Damn Heart 6

2659 Words
MIGUEL Weeks passed. Subrang busy ko sa trabaho. Pabalik-balik ako sa Manila at dito sa Hacienda. Hindi rin ako magkandaugaga kakatago sa mga praning na babaeng yun--sucks! Kung hindi sa barracks, sa kubo malapit sa ilog doon sa kakahuyan ako nag-e-stay. Hindi ko rin mahagilap ang magaling kong kapatid. Tinatadtad ko na ng tawag at text messages 'di man lang sumasagot sa akin. Naadik na sa pamumundok ang bwesit na yun! My heart jumped when I heard someone knocked on the door. Dali-dali ko iyon binuksan. Naka-ready na ang matamis kong ngiti ngunit biyernes santong mukha ni Shienna ang bumungad sa akin. "Hi--" "Anong kailangan mo sa akin?" masungit na sabad niya. "Ba't mo ako pinatawag?" Niluwagan ko ang pinto. "Pasok ka." "At ba't naman ako papasok diyan, Mr. Del Carpio?" "Look I wanna apologize--" "Diba dapat noong nakaraan mo pa yan ginawa?" muling sabad niya. "Tsaka wag kang humingi ng pasensya sa akin. Doon dapat sa mga taong inagrabyado mo--oh well panis na rin naman yang paghingi mo ng tawad sa ginawa mo sa kanila. So why bother now?" "Ba't ba ang sungit mo?" "Kumusta naman yung ugali mo?" Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "Can't we just be civil--" "You need something from me kaya gusto mong maging civil sa akin ngayon?" "Pwede ba patapusin mo muna ako? Pwede?" She scoffed then shook her head. "Wow... ikaw pa talaga ang galit?" "Nakakapika kasi yang ugali mo." "Mas nakakapika ka, alam mo ba yun?" "Yung kapatid mo parang tigre tapos ikaw..." "What?" untag niya ng 'di ko na iyong dugtungan pa. Matamis ko siyang nginitian. "Gusto mong mangabayo? Ililibot kita sa buong Hacienda." "Yan lang ba ang rason mo kaya pinatawag mo ako dito?" "NOPE." "E ano?" "Kung papasok ka dito sa loob sasabihin ko sayo pero kung mananatili ka lang diyan na nakatayo sa labas ng pinto, well," I shrugged my shoulder. "I can't tell you 'cause it's confidential. So, aayain na lang kitang mamasyal." "What you said to me are both complicated and dangerous. Pakiramdam ko may binabalak kang masama sa akin e." "Well, I assure you Tart na wala akong gagawin sayo ng hindi mo magugustuhan." She looks too cute when she frowned. "Tart?" "Tart. Meaning you're so sweet and you belong to my heart. Short for my sweetheart." Mapakla siyang tumawa sabay talikod. Mabilis ko namang hinablot ang braso niya sabay hatak papasok sa Library. Kaagad kong ni-lock ang pinto. Natitigilan at nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa akin ng isandal ko siya sa likod niyon. "Lumayo ka sa akin." "Listen to me first ok?" "Bastos ka ba talaga?" "A-Ako? Bakit binabastos ba kita?" "Ano sa palagay mo 'tong ginagawa mo sa akin?" "I'm just talking to you." "Talking to me or caging me? Parang gusto mo na akong halikan sa subrang lapit mo sa akin e." Napatingin ako sa mga braso kong nakatukod sa magkabilaan ng ulo niya. Niyuko ko siya sabay lapit ng mukha sa kanya. Napakurap-kurap siya sa ginawa ko. I grinned. "Affected ka ba?" "Anong affected?" "You're affected with my presence." anas ko at inamoy ang kanyang leeg. "Smells like fruity. Mukhang masarap." Hinawakan niya ang mukha ko at itinulak palayo pero nakipagmatigasan