MIGUEL
Hindi ako nakatulog kagabi.
Hindi ko rin sinarado yung sliding door sa azotea.
Magdamag akong nakatitig doon.
Hinihintay ang paglabas ni Haring araw.
Tuloy pagputok ng liwanag saka naman ako nakaidlip.
Pupungas-pungas na napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Shienna sa baba. Humahalo sa malakas na tawanan ng mga magulang ko. Subrang liwanag na rin sa labas.
"Shît--!"
Patakbo akong lumabas ng kwarto pero kaagad din akong napabalik sa loob ng makita kong wala pala akong ano mang saplot.
"Double shît!"
Hindi ko alam kung saan ako dederitso sa subrang pagkataranta; kung sa walk in closet ba para kumuha ng damit or sa banyo para maglinis ng sarili. Pinili ko ang huli. Mabilisan akong nag-toothbrush. Pagkatapos nilingon ko ang shower saka tiningnan ang gripo sa sink.
"Shît--this one will do."
Naghilamos ako ng mukha. Binasa ko din yung buhok ko. Kunwari bagong ligo ako--bwesit!
Tumakbo ako papunta sa walk in closet. Nagmamadali sa pagsuot ng damit. Plain white round neck shirt and black pants. Kinuha ko ang pabango sa drawer at pinaliguan ang sarili.
Inamoy ko ang sarili. "Hmm mukhang nasubrahan pero pwede na."
Malalaking hakbang na lumabas ako ng kwarto pero wala na akong ingay na narinig pa pagbaba ko ng hagdanan. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang tao. Nasaan na ang mga yun?
Lumabas ako ng mansyon. Dumeritso ako sa Rest House. Nasa labas pa lang ako dinig ko na ang malakas na masayang boses nila. Hindi ako dumeritso sa loob. Nagtago ako sa pader at nakinig sa usapan nila.
"Naku Fernan parang subra-subra naman na yang tulong--"
"Ano ka ba naman Phil. Puro ka na lang tanggi."
"Pakiramdam ko kasi parang umaabuso--"
"Kulang pa yun sa lahat ng tinulong niyo sa akin ni Nay Josie." sabad na boses ni Dad.
"Oo nga naman Philip. Tsaka isa pa iha pwedeng-pwede kang lumipat ng school sa Manila kung gusto mo. Malaki ang bahay namin doon. Isama mo mga kaibigan mo. Silang lahat. Tsaka yung kapatid mo. Nasaan na ba yun?"
"Nandun pa po sa bahay. Pag-iisipan ko din po Misis Del Carpio yang offer niyo. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tulong na binibigay niyo po sa pamilya namin."
"Tita," nakatawang boses ni Mom. "Tita na lang ang itawag mo sa akin anak."
Napangiti ako ng marinig kong sunod-sunod na napaubo si Shienna. Nagkagulatan pa kami ni Kuya na biglang lumabas galing sa loob.
"Oh... Ba't nandito ka? Nasaan si Keith? Akala ko ba--"
"Kararating ko lang--t'ngna." then walked pass me.
"May problema ba?"
"Naiwan ko yung phone ko sa isla. T'ngnang Keith at Jonard na yun. Hindi na nga ako sinamahan pauwi dito kinuha pa yung phone ko."
"Babalik ka ba doon?"
"Alangan."
"Isama mo dito pabalik."
"Papasok na ako sa opisina. Next time na lang ako uuwi dito or kung may free time."
Nagkibit balikat na lang ako sabay hakbang papasok. Hindi ko nakitang palabas din si Shienna kaya ayon bumangga siya sa akin. Nagkagulatan pa kaming dalawa pero mabilis ang reflexes kong hinapit ang kanyang bewang ng makita kong nabuwal siya. Namimilog naman ang kanyang mga mata, awang ang mga labi na bumagsak ang dalawang kamay sa dibdib ko. Sumabog ang kanyang buhok sa mukha. Maingat ko iyon hinawi at inipit sa likod ng kanyang tainga.
"Ok ka lang? Nasaktan ba kita?"
She was speechless. Hindi kumukurap na nakatitig sa akin ang nanlalaki pa ring mga mata. Bumaba ang tingin ko sa nakaawang niyang labi.
"Your lips looks so tempting but maybe will save it later," nilapit ko ang mukha sa kanyang tainga. "Yung walang audience na istorbo."
She loudly gasped and blinked her eyes thrice. Malakas niya akong itinulak sa dibdib sabay karipas ng takbo paalis. Sinundan ko siya ng tanaw. Nang makita kong parang yung shortcut na daan papunta sa kakahuyan ang tinutumbok niya patakbo akong pumunta sa kwadra. Kinuha ko si Flame at kaagad iyon sinakyan. Mabilis iyon pinatakbo.
I'm up on the hill. Hinatid siya ng tanaw mula sa ibabaw niyon. Nanatili ako doon hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Siguro inabot ako ng oras sa paghihintay doon. Nakasilong ako sa ilalim ng malaking kahoy. Nang matanaw ko ang magkapatid na naglalakad papasok ng Hacienda kaagad kong pinakaripas si Flame paalis. Dumeritso ako sa secret haven ko; sa gitna ng kakahuyan. I need to take a bath... a real one. Oh damn! This electrifying feelings towards her really driving me crazy!
Hinatak ko ang renda ng kabayo. Humalinghing si Flame sabay hinto sa pagtakbo. Mabagal na naglakad. Tinahak ko ang masukal na kagubatan.
Nasa gitnang parte na ako ng kakahuyan ng maramdaman kong parang may nakasunod sa akin. Hinatak ko muli ang renda ni Flame. Nakiramdam sa paligid. Natigilan pa ako ng makarinig akong hagikhik ng babae. Lumingon ako sa likod. Searching for the intruder. And there she is... namilog ang mga mata ni Shienna ng magtagpo ang paningin naming dalawa sabay tago sa likod ng katawan ng puno.
Mabilis kong pinalakad ang kabayo patungo sa pinagtataguan nila. Na-amused ako sa natanaw kong ginagawa nilang dalawa. It's my first time hearing Samantha's giggled too. Watching those two seems like Sam is a makulit lil sister. Napataas ang kilay ko. Hmmm... so that's her other side.
And Shienna's reaction after Sam bit her palm is...
Nakangiting napailing ako. That two naughty girl are very funny.
Dahan-dahan kong pinalakad si Flame papunta sa harapan nila ng sabay pang sumilip ang dalawa sa magkabilaang gilid ng kahoy... as expected looking for me. Sabay ding bumaling sa harapan.
"Are you two following me?"
Gulat na nagkatinginan ang dalawa. Sabay pang dahan-dahàn na nag-angat ng tingin sa akin. Malakas na napasinghap si Shienna ng muling magtama ang paningin naming dalawa. I playfully smirked while staring at her intently.
"What are you doing here?" muling tanong ko ng tila naitulos na ang dalawa sa kinauupuan. "Why you two following me?"
Nakita kong kaagad hinatak ni Sam ang kamay ng Ate niya. Sabay na tumayo ang dalawa pero nabitawan ito ni Shienna ng kumaripas ng takbo. Mabilis na kumaripas na din ng takbo si Sam. Napangisi ako ng makita kong magkaiba ang daan na tinumbok ng dalawa.
Sakay ng kabayo hinabol ko si Shienna. Awang ang mga labing napahinto siya sa pagtakbo ng iharang ko sa daraanan niya si Flame. Bumaling siya sa kanan pero kinabig ko din ang renda ni Flame papunta doon sabay talon pababa.
"Ba't niyo ako sinusundan?"
Umiling siya sabay atras. "H-Hindi no. Hindi ka namin sinusundan."
I tilted my head, playfully pouted my lips then step forward. 'Di ko na napigilan ang sarili kong matawa ng sunod-sunod siyang napaatras. Muli akong humakbang. Umatras ulit siya.
"So what are you two doing here if you're not following me?"
"Malamang dito ang shortcut papasok sa Hacienda diba?"
"Dito sa gitna ng gubat?"
Hindi siya sumagot. Umiwas ng tingin sa akin. Inilang hakbang ko lang palapit sa kanya. Malakas siyang napasinghap ng haklitin ko ang kanyang bewang at isinandal sa katawan ng puno.
She heaved violently. Tumaas baba ang dibdib habang nakatingala sa akin. Itinukod ko ang siko sa puno. Up on her head. Itinagilid niya ang mukha pero kaagad ko iyon hinawakan at muling hinarap sa akin.
I caress her cheeks. "Are you lost my sweet baby?"
"M-Miguel--"
Inilapit ko ang mukha sa kanya. Inhaled her scent again and again down to the crook of her neck. So addicting!
"Yes?" anas ko.
Tinulak niya ako sa dibdib. "Lumayo ka Miguel."
"Ganito ba kalayo?" tanong ko pero lalong inilapit ang katawan sa kanya. "Tell me kung kulang pa."
Muli niya akong itinulak. "T'ngna mo! Lumayo ka sabi!"
"Kapag lumayo ako sinisiguro ko sayong kasama kita."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Walang babalang siniil ko siya ng marubdob na halik. Natigilan siya sa ginawa ko. Sinamantala ko naman ang pagkakataon. I slide my hand down to her nape to deepened the kiss--shit... her lips tasted so damn sweet like a cherry!
It takes a couple of minutes before I released her lips. Hinanap ko ang kanyang mga mata. Walang kurap-kurap iyon na nakatitig lang sa akin. Puno ng gulat na tila ba 'di inaasahan yung halik na ginawa ko. Nakangising dinampian ko ulit ang ibabaw ng kanyang labi. Dalawang beses siyang kumurap. Dumilim ang mukha sabay igkas ng kamay sa pisngi ko. Pakiramdam ko nabingi ako sa subrang lakas.
"How dare you kiss me!" singhal niya.
"I like you."
Manghang tinitigan niya ako. "You like me kaya hinalikan mo ako?"
"Yeah I like you. Sinabi ko naman na sayo yun diba?"
Lalo siyang namangha. "Lahat ba ng magustuhan mo hinahalikan mo? Ganun ka kabastos?!"
Napakunot-noo ako. "Bastos ba yung ginawa ko?"
"Nakuha mo pa talagang magtanong kung bastos--"
"Well I don't know!" agap ko sabay layo sa kanya. "Hindi ko alam na bastos yung ginawa ko. Lahat ng babaeng nakikilala ko ganun ang gusto nila. Sila pa nga nag-e-initiate e. Nakita mo naman diba kung gaano sila nagkakandarapa sa akin."
"Well I'm not one of them! Ibahin mo ako sa kanila dahil hindi ako cheap kagaya nila!"
"That's why I like you."
"NO. Hindi mo ako gusto. Sinasapian ka lang ng kamanyakan!"
I chuckled.
Gigil na pinaghahampas niya ako. Todo naman ako iwas at sinasangga iyon. Patuloy sa pagtawa.
"'Wag mo akong pagtawanan bwesit ka!"
"You make me laughed, what can I do?"
Tumigil siya sa paghampas sabay takbo palayo pero kaagad kong nahablot ang kamay niya.
"Saan ka pupunta?"
"Bitawan mo ang kamay ko!"
Ngumiti ako saka pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Napatigin siya doon.
"Sorry kung nababastusan ka sa mga pinanggagawa ko or sa mga salitang lumalabas sa bibig ko this past few days. I didn't mean it. I just... I just can't help it everytime I see you. Hindi ko maintindihan ang sarili ko and what I felt towards you is new to me. Hindi ko alam kung pa'no pakitunguhan 'tong nararamdaman ko Shienna. Can you just be more patient with me? Mabait naman ako e. Hindi ako nananakit ng babae--"
"Oh so kaya pala pinagsasabay-sabay mo silang lahat and you called yourself hindi mapanakit ng babae? Bitawan mo ang kamay ko!"
Nakangiting binitawan ko naman iyon agad.
"Can we be friends?"
"Ayoko."
"Good. So can you be my girlfriend?"
"Mas lalong ayoko!"
"Very good. So you got no choice but to be my wife."
"Hell would freeze first before that happen!"
"Ayaw mo talaga sa'kin?"
"Hindi ba obvious."
"Wala talagang pag-asa?"
"Wala."
"Kahit kunti?"
"Wala!"
"Kahit ligawan pa kita?"
"Wala nga!"
"Kahit lumuhod pa ako sayo?"
"Gagawin mo?"
"OO."
"Wag na. Mas bet ko yung Kuya mo. Mukhang matino at super bait. Unlike YOU..." aniya sabay talikod.
"T'ngna--Shienna!"
"Bye! Uuwi na ako." sigaw niya.
Deritso pa rin ang lakad. Di man lang ako nilingon.
Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa mukha. Then something popped up in my head.
"Diba Josefa Ramos ang totoong pangalan ng Lola Josie mo?" she was halted but didn't looked back at me. I grinned. "Gusto mo bang malaman kung nasaan siya?"
Marahas niya akong nilingon. Matamis ko siyang nginitian saka nilapitan si Flame.
"Alam mo kung nasaan ang Lola ko?"
"Sasabihin ko lang sayo kung sasama kang mamasyal sa akin."
"Hindi ako sasama--"
"Hindi ko sasabihin sayo." agap ko sabay sampa kay Flame. Pinalakad patungo sa masukal na kagubatan. "Mag-iingat ka pauwi."
"Teka sandali--Miguel!"
Sigaw niya pero di ko siya pinansin. Pinabilisan ko ang paglakad ni Flame. I heard her cursed then run towards me.
"Miguel!"
"Sandali lang naman!"
"Ano ba, Miguel--!
I evily smirked. Pinahinto ko si Flame. Niyuko ko siya na hinihingal na huminto sa tabi ng kabayo.
"Sasama ka ba?"
"Gusto kong malaman kung nasaan ang Lola ko. Buhay pa ba siya?"
"So, you have no idea?"
Sunod-sunod siyang umiling.
Iniumang ko ang kamay sa kanya.
"Wanna ride up here so we can talk?"
Muli siyang umiling. "Hindi ako marunong mangabayo. Natatakot ako."
Tumalon ako pababa. Napatili siya ng hawakan ko ang kanyang bewang at biglang iniangat papunta sa likod ng kabayo. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bwesit ka Miguel! Kakalbuhin talaga kita kapag nahulog ako!"
I laughed at her. Mabilis ang kilos na sumampa rin ako sa likod niyon. Nasa unahan ko siya. Pinulupot ko ang kaliwang braso sa bewang niya at hinapit lalo palapit sa akin. Niyapos niya naman ang kanang braso ko na may hawak na tali ng magsimulang maglakad si Flame.
"Don't be afraid. I'm here to catch you if you fall."
"Fall fall mo muka mo! Umusod ka nga. Masyado kang dikit sa akin."
"Kapag umusod ako baka mahulog ka. Sige ka. Gusto mo bang ma-fall... sa----kin? Safe ka dito sa puso ko promise."
"Tss... Pinagsasamantalahan mo ako ngayon pwerket wala akong choice! But you better make sure na may alam ka nga at di ako ginu-good time lang dahil kung hindi... alam mo naman na siguro kung ano ang kaya kong gawin sa mga sinungaling na kagaya mo."
I laughed again. "This gonna be our first date."
"In your dreams."
"My dreams just granted right now, my sweet babe."
Minutes passed while riding at the back of the horse. I can tell on her tight gripped in my arm that she really scared.
"Shienna..." tawag ko pero 'di niya ako sinagot.
Niyuko ko siya at bahagyang sinilip ang mukha. Mariing nakapikit ang kanyang mga mata.
"Are you sleeping?"
"Pwede ba 'wag kang malikot diyan." sikmat niya. Nakapikit pa rin ang mga mata. "Tsaka saan ba tayo pupunta? Malayo pa ba?"
"Malayo-layo pa." aniko saka umayos ng upo. "Hindi ka ba magtatanong about sa--"
"Mamaya na pagkababa dito." sabad niya. "Baka hindi ko magustuhan ang sagot mo maitulak pa kita."
I sighed. "Bakit ba ang taray-taray mo sa'kin? I just only want to be friends with you, that's all."
"Hindi ganun ang nakikita ko."
"Ano bang nakikita mo e nakapikit ka--ahw..." daing ko ng sikuhin niya ako sa tiyan.
"Kahit nakapikit ako kitang-kita ko kung gaano kaberde yang mga mata mo."
"Oh I'm glad you noticed my green eyes."
Malakas akong napahalakhak ng muli niyang sikuhin ang tiyan ko.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023