Damn Heart 12

2905 Words
SHIENNA MAE RAMOS Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa huling sinabi niya. Kung dapat ba akong matuwa or dapat ba akong mainis. Like... ilang ulit ko na siyang sinabihan na ayaw ko sa kanya pero bakit pilit niya pa ring ipinagsisiksikan ang sarili niya sa akin? Parang... napakaimposible naman na magustuhan niya ako or baka totoo nga yung sinabi ni Tita Isme na hobby ng mga anak nito mangolekta ng mga babae. Sandamakmak ba naman yung nagpapang-abot dito sa mansyon. Ang nakakatawa lang... probinsya na 'to pero dinadayo pa talaga si Miguel! Anong meron ang lalaking 'to para pag-agawan nila? Wala naman akong nakikitang kakaiba kay Miguel para habol-habulin nila maliban sa gandang lalaki... Naguguluhan na ipinilig ko ang ulo. Tinuro ko ang hagdanan bago pa kung saan ako dalhin ng nababaliw ko ng utak. “Basa ka na din naman na maligo ka na doon para malagyan ko 'yan ng ointment--” “Samahan mo ako.” “Miguel--teka sandali!” sigaw ko ng basta niya na lang hinatak ang kamay ko. Nagpumiglas ako pero hindi niya iyon binitawan. Malalaking hakbang na tinungo ang hagdanan. Hindi naman ako magkandaugaga sa pagsunod sa kanya. Deri-deritso siya sa kanyang kwarto, mahigpit na hawak-hawak ang kamay ko. “Bitiwan mo ako Miguel--” “Paliguan mo 'ko.” “Ano?” “Sabi ko paliguan mo ako.” “Nahihibang ka na ba?” He grinned. “Yes.” Nalukot ang mukha ko sabay hatak ng kamay ko pero hinatak niya rin ako papunta sa banyo. “Ano ba, Miguel!” “What?” parang tangang tanong niya pa matapos ako papasukin sa loob ng banyo. Nakatayo siya sa labas niyon. Nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilaan ng hamba ng pintuan sanhi ng paggalawan ng mga masel niya sa braso. “Caregiver kita ngayon, Tart.” “Anong caregiver ang pinagsasasabi mo?” “You have to take care of me hanggang sa gumaling 'tong mga pantal at rashes ko.” “Seriously?” Nakangiting tumango-tango siya. “Alam mo bang nilagyan ng weaver ant ng kapatid mo yung mga tubo na pinabuhat niya sa'kin? Take note; she did that intentionally.” “Oh so ano ngayon? Connect no'n sa'kin?” “Since may atraso siya sa'kin at hindi ko magantihan, so, ikaw na lang sisingilin ko.” My jaw dropped in disbelief. “Ba't ako?” turo ko pa sa sarili. “Tsaka akala ko ba magbabago ka na? Bakit ngayon--” Nakangusong napakamot siya sa leeg. “Akala ko rin pero nagbago yung isip ko sa sinabi mo e.” “Ano?” Pumasok siya sa loob ng banyo. Umatras naman ako. Kinuha niya ang shower gel saka inabot sa'kin. “Sige na, paliguan mo na ako.” Tiningnan ko lang iyon saka matalim ang matang nag-angat ng tingin sa kanya. “Ayoko.” madiin na wika ko sabay talikod. “Kapag lumabas ka sa pintong 'yan sinisiguro ko sayong malalaman nilang lahat ang tungkol sa ating dalawa.” Marahas akong nagpakawala ng hininga saka muli siyang hinarap. “Nakakapikon ka na!” “I know.” “Tss,” tinuro ko ang malaking bathtub. “Pumasok ka na nga doon bago pa kita ibalibag sa loob no'n.” He chuckled. “Kaliit mong tao, lakas ah.” Inis kong hinablot ang shower gel. Ibinalik ko iyon sa lalagyanan saka kinuha ang aveeno body wash. Pagbaling ko sa kanya nakangiting nakatitig pa siya sa'kin. “Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan? Pumasok ka na doon ng matapos na 'to at makauwi na 'ko saamin.” “Ang taray-taray naman. Wala pa ngang nangyayari sa'tin pero dinaig mo pa yung araw-araw na naglilihi.” “Siguradong may mangyayari sayo ng masama kapag 'di ka pa kumilos diyan!” “Siguro kaya kita nagustuhan kasi para kang si Mom.” “Maliligo ka ba talaga or makikipagtsismisan sa'kin?” “Both. I loved talking to you.” “Talking to me or bwesitin ako?” “Both din.” aniya saka pumasok sa bathtub. “Huhubarin ko pa ba 'tong boxer--” “Subukan mo lang!” He laughed wholeheartedly. “Ang sarap mong asarin.” “Mas masarap kang tirisin!” He laughed again and then sat on the tub. “Sige na, paliguan mo na ako.” “Wala namang problema yang mga kamay mo bakit kailangan ko pang gawin 'to? Para kang bata.” “Ang ibig sabihin nito is... QUALITY TIME. Gumagawa ako ng memories nating dalawa.” “Q-Quality time?” He nodded. “If your eyes can't see it, at least your damn heart could feel it, and hope your mind will recognize the true essence of love through my action.” “Damn Heart?” “Yeah, DAMN. As in nakakabwesit ba't 'di man lang 'yan tumibok para sa'kin?” “May nalalaman ka pa diyang essence of love, hindi mo ba alam na yung Love hindi yun pinipilit?” “Alam ko.” “Alam mo naman pala e ba't hindi ka makapaghintay?” Biglang nagliwanag ang kanyang mukha. Sunod-sunod naman akong napalunok ng ma-realized ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko sabay iwas ng tingin. “Meaning may CHANCE? You're giving us a chance?” “H-Hindi ko pa alam. Hindi pa ako sigurado. Pag-iisipan ko pa. 'Wag ka munang umasa.” He giggled like a baby as if I gave him a lollipop. “That's good to hear, sweetheart. Magandang senyales yun. Atleast hindi na ako bokya ngayon. Can't wait for us to be together... living in one roof.., sharing in one bed.., woke up in a morning beside you, cuddling each other on top of the bed. Tanging sayo ko lang yun pinangarap ah.” “Yun na nga e, subrang nakakatakot 'yang pangarap mo. Sa dami ng babae mo ba't ako pa?” “I don't know. I just... can't stop my heart anymore... keep beating for you. I'm crazy in love with you, my sweet baby.” I rolled my eyes. “Alam mo ba yung kantang Isang Linggong Pag-ibig?” “Hindi pero Title pa lang mukhang alam ko na ang ibig sabihin no'n.” “Buti naman at mabilis pumik-up 'yang utak mo.” “Of course. Sana ganun ka rin. Familiar ka ba sa kantang Forevermore?” “Hindi. At mas lalong hindi ako music lover.” He barked a laughter. “Hindi halata, Tart.” “Yang Tart mo ang sagwa pakinggan. Parang tartar.” He laughed even more. Humakbang ako palapit sa bathtub. Kinuha ko ang shower hose with head, hinawakan ko ang hand wand saka binuksan iyon. Nilagay ko sa cold. Nagulat pa siya sabay balikwas ng bangon ng itapat ko na iyon sa kanya. “Ba't ang lamig?” Tinuro ko ang faucet. “Malamang nilagay ko sa cold.” “Ba't kasi cold e pwede namang...” malagkit niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Tumagal ang kanyang mga mata sa dibdib ko na litaw ang cleavage sa suot kong fitted long-sleeved, umakyat sa aking labi at huminto sa aking mga mata. “...HOT.” Natawa ako ng magkrig pa siya sa lamig ng tubig matapos kong itapat muli iyon sa kanya. “Tuwang-tuwa ka e subrang lamig nga!” “Cold water will help soothe your itchy and bumpy skin.” He paused. “Ganun?” “Hmmm,” inabot ko sa kanya ang aveeno body wash. “Sabunan mo na 'yang buong katawan mo. Dahan-dahan lang ha para 'di ma-irritate--” “Ikaw na lang,” sabad niya sabay lapit at tayo sa harapan ko. He's so tall and towering me. Napatingala ako sa kanya ng kunin niya sa kamay ko ang hand wand. “Garapal ako gumalaw e. Unlike you, subrang hinhin.” “Nagpapabebe ka lang e.” “Bini-baby din ako ni Mom e.” “Mama's boy ka ba?” “NOPE. But I'm super-duper clingy.” “Ayoko ng clingy.” “Joke lang, hindi pala ako clingy.” “Ayoko din ng sinungaling.” “Dati sinungaling ako pero ngayon pwede na akong bigyan ng award sa subrang honest ko.” “One woman man ka ba?” “OO--” “Sabi ko na e. Sinungaling ka talaga.” “Dati hindi, but now that I found the one for me,” hinawakan niya ang chin ko at nakangiting pinisil iyon ng marahan. “Will be faithful for you forever, sweetheart.” Bigla akong napaubo sa sinabi niya sabay iwas ng tingin. Binuksan ko ang aveeno body wash saka nilagyan ang palad ko. Pagtingin ko sa kanya, tulalang nakatitig naman siya sa cleavage ko. “Ayoko din pala sa bastos.” He blinked his eyes many times and then grinned. “Yung mga mata ko may pagkabastos talaga pero ako,” umiling siya habang nakaturo ang kamay sa sarili. “Maginoo 'tong asawa mo, promise.” “Parang sure na sure ka nang ako na talaga ang the one mo noh?” “Very sure.” “Kaso ako... hindi pa ako sure sayo e.” “I can wait.” sabay ngisi. “Ang importante kasal ka na sa'kin--oh wait, will give you--Oh never mind. Surprise na lang.” “I hate surprises.” “Ayaw mo?” Umiling ako. “Hindi ka na ba nilalamig?” Matagal niya akong tinitigan saka nagpakawala ng buntong-hininga. Inabot niya ang kamay kong may sabon saka inihaplos sa kanyang dibdib. “Paliguan mo na ako.” Kaagad naman akong tumalima. Nanatili siyang nakatayo kaya ako na nag-adjust. Tumuntong pa ako sa ibabaw ng bathtub para lang ma-shampoo-han ang buhok niya. Nakasunod ang tingin niya sa akin habang sinasabunan ko siya sa kanyang mukha, sa kanyang leeg, sa dibdib, pababa sa kanyang six packs abs. Hindi nilulubayan ng kanyang mga mata ang mukha ko. Tuloy lalo akong naiilang. Oo nurse ako at naranasan ko na rin mag-caregiver pero... iba siya kasi wala naman siyang diperensya! “Shienna..?” maya-maya untag niya ng sinasabunan ko na siya sa likod. “Hmmm?” “Kilala mo ba yung anak ni Nana?” “Sino?” “Jeff Austin Rey Allarcon.” “Oh--si Jeffrey.” “Jeffrey who?” “Yung pangalan na tinatanong mo.” “Jeffrey tawag sa kanya?” “OO.” “Where is he? Ba't hindi ko siya makita dito sa Hacienda?” “Ang alam ko pinag-aral siya ng Uncle Conrad mo sa Manila. Bakit?” “Wala naman. Naitanong ko lang.” “Hindi ka magtatanong ng walang dahilan.” Umikot ako sa harapan niya at sinimulang sabunan ang mga legs niya. “Ba't dito sa taas nilaktawan mo?” Salubong ang mga kilay ko siyang tiningala. “Kaya mo naman diba? Ba't 'di mo na lang hugasan?” “It's yours, you can touch it--” “Miguel!” sikmat ko sabay tayo. “Ang sabi lang naman ng Daddy mo e CHECK kita. Yun lang. Ikaw itong gustong paliguan pa kita. Sinunod kita tapos gusto mo pati 'yan?” turo ko sa namumukol na kanya. “Sumusubra ka naman yata.” He laughed. Kinuha niya sa'kin ang aveeno body wash at siya na ang nagkusang nagsabon sa ibang parte ng katawan niyang hindi ko mahawakan. “Ang sabi sakin nina Don at Arlo snob ka daw, bakit parang hindi naman.” Nakangiting pinisil niya ang chin ko. Inis na tinabig ko naman kaagad iyon. Lumabas ako ng bathtub pero hinabol pa ako ng kamay niyang may bula, pinahiran ang pisngi ko. Iritadong hinampas ko siya sa kanyang braso na ikinatawa niya. “You're palaban too, just like your lil sis Samantha. Pero bakit 'pag may kaharap kang ibang tao subrang bait mo? Samantalang pagdating sa'kin daig mo pa yung tigreng first time makalabas sa hawla. Ang talim lagi ng titig mo sa'kin ah. Kulang na lang kainin mo ako ng buo e.” “If my mouth doesn't say anything, my face definitely will. Dapat makuha ka sa tingin.” “Oh... eye contact. Exchanging message through eyes...” tumango-tango siya. “Apo ka nga ng isang Ricaforte. Your grandpa was once a captain at armed forces of the States. And your grandma was a military nurse before, too. Now I got it. Lahi kayo ng matatapang.” “Dating military nurse ang Lola Josie ko?” “Yep.” Dinampot niya ang hose. Humarap sa pader saka inayos iyon sa handheld shower head holder at binanlawan ang buong katawan na puno ng sabon. “Akala ko ba wala kang alam? Saan mo naman nalaman ang mga 'yan?” “Doon sa mga papeles na pinakita ko sayo.” he turned off the faucet then face me. “Would you hand me the towel, please?” Kaagad naman akong tumalima saka inabot iyon sa kanya. “'Wag mong punasan ng towel ang katawan mo.” “Why?” “It could block your pores and contribute to the heat rash. Just allow your skin to air-dry.” Niyuko niya ang kanya saka nakangising nag-angat ng tingin sa'kin. “E pa'no 'tong boxers ko--” “Malamang takpan mo ng tuwalya!” “Lagi ka na lang nakasigaw e nagtatanong lang naman ako.” “Yang mga mata mo iba kasi yung pinapahiwatig e.” “Sus, ang sabihin mo masyado ka lang green-minded.” Mabilis akong tumalikod ng basta niya na lang hinubad iyon sa harapan ko. Walang hiya talaga! Dali-dali akong lumabas ng banyo. “Saan ka pupunta?!” “Sa Pluto! Bwesit ka!” Palabas na ako ng kanyang kwarto ng bigla na lang may humapit sa bewang ko. Malakas akong napatili ng isandal niya ako sa pader. His manly scent assault my nose when he leaned closer to me. Namilog ang aking mga mata sabay hawak sa kanyang mukha para sana itulak palayo pero kinuha niya ang mga kamay ko at ipinulupot ang braso sa kanyang leeg. “Hindi pa tapos yung ginagawa mo diba? Lalagyan mo pa 'to ng ointment.” “Pwede bang ikaw na lang? Tsaka pwede bang lumayo ka sa'kin?” “Hindi ko alam kung pa'no maglagay ng ointment--” “Maglalagay lang ng ointment hindi mo pa alam?” bulalas ko. “Hindi. Pa'no ba? Turuan mo ako.” “Ano tanga-tangahan lang?” “Nagigiging tanga talaga ako pagdating sayo.” Lumayo siya sa'kin. Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng maglakad siya papunta sa bedside drawer. Binuksan iyon. Iwan kung ano kinuha sa loob saka muling sinara. Pagharap niya sa'kin seryoso na ang mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanyang mukha at nakakuyom na kamao nang humakbang siya palapit sa'kin. I even seen him gulped ng huminto siya sa harapan ko. Ang sumunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Malakas akong napasinghap sabay takip ng kamay sa aking bibig ng dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. Mulagat ang mga matang napatitig sa diamond ring na inaalay niya sa akin. “A-Ano 'yan?” “A promise ring.” “P-Promise ring?” He nodded. “Pangako na tutuparin ko at pag-iingatan ko ang lahat ng binitawan kong salita sayo kanina at doon sa sanctuary ko--I mean secret haven nating dalawa doon sa kakahuyan.” inabot niya ang kaliwang kamay ko. “Never pa akong nagmahal ng ganito sa tanang buhay ko Shienna. Wala din akong inalayan na singsing or malalim na pagtingin sa mga babaeng napaugnay sa akin. Ikaw lang. Bukod tanging ikaw lang ang seneryoso ko.” “Nang ganun kabilis?” “Seryoso ako.” Hinatak ko ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan, humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya doon. “Baka n-nabibigla ka lang Miguel.” “Maybe... but not my heart.” binuka niya ang palad ko saka nilagay doon ang singsing. “Keep this, please?” “Hindi mo... ba't hindi mo isinuot sa daliri ko?” “I know you're not ready about this yet, and I respect you with that. Up to you kung susuotin mo o hindi.” “Ito yung... surprise na sinasabi mo kanina?” “Yeah. Liligawan sana kita then magpo-propose ako mismo sa birthday mo kaso... sabi mo ayaw mo ng surprises e, so...” he shrugged his shoulder. “A-Alam mo kung kailan yung b-birthday ko?” He nodded again. Tumayo siya saka itinukod ang isang braso sa pader malapit sa uluhan ko. Dinala niya naman sa kanyang labi ang kaliwang kamay kong may hawak na singsing at mariin hinalikan ang likod niyon habang walang kurap-kurap na nakatitig sa aking mga mata. “Seryoso ako sayo Shienna. And I really wanted YOU to be my wife kaya nagawa ko yun sayo.” binitawan niya ang kamay ko pero lumipat iyon sa aking pisngi. Marahan iyon hinaplos. “Forgive me for being too harsh. But please give me a chance to prove myself to you. Na karapat-dapat din akong mahalin. Just one chance. Only one.” Hindi ako umimik. Hindi ako makasagot. Wala akong mahagilap na tamang salita sa natutuliro kong utak. “Shienna...” “Ha?” I gulped and shiver at the same time when he caressed my lips with his thumb. “Can I kiss you?” Bumuka ang labi ko pero walang salitang namutawi doon. Muli niyang hinaplos iyon saka unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Mainit na inangkin ang nanginginig kong mga labi. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2024
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD