SHIENNA MAE RAMOS
Napahinto ako sa pagtawa ng makilala ko ang native hat na suot ni Miguel. Yun yung regalo sa akin ni Axel...
Malakas kong siniko sa tagiliran si Lea.
“Ano ba!” mahinang angil nito.
Pasimple kong tinuro ang suot na sumbrero ni Miguel. “Sino nagbigay no'n sa lalaking yun?”
“Aba--malay ko.” inginuso nito sina Engineer at Arlo. “Sila na lang tanungin mo.”
Tiningnan din ako ng dalawa. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin ng makita ko ang pilyong ngisi sa kanilang mga labi. Muling tiningnan ang phone ng mag-beep iyon saka nireplayan si Axel.
Natahimik ang paligid ng lumapit saamin si Miguel na tila ba napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. I kept my head down and distracted myself with my cellphone.
Kinausap siya nina Arlo and Engineer. Nagulat pa ako sa sinabi niyang magpapakitang gilas din kagaya ni Jonard. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sinulyapan niya rin ako sabay kindat. Inis ko naman siyang inirapan na ikinahagalpak ng tawa nina Engineer at Arlo.
Hanggang sa gumaya nga siya kay Jonard. Pabalik-balik na nagbuhat ng mga tubo. Nilalagay sa likuran ng malaking truck. Hindi lang yung hinubad pa yung damit niya!
Nakalimutan niya bang nasa tubuhan kami para maghubad pa talaga siya ng damit?
Or sadyang kulang lang talaga siya sa pansin?
He even smirked at me.
Nakuha niya pa talaga ngumisi?
I scoffed.
Tingnan natin kung makakangiti pa siya kapag nangati na ang katawan niya.
Napatanaw ako kay Sam ng tawagin nito si Miguel.
“Nagkasagutan na naman 'yang dalawa kanina.”
Marahas kong nilingon si Lea. “Pinatulan niya na naman si Sam?”
Tumango ito. “Pinikon pa kamo.”
I sighed. “Hindi pa rin ako kinikibo ni Sam dahil dun sa nangyari sa kakahuyan e.”
“Hamo't pagsasabihan ko. Mainit lang ang ulo no'n. Nagpang-abot kasi sila no'ng babae ni Señorito Miguel--”
“Aww--f**k--! Saan mo kinuha ang mga 'yan--t'ngna mo Samantha!”
Napalingon ako sa gawi ni Miguel. Patakbo naman siyang nilapitan nina Engineer at Arlo. Tinulungan sa pagwagwag ng...
“Anong nangyari do'n?”
“Malamang gumanti yung isa.”
“Babe--”
“Anong babe?” sita ni Lea kay Jonard na bigla na lang sumulpot at nakahubad baro na rin. “Hindi pa kita sinasagot kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na babe ah. Tsaka wala kang pag-asa. Ilang ulit ba kita dapat bastedin para tumigil ka na?”
“Hindi ako titigil hanggat hindi ko nasusungkit yang sayo--este ang matamis mong OO.”
“Naku--mamuti lang 'yang mga mata mo. Hindi ako pumapatol sa mga Manila Boy--”
“Diyan lang ako sa kabilang isla nakatira--”
“Paki ko! Ayoko pa rin sayo.” sabay layas.
Hinabol ito ni Jonard.
Muli kong nilingon si Miguel. Nasa lilim na sila ng tubuhan. Nakaupo sa lupa. Nakangiwing sinisipat-sipat ang katawan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinanap si...
“Sam!” tawag ko sabay habol sa kanya pero hindi ako pinansin nito, tumakbo palayo kaya hindi ko na naabutan. Naiwan si Veron. “Sam, sandali!!”
“Hayaan mo na, Te.” hingal na huminto ako sa tabi ni Veron. “Nagtatampo lang yun. Subra kasi siyang nag-alala sayo no'ng maiwan ka sa kakahuyan. Tapos hindi mo man lang daw siya pinagtanggol kay Señorito Miguel at sa mga magulang niyo lalo na dun sa nangyari sa karinderya ni Aling Pricilla.”
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. “May nangyari sa'kin sa kakahuyan kaya wala ako sa huwisyo that time. Tsaka nag-sorry ako sa kanya and tried to talk to her pero...” sunod-sunod akong umiling habang pinupunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. “Ayaw niya na akong kausapin e. Hindi ko alam or pa'no ko e-explain sa kanya ang lahat ng walang gulong mangyayari. Kilala mo naman si Itay. Walang kaikaibigan do'n kapag anak niya na ang naaagrabyado.”
“What do you mean?”
Sunod-sunod akong muling umiling. “Hindi mo rin maiintindihan. Kahit nga ako hindi ko rin maintindihan sa bilis ng mga pangyayari.” tinapik ko ito sa kanyang balikat. “Kausapin mo siya para sa'kin, please? Tell her I'm sorry. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Nadudurog ang puso.”
She nodded. “Ok. Oh--by the way. May anonymous na panay lagay ng flowers sa locker niya kaya lalong mainit ang dugo ng isang yun.”
“Meron din sa kanya?” bulalas ko.
Namilog naman ang mata ni Veron sabay takip ng kamay sa bibig. “Din? You mean... pati ikaw?”
Kaagad akong umiling. “Wala--I mean--eiii nu ba, wala nga!” napaigtad ako ng sundutin ako nito sa tagiliran.
“Sus,” sabay bungisngis. “Tingnan mo ang mga yun.” napasunod naman ang tingin ko sa tinuturo nito. Sina Señorito JM at 'di ko kilalang lalaki, nakasakay sa dalawang kabayo. Nasa lilim ng puno. Nakatanaw saamin. “Kanina pa dun ang mga yun. Kasama nila si Kuya Jonard kanina mangabayo. Huminto lang ang isang yun para magpakitang gilas kay Ate Lea. Nakakakilig sila diba? Kaso ligwak kay Ate Lea si Kuya Jonard e.” sabay kaming natawa. “Super pogi din no'ng Keith. Kinikilig ako kanina pa.”
“Keith?”
“Keith Kyle Altamonte. Yun yung name niya. Nasagap namin kay Engineer. Tingnan mo sina Aika.”
Napalingon naman ako sa tinuturo nitong kumpulan ng mga kadalagahan. Sina; Aika, Ysa, Erika, Vilma, Rita, Vika, Ella, Belen. Pati si Don nandun na. Nasa tabi nila si Miguel na nakatanaw naman sa akin pero nagkakandahaba ang mga leeg ng kadalagahan sa pagtanaw sa dalawang nakakabayo.
“Ba't nandito pala ang mga 'yan? Wala bang gawa sa construction site sa harap ng karinderya ni Aling Pricilla?”
“Hindi ko knows e.”
“Nurse Shienna!!” kumakaway na tawag sa'kin ni Arlo. “Baka pwedeng tingnan mo 'to si Bossing!”
“Bakit?!” balik sigaw ko.
“Masama ang lagay!”
“Sus, arte! Kinagat lang ng langgam--”
“Hindi langgam! Scorpion daw!” tawanan sila.
“Scorpion--alupihan maniwala pa ako pero scorpion?! Nakulangan lang 'yan sa pagbuhat ng tubo kaya nagha-hallucinate!” binalingan ko si Veron. “Mauna na ako ah.” sabay hakbang pauwi.
“Teka--saan ka pupunta, Nurse Shienna?!”
“Uuwi na!”
“E paano 'to si Bossing?”
“Kaya niyo na 'yan!”
Patakbo kong tinungo ang kinaroroonan nina Inay.
“O--iha! Nakita mo ba si Miguel sa tubuhan?” nakangiting bungad sa akin ni Tita Isme.
“Ah--Opo.”
“Anong ginagawa? Nagpapasaway ba?”
“Hindi po. Tumulong po kay Jonard sa pagbuhat--”
“Oh--si Migz yun ah.” sabad na boses ni Itay. “Ba't buhat-buhat nina Jethro at Arlo?”
Napabaling kaming lahat sa tinatanaw ni Itay. There; I saw Miguel. Buhat-buhat nga nina Arlo at Engineer.
Patakbo itong nilapitan ni Tita Isme.
“Anong nangyari diyan?! Ba't ang daming pantal-pantal?”
“Nagbuhat po ng mga tubo sa initan. Tapos naghubad pa ng damit--”
“Naku--por dios por santo Miguel!” tinuro nito ang kubo. “Ilapag niyo muna doon--”
“Doon na po sa bahay, Mom.” agap ni Miguel sabay baba. “I can walk--”
“Ayyy 'yan na nga ba ang sinasabi ko!” tili ni Tita Isme ng gumiwang si Miguel. Inalalayan naman ito kaagad nina Engineer at Arlo. Pulang-pula na ang kanyang buong mukha. Habol din ang hininga. “Pakitawagan naman yung Doctor sa bayan, Jeth--”
“Wala po akong number ni Doc e.”
Binalingan ni Tita Isme ang asawa. “Fernan, tumayo ka na diyan--”
“Hayaan mo siya.” sabad nito. “Malaki na 'yan--”
“Fernan!”
Tinuro ako nito kay Tita Isme. Naistatwa naman ako sa aking kinatatayuan.
“Magaling mag-alaga 'yang anak ni Phil. Marami ding alam sa medisina sabi ni Conrad. Tsaka nanibago lang 'yang anak mo sa tubuhan kaya nagkaganyan. Hindi na kailangan ng Doctor.” nakangiting nilingon ako nito. “Paki-check na lang si Migz, iha. Pwede ba?”
I gulped. Tiningnan ko si Miguel na may sinusupil na pilyong ngisi sa mga labi saka binalingan si Tito Fernan.
“Ayoko--I mean s-sige ho.”
Tito Fernan laughed.
Pagtingin ko kina Inay at Itay parehong nakatingin din sa akin ang dalawa. Napakamot ako sa ulo sabay iwas ng tingin.
“Shienna--”
“Opo, Tita.” tinuro ko ang daan pauwi sa mansyon. “Kukuha lang--”
“'Wag na.” sabad ni Miguel. Todo arte na tila ba hinang-hina. “Doon mo na lang ako tingnan sa mansyon. Subrang kati ng buong katawan ko. Gusto kong maligo.”
“Hindi pwede. Pagod ka tsaka galing kang initan.”
“O e 'di magpapalamig muna ako. After ko makapagpahinga pwede naman na siguro maligo, Nurse Shienna?”
“Maghahanap lang akong gamot diyan sa pantal at rashes mo.” sinamaan ko siya ng tingin sabay talikod.
Sandamakmak naman na sermon ang inabot niya kay Tita Isme habang nakasunod sa akin.
DUMERITSO ako sa connecting door sa loob ng kwarto ni Tita Felly. Naghanap sa kabinet ng gamot. Wala naman akong makita na pwede sa kanya kundi ointment lang para sa rashes. Kinuha ko iyon saka lumabas ng kwarto.
“OK na po ako. Kaya ko na. Pwede na po kayong bumalik do'n kina Tita Cora.” narinig kong pagtataboy ni Miguel sa ina. “Kayong dalawa bumalik na kayo sa barracks. Susunod na lang ako after.”
“Sure ka bossing?” boses ni Arlo.
“Mamaya niyan mahimatay ka--”
“Nandito naman si Shienna.” sabad ni Miguel kay Engineer. “I know she can take care of me.”
“Miguel--”
“Yes mom?”
“Kapag may naligaw na namang babae dito sa mansyon at gawin din kay Shienna yung ginawa ng babae mo kay Sam, naku... malilintikan ka talaga sa'kin.”
“I'm here. Hindi po yun mangyayari. Tsaka pakisabi po kay Sam pasensya na.”
“Uutusan mo pa talaga akong bwesit ka--ba't hindi ikaw ang gumawa?”
“Hindi ko po kasi siya mahagilap para makapag-sorry--”
“Ang dami mong palusot. Ang lapit-lapit ng rest house--puntahan mo doon sa kanila!”
“OK--”
“Umayos ka.”
“Nandito po pala sina Keith at Kuya.”
“Nasaan?”
“Nandun po sa kabila, sa rancho.”
PAGKATAPOS no'n wala na akong narinig pang anumang ingay. Ilang minuto akong nanatili sa pinagtataguan ko saka lumabas.
Wala akong makita ni isang tao. Nagpalinga-linga ako sa paligid.
“Where did he go?”
“Looking for me, sweetheart?”
Napapitlag ako sabay baling sa kusina. Namilog ang aking mga mata. Nanuyo ang lalamunan sa aking nakita.
Si Miguel naka-boxers na lang! Nilalagok ang laman ng mineral water. Hindi lang yun, ibinuhos pa sa ulo tapos muli ding uminom.
Sunod-sunod akong napalunok. Sinalakay ng kakaibang takot ng humakbang siya palapit sa'kin. Wala sa sariling napaatras ako. Nakakaluko niya naman akong nginisian.
“Scared like a rat?”
Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. “Nag-iinarte ka lang ba para masolo ako?”
“Both.”
Binato ko sa kanya ng ointment. “Gamutin mo 'yang sarili mo!” sabay takbo palabas pero naunahan niya ako doon, humarang sa daraanan ko. Sinarado pa ang pinto at ni-lock iyon. “M-Miguel--”
Nakangiwing kumamot siya saan mang parte ng katawan; sa leeg, braso, dibdib, sa mga hita, sa likod...
“Subrang kati. Kanina pa nga ako nagpipigil 'wag kamutin e.”
“'Wag ka ngang mag-inarte diyan!”
“Tingin mo nag-iinarte pa ako sa lagay nato?” pinagduldulan niya sakin ang braso niyang puno ng pantal at rashes. Ikiniling pa ang mukha para makita ko pati yung mga nasa leeg. “Tingnan mo, subrang dami diba?”
“Sino ba kasing nagsabi sayo na maghubad ka doon sa tubuhan?”
“Sabi ng isip ko maghubad ako. Pati yung puso ko naghuhumiyaw para lang mapansin mo.”
“Ginawa mo yun para magpapansin sa'kin?”
“Yea. Tutok na tutok ka masyado sa cellphone mo. Sino ba yung ka-text mo?”
“Si Axel.” walang prenong sagot ko.
Kaagad naman dumilim ang kanyang mukha. “Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kanya na ikinasal ka--”
“Tingin mo maniniwala yun sa'kin?”
“Akin na cellphone mo.” inilahad niya ang kamay sa akin. “Ako magsasabi.”
Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Tingin mo maniniwala din siya sayo?”
“Wala akong paki kung maniwala siya o hindi. Ang importante sinabihan ko siya that you're mine and off limits.”
“Iwan ko sayo--”
“Akin na.”
“Tumabi ka na diyan uuwi--”
“Bigay mo muna sa'kin cellphone mo.”
“Ayoko nga.”
“Ibibigay mong kusa or pupwersahin kita?”
“Sino ka ba para gawin yun?”
“I'm your husband--”
“Sa papel lang yun!”
“Gusto mong mag-honeymoon na tayo ngayon para malaman mong hindi lang sa papel--”
“Shut up!” sigaw ko sabay takip ng kamay sa magkabilaan kong tainga. “Shut up! Tumigil ka na!”
“Shienna--”
“Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ng kapatid ko dahil sa ginawa mo? Tapos sinaktan pa siya ng Cloe na yun.”
“I'm sorry--”
“Ba't nagsinungaling ka sa Mama mo? Nagkita kayo ni Sam kanina diba?”
He sighed. “Nag-sorry ako kay Sam pero ayaw niyang tanggapin.”
“Your SORRY is not enough without an action and sincerity!” sigaw ko. “Nagsorry ka pero pinikon mo pa siya. Asan yung sincerity doon ng paghingi mo ng despensa?”
“Can we just stop this nonsense argument? Mag-so-sorry na lang ako ulit sa kanya.”
“Parang napipilitan ka pa talaga. Nakakabwesit ka!”
“Pwede ba gamutin mo na lang ako--”
“Anong klaseng buhay ang naghihintay sa'kin sa piling mo ha, Miguel?”
“Ba't hindi ka sumama sa'kin para malaman mo?”
Umiling ako. “Ngayon pa lang nakikita ko nang delubyo ang magiging buhay ko sayo.”
“Don't judge the book by its cover. Hindi mo malalaman kung gaano kaganda ang loob niyon hanggat 'di mo binabasa. Maaring maguluhan ka sa umpisa pero kapag na-gets mo yung takbo ng istorya... you'll end up saying... I was wrong with my first impression. Sana kilalanin mo muna ako bago mo ako e-judge. Inaamin ko siraulo ako pero kaya ko naman magbago para sayo. Yung nakikita mo ngayon na delubyo, parte yun ng nakaraan ko. Ang tanong kaya mo ba yun tanggapin? Ang kaso ayaw mo sa'kin so malamang hindi. But if you give me even just a slightest chance, will assure you na yung delubyong buhay na nakikinita-kinita mo na ngayon sa piling ko, kaya ko yun gawing paraiso matanggap mo lang ako.”
Muli akong umiling. “Hindi mo kailangan gawin 'yan para sa'kin. Gawin mo 'yan para sa sarili mo. Not because of me or someone influenced your mind. Do it because that's what you wanted to do. Do it because you really wanted to change yourself for the better. Mas magiging maganda yung outcome ng isang bagay kung ginusto mo talaga. Yung galing diyan mismo sa puso mo at buo ang loob mong baguhin 'yang sarili mo. Hindi yung napilitan ka lang at nagpapa-impress sakin para lang magustuhan ka. Hindi yun panghabambuhay, Migz.”
“Migz.” he playfully grinned. “I love it.”
“Sa dami ng sinabi ko yun lang talaga tumino sa utak mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
He shook his head. “Lahat ng sinasabi mo since the day I meet you pumapasok lahat sa puso ko. Just so you know, I'm all ears, all eyes to you everytime you talk. Ganun ako ka-sincere na makilala ka. Lahat ng galaw mo, ekspresyon ng mukha mo, reakyon mo, lahat yun tinataga ko dito sa puso't isip ko para kapag dumating yung araw na itinakda ko para magsama na tayo sa iisang bubong e kilalang-kilala na kita. Sana ganun ka rin sa'kin, asawa ko. Shienna Mae Ramos Del Carpio. Haaays, ang sarap sa ears.”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2024