ako sa kanya. "Lumayo ka kung hindi sisigaw talaga ako." "Kapag sumigaw ka hahalikan talaga kita para sure na may ginawa talaga ako sayo." Tumaas baba ang dibdib niya sa sinabi ko. I smirked. "A-Ano bang gusto mo?" "IKAW. I want you to work here with me." "May trabaho na ako at kailanman hindi na ako babalik pa dito." "Talaga? Kahit triplehin ko pa ang--" "Kahit gawin mo pang milyon ang sahod ko its still a NO." sabad niya. "Masaya na ako sa trabaho ko." "Masaya kang inaalispusta ni Aling Pricilla?" "I'm sure napi-pressure lang yun kaya ganun siya saamin." napalunok ako sa uri ng titig na pinupukol niya sa akin. Nakakaluko niya akong nginisian. Nalipat naman doon ang tingin ko. I gulped even more while staring her pinkish lips. "Tama ako diba?" "T-Tama saan? Tama sa akin, sure." Tinulak niya ako sa dibdib ko pero 'di ako natinag. "Hindi ka magtatagumpay Miguel. Tsaka pwede ba tantanan mo na ang kapatid ko. Wala kang mapapala sa kanya." "Wala akong ginagawa sa--" "Hindi yun nasisiraan ng ulo para makipag-away sayo ng walang dahilan." I took a heavy breath. Lumayo ako sa kanya saka ipinamulsa ang mga kamay. "Can I ask you something?" "NO. Don't ask me anything." "Why not?" "Because I said so. Pwede na ba akong umalis?" Hindi ako nakaimik. Manghang napatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Tinalikuran niya ako. Mabilis kong pinigilan ang kamay niyang nakahawak sa doorknob. "Shienna," Tila napapasong binitawan ko rin iyon ng lingunin ako ng nanlilisik niyang mga mata. "Can't you just stay away from me? Iba na lang ang landiin mo. Wag ako." aniya sabay pihit ng seradura at tuluyang lumabas ng pinto. "Where's Felix?" maarteng boses ng babae. Nanlaki ang aking mga mata sa natanaw kong babaeng pumasok sa main door. F-ck! Paano nakapunta ang Vivian na yun dito? I unconsciously clench my fist. Jethro... Nagtago ako sa pader ng lingunin ako ni Shieena. "I said where's Felix?!" "Walang Felix na nakatira dito." "Wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita." "Kung ayaw mong mabali yang kamay mo bitawan mo ang braso ko." "Ang tapang mo ah. Katulong ka ba dito?" "Mukha ba akong katulong? FYI anak ako ng may-ari nitong Hacienda." "K-Kapatid ka ni Felix?" "O ba't hindi mo yata kilala masyado ang boyfriend mo?" nang-iinis na tumawa si Shienna. "Malamang hindi mo rin alam na pinagsasabay-sabay kayong mga babae niya." "What the f-ck do you mean by--" "What's going on here?" sabad ng isa pang maarteng boses ng babae. "At sino kayo? What are you two doing here in my boyfriends mansion?" Sumilip ako ulit. Napangiti ako ng matanaw kong nakapamewang na si Shienna sa mga ito. Muli akong sumandal sa pader. Smiling like crazy while listening to their arguments. "See? Babae din siya ni Kuya." wika ni Shienna. "In fact noong nakaraan may mga babae din na sumugod dito at kini-claim na girlfriend sila." "Who the hell are you?" "Oh--gosh! Don't tell me--where's Dan?" "Sinong Dan? Walang Dan na nakatira dito." boses ni Shienna. "Don't you dare lie to me. Dito sa Hacienda Ismeralda nakatira si Dan!" "Siya hinahanap si Felix. Tapos ikaw hinahanap si Dan. Aren't you two aware that your boyfriend are just the same?" "What the f-ck are you talking about?" sabay pang tanong no'ng dalawa. Mapaklang tumawa si Shienna. "FYI Miguel Dan Felix Del Carpio ang buong pangalan ng mga jowa niyo." "What?!" "See? Parehong 'di niyo alam. Malamang hindi niyo rin alam na you're not welcome here. Kaaga-aga nag-e-eskandalo kayo dito. Pati ako dinadamay niyo pa. Get out!" "Aba't--" "Subukan niyo lang ilapat sa akin yang mga kamay niyo tiyak ICU ang babagsakan niyong dalawa." "You--Felix! Lumabas ka diyan Felix!" "Dan!" "Wala nga siya dito. Labas na!" Sumunod na narinig ko ang pabalyang pagsara ng pinto habang nangangalaiting tinatawag ako no'ng dalawa. Pagsilip ko nagtama kaagad ang mata naming dalawa ni Shienna. Madilim ang kanyang mukha habang nakasandal sa likod ng pinto. Nakangising lumabas ako ng Library at nilapitan siya. "Why didn't you let them in?" Her face became darker. "Kaya pala parang daga kang nagtago sa lungga mo." I shrugged my shoulder while pouting my lips. "Well, my sister is brave enough to face them alone. Why would I interfere? Besides I got entertained habang nakikinig sa sagutan niyong tatlo." "Gwapong-gwapo? Pinag-aagawan? Naks--grabeng yabang. Nakakabwesit ka." I chuckled. "Hindi mo naman kailangan gawin yung ginawa mo kung nabubwesit ka." "Tinalikuran ko nga diba?" "Hindi yun ang narinig ko." "E kung lumabas ka sana at hindi nagtago doon sa loob e di sana nakita mong hinatak ako pabalik ng babae mo!" sigaw niya sa akin. "Sa tingin mo papayag akong saktan ng mga hitad na yun?" "Kaya pala nagpakilala kang kapatid ko." "Pasalamat ka nga kapatid lang e." "Mas magpapasalamat ako kung sinabi mong asawa kita. Siguradong tatantanan na nila ako because of you. MY SWEET WIFE." "Tatantanan ka tapos ako naman ang guguluhin nila." inis na dinuro niya ako. "Kapag nangyari yun, I swear, makakalbo talaga kita." "I'm already kalbo down there." She parted her lips and loudly gasped. "T'ngna mong--bastos!" Malalaking hakbang na nagmartsa papunta sa kusina. Nakatawang sinundan ko siya pero hindi ko na naabutan pa. Nakalabas na sa pintuan doon. Binuksan ko iyon para lang matigilan sa aking natanaw. Sumakay si Shienna sa motorsiklo ni Axel. 'Di lang yun; nakayakap pa ang t'ngna sa bewang ni Axel. Kung gaano kahigpit well I don't have a f-cking idea--sh*t! Pabagsak kong isinara ang pinto. I took my phone then call Aling Pricilla right away. Kaagad itong sumagot. "Ginagawa mo ba talaga ang pinapagawa ko sayo?" "Oo--" "Pwes wala akong nakikitang improvement!" sabad ko. "Kapag hindi mo pa yan tinanggal ngayon I swear, ipapa-demolish ko yang karinderya mo bukas na bukas din." I ended up the call right away. Hinanap ko ang number ni Kuya at tinawagan ito pero ang hinayupak pinapatayan ako. Tinadtad ko ito ng mensahe. Ngunit wala pa ring reply. Damn him. Kapag 'di siya umuwi ngayon makikita niya. Nagpakasasa sa paglakwatsa ang bwesit na yun. Nakarating pa sa Mount Quasinta! 'Di man lang ako inabisuhan na bumyahe dito kagabi sina Mom and Dad. Buminggo tuloy ako kanina pag-uwi ko ng madaling araw. Naiinis na lumabas ako ng kusina. Nagkagulatan pa kami ni Mom sa sala. "Mom..." "Sino na naman ang dalawang babaeng yun na dinatnan ko sa labas?" "Babae? Ano pong babae e wala naman akong--" "Ikaw..." gigil na dinuro ako nito. "...hindi ka ba talaga titino, Miguel?!" "Bakit matino naman po ako ah." "Naku," aburidong nasapo nito ang noo saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Nakausap mo na ba ang Kuya mo?" "Yes po kanina lang." "Anong sabi? Uuwi ba?" "Uuwi po yun sa ayaw at sa gusto niya." Napatingin ako sa labas ng marinig ko ang masayang tawanan. Pumasok sina Dad at Itay Philip ni Shienna. Magkaakbay pa ang dalawa. "O, yan yung bunso ko Phil, si Miguel." turo sa akin ni Dad. Kaagad naman akong lumapit sa kanila at nagmano dito. "Ikinagagalak po kitang makilala, Tay Philip." sabi ko. "Tsaka about po do'n sa--" "Naku--kalimutan mo na yun iho." sabad nito. "Yung Kuya JM mo ba tinawagan mo na?" "Yes po, Dad. On the way na po yun." "Ah--Migz," tawag sa akin ni Mom. "Ang mabuti pa iho samahan mo ako sa kabila. Tulungan mo ako magbuhat nong----yan na pala." Pumasok ang dalawang babaeng may bitbit na malaking stainless na kaldero. Kaagad ko iyon kinuha sa mga ito. "Ako na lang magbubuhat." sabay takbo papunta sa kusina. Patakbo din akong lumabas. Pumunta ako sa kabila para kunin ang iba pang mga niluto ni Nana Rosa. "Sigurado ka ba talagang uuwi dito ang Kuya mo?" tanong sa akin ni Mom when we all settled in the table. Tiningnan ko ang suot kong relo. Anong oras na pero. . . "Tatawagan ko po ulit." tumayo ako. "Excuse po muna." Lumabas ako ng bahay. I tried to call Kuya but still not answering my call. Damn... Napapitlag ako ng biglang tumunog ang phone ko. Jeth calling... Kaagad ko iyon sinagot. "What?" "Pumunta ka muna saglit dito sa barracks." "Why?" "Basta. Bilisan mo." then ended the call. I cursed then run towards the motorbike. Pinaharurot ko iyon papunta sa barracks. "Bossing," nakangiting tumakbo papunta sa akin si Don pagkaparada ko sa labas. "May dalawang babaeng pumunta dito. Vivian tsaka Genevie yata yung pangalan. Hinahanap ka." "Bakit daw?" "Tinatanong kami kung totoo ba daw na may kapatid kang babae." "Anong sinagot niyo?" "Malamang wala." "Anong reaksyon no'ng dalawa?" "Ayon, nagtalo yung dalawa hanggang sa nagsabunutan. Nahirapan nga kaming paghiwalayin nina Engineer e." "Nasaan na ang gagong yun?" "Nagmamadaling pumunta sa bayan kasama si Arlo. Na-stress yata do'n sa dalawang babae." "T'ngna niya. Pinapunta lang ako ng gagong yun dito dahil do'n." tinanaw ko ang karinderya. "Anong nangyayari do'n?" Tinanaw din nito ang karinderya ni Aling Pricilla na puno ng tao. Nangangalaiti ang boses nito pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi. "Parang pinapagalitan na naman yung mga serbidora niya----Lagot," anito. Lampas ang tingin sa akin. Nilingon ko ang tinitingnan nito. I saw Samantha. Naglalakad papunta sa karinderya ni Aling Pricilla. Nakipagsiksikan sa mga taong nagkumpulan doon. "Tiyak reresbak yun sa Ate niya." I mentally grinned when I heard Sam's angry voice. "Uwi muna ako sa mansyon. Balik na lang ako mamaya." sabay paharurot ng motor pabalik sa bahay. Ang sarap ng tawanan nila pagpasok ko muli sa kusina. Lumipas ang oras. Dumating si Kuya kasama si Keith. Nag-usap-usap kami. Or mas tamang sabihin