilan ako. Napahinto sa pagtawa ng makita ko ang masaganang luha na namamalisbis sa kanyang pisngi. Patuloy ako nitong hinahampas.
“Mom... I'm sorry--”
“Sorry na naman? Puro na lang kayo sorry sorry pero paulit-ulit niyo rin naman ginagawa!” sigaw nito sa akin. “Pinalaki ko naman kayo ng tama. Sabihin mo sa akin, saan ba ako nagkulang? Bakit naging ganyan kayo? Kung kailan lumaki saka naman ako nangunsume ng todo.”
“Mom--”
“Tingin mo ikinapogi mo 'yang pangongolekta mo ng sandamakmak na babae ha?” sabad nito. “Tingin mo tama yung ginagawa mong paglaruan sila? Pagsabay-sabayin silang lahat ha? Tama ba yun?!”
“Sila naman po yung lumalapit--”
“KAHIT NAAA!” muling sigaw nito. “Ano ka hayop? Wala kang utak? Kapag lumapit sayo papatungan mo kaagad?”
“I'm just enjoying my teenage life, Mom--”
“Teen? Nasa teenage life ka pa lang sa edad mong 'yan na bwesit ka?!” frustrated itong napatampal sa noo. “Susmaryosep naman Miguel! Ano paulit-ulit na lang ba tayong ganito? Mapa sa States mapa dito walang pagbabago? Parang mas lumala pa nga dito e. Mapa sa opisina, sa mansyon sa manila, dito... tao naman kitang inire pero bakit asal hayop kang lumaki?”
“Sakit naman no'n, Mom--”
“O e ano kung masakit e sa ganun ka naman talaga! Bakit kailangang pagsabay-sabayin mo silang lahat kung pwede namang isa lang ha? Ilan ba 'yang puso mo?” sinuntok nito ang dibdib ko. “Marami ba para tumibok yan kung kani-kanino? Yang sayo...”
“Aww--f**k--Mom!” napaaringking ako sa sakit ng bigla na lang ako nitong tinuhuran.
“...marami din ba 'yan para pagtutuhugin mo silang lahat? Tusok dito, tusok doon--nakakaput'ngna mo ka, alam mo ba yun?!”
“Hindi ko naman po sila tinusok lahat--aww--!” muling daing ko ng sabunutan ako nito.
“Nangangatwiran ka pa talaga e no? E yung nasagap kong pinagbabantaan mo si Aling Pricilla na palayasin sa kinatitirikan ng karinderya niya. Ide-deny mo rin ba ha?”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito sabay ngiwi ng titigan ako nitong mariin.
“Saan niyo naman po nasagap 'yan? Tsismis lang yun.”
“Kay Shienna!” malakas ako nitong binatukan sa ulo at sinabunutan lalo.
“Awww--Mom naman! Nagpapaniwala naman kayo sa babaeng yun!”
“'Wag mo siyang itulad sayo na manluluko na nga, tarantado pa!”
“Yun lang po ba ang sinabi niya sayo?”
“O bakit meron pa bang iba--”
“WALA! Wala ng iba. Yun lang ang ginawa ko. Ang sama kasi ng ugali ni Aling Pricilla. Pinagtatanggal yung mga serbidora--aww--t'ngna--Mom!” sigaw ko ng hatakin nito lalo ang buhok ko.
“Nagsisinungaling ka pa talaga--ano pang kabulastugan ang ginawa mo ha?!”
“Wala na nga! Sorry na. Promise magbabago na po ako.”
“'Wag mong sabihin 'yan! Gawin mo!” padaskol ako nitong binitawan. Napaatras ako sa lakas ng impact. Napakamot ako sa ulo ng duruin pa ako nito.
“Ayusin mo 'yang sarili mo, Miguel. Kapag nasagad ang pagtitimpi ko sayo hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin.” sabay labas ng kubo.
Inayos ko ang sarili saka sumunod sa kanya. Wala na ang mga trabahador sa labas. Ang mag-asawang Ramos na lang ang nandun kaharap ni Dad. Nakatanaw sila kay Mom. Lumampas pa ang tingin sa akin.
Naglakad naman ako palapit sa kanila.
“Pwede po ba akong tumulong sa kanila--”
“Kagaya ng sinabi ko kanina, 'wag mong sabihin, gawin mo.” agap ni Mom.
“Sigurado ka ba, iho?” tanong ni Tay Philip. “Masyadong mainit. Buti kung sanay ka sa ganyang trabaho. Baka hindi mo kayanin.”
“Kayang-kaya ko po. SISIW! Magpapakitang gilas po ako kay Mom--”
“Naku--tigilan mo nga ako diyan at mainit pa ang ulo ko sayo. Hindi mo ako madadala sa pa ganyan-ganyan mo.”
I chuckled then hugged her tightly from behind. Nagpumiglas ito pero 'di ko pinakawalan. Pinupog ko ng halik sa magkabilaan ng pisngi.
“Ano ba--Miguel!”
“Sorry na po kasi.”
“Bitiwan mo ako--isa! Tatamaan ka ulit sa'kin.”
“'Wag ka na kasing magalit sa'kin, mom. Ha? Ha? Bati na tayo.”
“OO na! Lumayas ka na!”
Pagigil ko itong niyakap saka mariin na hinalikan sa sentido.
“Love you so much, Mom.” nag-angat ako ng tingin kay Dad na nakataas ang kilay na nakatingin din sa akin. “Love you too, Dad.” binalingan ko ang mag-asawang Ramos. “I love you both and your two daughter, too. Sam and... Shienna. They looks so adorable.”
“Sus--inuto mo pa kami!”
Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi ni Mom sabay karipas ng takbo palayo ng pagkukurutin na naman ako nito.
TINUNGO ko ang tubuhan. Hinanap si Shienna sa gitna ng mga trabahador but she's nowhere to be found.
“Señorito Miguel!” tawag sa akin ni Tay Ising, ama ni Lea. “Ba't nandito ka sa gitna ng initan?”
“Gusto ko pong tumulong sa inyo--”
“Ha?” bulalas nito sabay tanaw sa kinaroroonan nina Mom. “S-Sigurado ka?”
“Yes po...”
Natigilan ako ng matanaw ko si Jonard. Nagbubuhat ng mga tubo. Shienna was there too. She was laughing with Jeth and Arlo and the other girls.
Sinundan din nito ang tinitingnan ko sabay tawa. “Nagpapakitang gilas din ang isang yun sa dalaga ko.”
“I want to experience how to work here too.” nakangiting niyuko ko ito. “Pwede po ba?”
“Mukhang hindi naman kita mapipigilan kahit tumanggi ako e.” inabot nito sa akin ang bitbit na bagong native hat. “Ibigay ko daw 'to sayo sabi ng anak kong si Lea.”
“Ah--Baka po magalit sa'kin si Jonard--”
“Hindi yan. Si Shienna naman mag-ari nito.” sabay pakita sa kin ng pangalan. “Ayan o, binurdahan niya pa.”
Kaagad ko naman iyon kinuha at isinuot sa ulo.
“Saktong-sakto. Salamat po ah.”
“'Wag mo na lang sabihin kung sino nagbigay niyan sayo.”
“Ha? Bakit po?”
“Iwan ko. Basta yun sabi sa'kin ni Lea. Sige na, marami pa akong gagawin. Maiwan na kita.”
PAGKAALIS nito kaagad ko naman nilapitan sina Shienna. Natigilan pa sila pagkakita sa'kin. Biglang natahimik.
“Bossing,” nakatawang basag sa katahimikan ni Arlo. “Magpapakitang gilas ka rin like Pareng Jonard?”
Jeth laughed. “'Wag mo ng subukan bro, masisira lang ang buhay mo.”
I t'sked. “Watch me.” sinulyapan ko si Shienna and winked at her.
Malakas namang humagalpak ng tawa ang dalawa ng pasimple akong inirapan ni Shienna.
Ginaya ko ang ginagawa ni Jonard.
No'ng una nahirapan ako sa pagbubuhat ng tambak na tubo. Pinagkakantiyawan nila ako except Shienna na busy sa pagkalikot ng phone.
Tumutulo ang pawis sa aking buong katawan. Basang-basa na ang damit ko. Nabubwesit na ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa. Umaasa na mapansin niya pero wala--deadma!
Padaskol kong hinubad ang suot kong damit. Pinigaan ko iyon.
“Woooo--!”
“Ang Hot naman!”
“Umalinsangan lalo!”
“Grabe na 'to!”
Narinig kong sigaw ng mga kababaihan 'di kalayuan. Pati sina Arlo at Jeth todo sa pag cheers. Pagtingin ko kay Shienna tulala siyang nakatitig sa katawan ko.
I evily smirked.
“Naku bossing kati niyan ng katawan mo after!” sigaw ni Arlo.
“Hey! Señorito Miguel!” napabaling ako kay Sam na nakangiting kumakaway sa akin. “Pwede patulong buhatin ang mga 'to?”
Napakunot-noo ako. “Ba't bigla naman yata bumait ang babaeng yun?” I murmured.
“Ako na lang Sam!” sabad ni Jonard sa likuran ko.
“Anong--AKO na! 'Wag ka ng umepal.” patakbo ko iyon nilapitan.
“Alin ba?”
“Naks sipag ah. 'Yan lang naman.”
“Sure kang ito lang?”
“Gusto mong dagdagan ko?” tinuro nito ang mas maraming tambak. “Yun na lang kung pwede.”
Tinitigan ko ito ng matagal. Matamis naman ako nitong nginitian.
“'Di mo kaya--”
“Kaya ko.”
Nilapitan ko iyon saka walang alinlangan na isinampa sa aking balikat para lang matigilan ng may magsipaggapang sa braso ko, sa balikat ko, sa leeg ko papunta sa likod ko at...
“Aww--f**k--!” malakas ko iyon ibinalibag sabay wag-wag sa mga hantik na nagsisikagatan na sa balat ko. “Saan mo kinuha ang mga 'yan--t'ngna mo Samantha!”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2024