pinagtulungan namin si Tay Philip. Ayaw pa rin nito pumayag sa gusto ni Dad pero ng makita kong tumayo na sina Kuya at Keith kaagad na rin akong sumigunda sa palusot niya. "Oo nga po Dad. Para makapag-bonding naman kayong dalawa," aniko sabay tayo. "Kailangan ko na rin bumalik sa Barracks. Doon po ako nag-stay kaya 'di ako makita ni Nana Rosa dito sa mansyon." paliwanag ko saka tiningnan si Tay Philip na hindi na umimik pa sa kinauupuan. "Pasensya na din po ulit Tay Philip kung pinagtatanggal ko kayo sa trabaho. Hindi ko sinasadya. Sana tanggapin niyo po itong alok namin. Para naman po yon sa pamilya niyo. Tsaka para makapagbagong buhay kayong lahat. Sige maiiwan ko po muna kayo." aniko saka malalaking hakbang na lumabas ng kusina. Halos takbuhin ko iyon makalayo lang sa kanila. Kinakabahan ako baka magbago pa ang isip ni Tay Philip. Mapurnada pa ang plano ko. Paliko na ako sa likod ng masyon ng abutan ako no'ng dalawa. Masama ang tingin ni Keith. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila ng magtalo ang dalawa. "Papayag kaya yon siya?" kinakabahan na sabad ko sa kanila. Napatingin sa akin si Kuya. "Hindi ko alam. Mukhang hindi siya basta-basta kahit mahirap ang buhay nila. Now I know kung kanino nagmana ang anak niya." nakatawang sabi niya. I laughed too. "May kaaway na naman nga yon kanina do'n sa karinderya e." Malakas na napahagalpak ng tawa ang dalawa. "Kaliit na babae napakatapang." umiiling na sabi ni Keith. "Saan ba yon nakatira?" "Wag mo ng alamin. Alis na tayo." sabi ni Kuya sabay hakbang papunta sa chopper. "Pa'no pala kung hindi pumayag yon si Tay Philip?" habol kong tanong kay Kuya. Nilingon niya ako. "Problema mo na yon. Basta tinulungan na kita. Ikaw na bahala diyan." Pagkaalis nila bumalik ako sa loob. Nagtago ako at nakinig sa usapan nila. Puro tungkol sa buhay ng pamilya ni Tay Philip. Hanggang sa napunta iyon sa dalawang anak nito. Halos idikit ko sa pader ang tainga ko ng marinig kong about kay Shienna ang usapan nila. Engrossed na engrossed ako sa pakikinig ng maramdaman kong may kumakalabit sa braso ko. Kaagad ko iyon tinabig. Ngunit ang kulit nito. Makailang ulit ko ng tinabig ang kamay paulit-ulit pa rin akong kinakalabit may kasama ng kurot sa tagiliran. Teka... Marahas ko itong nilingon. Mukha ni Nana Rosa ang bumalandra sa akin. Nakataas ang dalawang kilay at nakapamewang sa akin. "N-Nana..." "Bakit--" Mabilis kong tinakpan ang bibig nito sabay kaladkad palabas ng bahay. Nagpumiglas ito pero hindi ko pinakawalan. "Ano ba, Miguel!" angil nito matapos mabaklas ang kamay ko. "Papatayin mo ba ako?" "Sorry po--" "Sorry," ulit nito sabay irap. "Anong ginagawa mo doon? Bakit--" "Wag niyo po akong pag-isipan ng masama," agap ko. "O e bakit nakikinig ka sa usapan nila aber?" "I just wanna make sure kung pumayag ba si Tay Philip sa gusto ni Dad na lumipat na sila do'n sa Rest House." "Syempre OO. Pinalinis ko na nga yung Rest House--" "Talaga po, Nana?" She rolled her eyes. "Tingnan mo doon ng maniwala ka." Bigla ko itong nayakap ng mahigpit sa subrang tuwa sabay layas. I hurriedly took my phone in my pocket then call Kuya. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD