Damn Heart 5

2680 Words
MIGUEL "Sabihan niyo ang lahat ng trabahador na bumalik sa kanilang mga trabaho," wika ni Kuya sa maautoridad na tono saka ako binalingan. "And you idiot, sumunod ka sa akin." Isang nakamamatay na tingin ang pinukol ko sa babaeng yun bago sumunod kay Kuya at Keith. "Ano bang pumasok sa kukute mo at pinagtatanggal mo ang mga trabahador?" sita ni Kuya pagkapasok namin ng kusina. Naabutan namin doon na nagtatawanan sina Jeth at Nana. "Nasisiraan ka na ba ng bait?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Gusto mong ikaw mangasiwa dito?" nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Nginisian ko siya. "If not, mind your own business bro. Ako ng bahala sa Hacienda. I'll take full responsibility." "Talaga lang ha. Ihanda mo na yang sarili mo kay Dad, tiyak susugod ang mga yun dito sa Pilipinas." nilapitan niya si Nana Rosa saka niyakap mula sa likuran at hinalikan sa pisngi nito. "Glad to finally meet you po in person Nana." "Ku mas sweet ka pala sa personal--" "Mas sweet po ako sa kanya Nana, believed me." sabad ko. "Lalanggamin po kayo sa subrang tamis." "Tse! Ilang araw ka pa lang dito hypertension kaagad ang inabot ko sa mga babae mo." Napakamot ako sa ulo sa sinabi nito. "Nana naman, walang laglagan." "Miguel..." "What?" "Dumaan lang ako dito dahil kay Uncle. Tawagan mo daw siya ASAP." niyuko niya si Nana. "'Wag po kayong papasindak sa mga babaeng susulpot dito sa mansyon--" "Jeff Marco Del Carpio," seryoso ang mukhang tawag ko sa kanya. He evily smirked at me. "Yes, Migz?" "Si Nana Rosa ang reyna ko dito sa mansyon kaya pwede ba... 'wag mo akong siraan." "May sisirain pa ba Miguel?" "Nana naman," reklamo ko. "Habulin lang talaga ng chicks 'tong apo niyo kaya 'wag na po kayong magtaka kung bakit maraming umaakyat ng ligaw sa'kin dito." "Kahit kailan ang yabang mo talaga. Sarap mong tadyakan." sabad ni Keith sabay layas. Nakatawang sumunod sa kanya si Kuya. "Oh--saan kayo pupunta? Hindi ba kayo kakain muna? Kararating niyo lang aalis kayo agad?" Huminto si Kuya saka nakangising nilingon ako. "Mind your own business too, Bro. Mauna na po kami Nana, Jeth." baling niya sa dalawa saka tuluyang lumabas. "Ba't parang--" "Hays--wag mo ng ituloy," agap ko kay Jeth. Naupo ako sa katabi niyang upuan at nilagyan ng pagkain ang plato. "May bulilit na dragon doon sa labas. Sinugod ako. Galit na galit. Naabutan kami ni Kuyang nagtatalo. Ayun... senermunan ako." Natigilan si Nana sa pagsubo. "Bulilit na dragon?" ulit nito. "Anak ng trabahador siguro doon sa tubuhan." "Aw," nakatawang pinagpatuloy ang pagkain ni Nana. "Malamang yung kapatid yun ni Shienna." Bigla akong nasamid sa binanggit nitong pangalan. Sunod-subod akong napaubo sabay inom ng tubig. "K-Kapatid ni Shienna?" "Oo. Maliit na babae ba, maganda, maputi, mahaba ang buhok?" "Hindi ko po napansin basta parang dragon tsaka bungangerang eskandalosa. Ang tindi ng tabas ng dila, grabe. Kapatid pala yun ni Shienna?" Sabay na napahagalpak ng tawa ang dalawa. Nagtatakang nagsulubong naman ang mga kilay ko na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. "Si Samantha nga," nakatawa pa rin na wika ni Nana. "Anak ni Cora." "Yung may kapansanan po na Ale, Nana?" "Naaksidente yun sa bayan kaya ganun." "Naaksidente po? Pa'nong naaksidente?" Natitigilang tinitigan ako nito ng pailalim. "Masyado ka naman yatang interesado malaman, iho?" "Uhm... na-curious lang po ako, Nana. Grabe yang tingin niyo sa'kin ha. Nagtatanong lang naman po ako." Jeth laughed. Malakas kong sinipa ang binti niya sa ilalim ng mesa na ikinalakas lalo ng kanyang tawa. Sa inis ko binatukan ko siya sa kanyang ulo. "T'ngna mo!" "Jeth!" sita ni Nana. "Masasapak ko yang bunganga mo nasa harapan tayo ng grasya." "E itong gagong Miguel--" "Anong ako t'ngna mo--" "Jeth, Miguel!" "Sorry po." "Excuse me po," Sabay pa naming hinging paumanhin kay Nana. Nakatawang lumabas ng kusina si Jeth. Sumunod ako sa kanya. Patungo siya sa likod ng mansyon. "Tama ako diba?" aniyang hindi nakatingin sa akin. Patuloy sa paghakbang. "Kursunada mo yung caregiver ng Tita mo. Kaya ba tinanggal mo sa trabaho si Axel?" "Suma-side line ka na din ba ngayon ng pagtsitsismis ha, Engineer?" "Hindi tsismis kung totoo ang sinasabi ko." huminto siya sa paghakbang saka hinarap ako. "Unreasonable yung ginawa mo. Sabi ni Nana tinutulungan ng palihim ni Axel sa pag-aaral si Shienna." "What do you mean?" He shrugged his shoulder. "Hindi ko alam pero sa nakikita kong closeness nilang dalawa I think malalim talaga ang--" "STOP! I don't wanna hear that bullshit," inis na sabad ko. "T'ngna naman relax ka lang. I'm just stating the fact about what I saw and about sa sinabi ni Nana." "May sinabi siya? Ano bang mga sinabi niya sayo?" "Iwan... wala. Nakalimutan ko na." "Sabihin mo na kasi." "'Wag na. Pakiramdam ko uumbagin mo ako kapag 'di mo nagustuhan ang sinabi ko--" "T'ngna mo ka." "See? Masyado kang short tempered. Subrang layo mo--" "Kay Axel?" "NO. Subrang layo mo sa katotohanan. Siguradong gagapang ka muna bago masungkit ang matamis na OO ni Shienna." "Gagapang talaga siya papunta sa akin. I assure you that." "Paano? E doon na siya sa karinderya ni Aling Pricilla magtatrabaho." "Ano?" "You heard me." "f**k!! Pareho silang magkapatid matigas ang ulo." "Mas mabait yung bunso." "Seriously?" pagak akong tumawa. "Mas bet ko yung ugali ni Shienna kaysa do'n sa Samantha na yun na parang sinapian. Sigaw-sigawan ba naman ako kanina." Jeth laughed again. "Mabait yun promise. Kahit tanungin mo pa sina Arlo. Si Shienna kasi masyadong tahimik at snob. Si Axel lang bukod tanging ka-close no'n na lalaki." "Basta I don't like Samantha! Tsaka pwede ba 'wag mo ngang mabanggit-banggit ang t'ngnang Axel na yun. Kairita." sabay talikod. "O saan ka pupunta?" "May kakausapin lang ako. Bumalik ka na do'n sa site." Malalaking hakbang na tinungo ko ang kinapaparadahan ng motor ni Uncle. Kaagad ko iyon pinasibad palabas ng Hacienda. Dumeritso ako sa bahay ni Aling Pricilla. "S-Señorito Miguel..." kinakabahan na wika ng dalagita. "B-Bakit po nandito kayo? Ma---May--" "Pwede pakitawag sa Lola mo sa karinderya?" sabad ko sa kanya. "Pakisabi may importante akong sadya sa kanya." "S-Sige po." Patakbo itong lumabas ng tarangkahan. Nanatili lang akong nakatayo sa labas. Pinagtitinginan ako ng ibang taong dumadaan sa kalsada, binabati ako pero ni isa wala akong pinansin. Ilang minuto ang lumipas. Humahangos na dumating si Aling Pricilla. "S-Señorito Miguel... may problema ho ba? Gusto mo daw akong makausap?" "Hindi niyo man lang po ba ako iimbitahan sa loob ng bahay niyo?" "Ah--" she chuckled then walked pass me. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng tarangkahan. "Pasok ho kayo Señorito." Nakapamulsa ang mga kamay na sumunod ako sa kanya. Hindi ito magkandaugaga sa pag-alok sa akin ng makakain at maiinom. "Let's get down to business, Aling Pricilla." "B-Business ho, Señorito?" natitigilang napatitig ito sa akin. "Nabalitaan kong papasok ng trabaho sa karinderya mo si Shienna. 'Wag mo siyang tatanggapin." "Ho? A... e... ano kasi Señorito... pinagsimula ko na siya ng trabaho kani-kanina lang." "Akala ko kumain lang dun sa inyo. Nag-apply na pala ng trabaho tapos tinanggap mo naman agad-agad!" Namutla ito sa lakas ng boses ko. Napahilamos naman ako ng kamay sa mukha. "Tanggalin mo siya sa trabaho." "P-Pero kailangan ko ng tauhan--" "Ipapasara ko yung karinderya mo at paaalisin kita doon kapag hindi mo tinanggal sa trabaho si Shienna. Besides, pagmamay-ari namin ang lupang kinatitirikan no'n. Your choice, Aling Pricilla." She was shock at what I said. Namilog ang kanyang mga mata at umawang ang mga labi. Hindi makapaniwala na napatitig sa akin. "Grabe," marahas itong bumuga ng hangin. "Gagawin mo yun sa akin ha Señorito? Ganun kasama ang anak na binata ng mga Del Carpio?" I took a deep breath. Frustrated na napasuklay pa ako ng daliri sa aking buhok. Nakapamewang na tumanaw sa labas saglit saka muli itong hinarap. "I'll help you expand your business--" "Hindi ako masyadong nakakaintindi ng salitang English, Señorito Miguel." sabad nito. I sighed. "Sabi ko tutulungan ko po kayong ma-expand ang business mo. Pati ang mga apo niyo tutulungan kong makapag-aral ng libre sa private school hanggang college KUNG hindi mo tatanggapin sa trabaho si Shienna." "Pero bakit ho, Señorito? Mabait naman na bata si Shienna, masipag tsaka nandun na siya ngayon sa karinderya kasama si Lea." "Lea? Yung babaeng nililigawan po ni Jonard?" Tumango ito. I cursed. "Since tinanggihan niya ang trabahong inaalok ko sa kanya sa loob ng Hacienda pwes sisiguraduhin kong wala silang mapapasukan na ibang trabaho. Lahat ng tutulong sa kanila mananagot sa akin. Pasensya na po pero kabilang na kayo doon, Aling Pricilla." "Tinanggihan yung alok niyong trabaho? Inalok niyo sila ng trabaho, Señorito? Ba't ang sabi--" "Ofcourse! Ang aarte nila. Sa tingin niyo masama talaga akong tao na basta na lang silang palalayasin sa Hacienda?" "Pero sabi kasi--" "Well they're lying!" asik ko. "Mga walanghiya siniraan pa talaga ako." "Hindi ba't pinagtatanggal mo yung mga trabahador--" "Ok fine! Nagkamali ako! I'll admit it. It was my fault. Mainit lang yung ulo ko. Nadamay sila. Pasensya na." Alanganin itong ngumiti. "E Señorito diba dapat sa kanila ka mag-sorry hindi sa akin?" "I'm sorry dahil nasigawan kita tsaka mukhang takot na takot po kayo sa akin." "E... mukha ka kasing nakakatakot, Señorito tsaka subrang yaman niyo. Wala akong laban sa inyo kung palalayasin niyo ako doon--" "Hindi ko gagawin yun kung susundin mo ang utos ko." "A--Ano ho yun Señorito?" "Gawin mo ang lahat para sina Shienna na mismo ang magkukusang umalis doon sa karinderya mo." "Papano?" "I don't know! Basta gawin mo ang lahat para umalis sila." "Pero Señorito--" "Gagawin mo o ikaw mismo ang paaalisin ko doon?" Nakita ko siyang napalunok saka sunod-sunod na tumango. "G-Gagawin ko po. Basta 'wag mo lang akong--" "Tutuparin ko yung pangako ko sayo kapag nagawa mo yung pinapagawa ko sayo." agap ko. "Tsaka 'wag mo akong pag-iisipan ng masama. Gusto ko lang naman silang tulungan. Masyado lang maaarte. Nakakainis." Umaliwalas ang mukha nito saka ngumiti. "May. . . may gusto ho ba kayo kay Shienna, Señorito?" "Wala!" Lalong lumapad ang ngiti nito sa sinabi ko. "Iba yung nakikita ko sa mga mata mo sa tuwing binabanggit mo ang pangalan niya." "Wala nga! I just wanna help her. Naaawa lang ako sa Nanay niyang may kapansanan. That's all." "Ok. Sinabi mo e." "Basta yung usapan natin. Simulan mo na ngayong araw na mismo. Hindi lang kay Shienna kundi sa kanilang lahat. Akong bahala sayo. And one more thing; 'wag na 'wag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. Nagkakaintindihan po ba tayo?" "Sige. Makakaasa ka, Señorito. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa panginoon." SAKAY NG MOTOR bumalik ako sa mansyon. Dumeritso ako sa opisina ni Uncle. Naghalungkat ng mga papeles at dokumento doon. Until I stumbled to some important papers. "So they have a lots of debt to my Uncle ha, hmmm." Binasa ko iyon lahat saka muling naghalughog. Nabaliktad ko na yata ang buong opisina pero wala talaga yung hinahanap ko. I took my phone in my pocket. Kahit hating gabi na sa kanila tinawagan ko pa rin si Uncle. Nakadalawang tawag ako bago nito iyon sinagot. "Uncle--" "What the hell did you do, Miguel?!" napangiwi ako sabay layo ng cellphone sa aking tainga sa dumadagundong na boses ni Uncle sa kabilang linya. "Ba't mo tinanggal si Axel ha? Kaya mo bang pangalagaan ang mga hayop sa rancho?! Pati yung mga trabahador--" "Uncle relax." sabad ko. "Ako na pong bahala dito." "Umayos ka Miguel sinasabi ko sayo. Ilang araw ka pa lang diyan namumuro ka na." "Personal niyo po bang kakilala si Axel, Uncle?" pag-iiba ko sa usapan. "Bakit wala po siyang kahit anong dokumento dito? Kahit bio data or resume man lang, wala." Hindi ito umimik sa kabilang linya. Namayani ang katahimikan. Sumunod na narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Si Shienna ang nagrekomenda kay Axel sa akin." maya-maya wika nito. "He's dedicated and mapagkakatiwalaan siya Migz kaya hindi ko maintindihan ba't tinanggal mo siya ng ganun-ganun na lang." "Sigurado po ba kayo na mapagkakatiwalaan talaga ang lalaking yun?" "I trust Shienna and I loved her as my own daughter." "Super layo naman po ng sagot niyo, Uncle." "Threat ba sayo si Axel?" "Anong klaseng tanong--" "Kilala kita Migz and I'm warning you young man..." sabad nito. "...'wag na 'wag mong isasama sa collection mo si Shienna." "I like her." "Lahat naman ng babae gusto mo." "I really do like her, Uncle." "Magkaiba ang like sa love Miguel. Ibang babae na lang ang e like mo. 'Wag si Shienna." "O e di I love her kung ayaw mo ng like." "Miguel Dan Felix!" "E gusto ko nga po siya Uncle, bakit ba?" giit ko. "Nagseselos ako sa Axel na yun. Hindi ko alam kung bakit pero nagseselos talaga ako t'ngna." "Kung kaharap lang kita nasapak na kita." "Uncle naman..." "Ano?" "Can you please help me to convince Dad?" "Convince him for what?" "I want to help Shienna to finish his study. Lahat ng anak ng mga trabahador dito sa Hacienda. Nakita ko rin po yung utang ng pamilya niya. Sorry pero nakialam na po ako dito sa opisina niyo. Pwede po bang ako na lang magbabayad ng utang nila? Pagtatrabahuhan ko dito sa Hacienda." "At bakit mo naman gagawin yun?" "Can't you just agree with me? May eskwelahan naman si Uncle Win. Ang laki naman ng bahay natin sa Manila so... may tutuluyan sila doon." "Tinutukoy ko yung utang nila. Ba't gusto mong ikaw magbayad?" "Wala. Gusto ko lang." "Ginawa mo pa talaga ako tanga ha, Migz?" "Over think po kayo malala, Uncle." "Hindi ko kakausapin si Fernan--" "Wala po ba talaga kayong awa, Uncle?" agap ko. "Subrang hirap ng buhay nila. Yung Nanay ni Shienna may sakit. Tapos yung Tatay niya dekada ng nagtatrabaho sa tubuhan. Can't you think that maybe it's time for us to paid them back their loyalty to us?" "At kinonsensya mo pa talaga ako. Parang pinamumukha mo sa akin na napakaswapang kong amo at hindi ko man lang sila tinulungan sa nakalipas na dekadang sinasabi mo." Napakamot ako sa ulo sa sinabi nito. "Alam mo Uncle antok lang yan. Matulog na po kayo pero 'wag niyo pong kalilimutan sabihin kay Dad ha. Tsaka secret yun. Atin-atin lang. Kunwari wala akong idea. Wala akong alam, Uncle ha. Idea mo lahat. Ok. Goodnight." sabay baba ng tawag. "Damn desperate move... paano ko ba susuyuin ang babaeng yun?" Napaigtad ako ng tumunog ang cellphone ko. Unknown number calling... Hindi ko iyon sinagot. Hinayaan ko lang tumunog. Nilapag ko iyon sa mesa at muling naghalungkat. Baka makahanap pa akong papeles tungkol kay Shienna. Ngunit iba ang nahanap ko. Nagulat pa ako sa biglang bukas ng built-in drawer ng mahawakan ko iyon mismo sa loob na pader sa bookshelf kung saan ko tinanggal ang mga nakasalansan na libro about agriculture. Iba't ibang papeles na nakaipit sa Encyclopedia na libro. May kanya-kanyang picture ang bawat isa. Named; FERNANDO DEL CARPIO JOHN JHERWIN SANTIAGO KRISTOFFER ALTAMONTE RAYMOND ARAGON JAIME GONZALVO (DEAD) MARVERICK LEWIS (DEAD) CEDRIC ALEXANDER CALDERON RAFAEL SULLIVAN DOROTHY MARTIN (DEAD) JEFFERSON COOPER (DEPUTY DIRECTOR--DEAD) Binuklat ko ang papeles na may pangalan ni Dad. Nasundan ko ng tingin ang nahulog na mga papel sa lapag na 'di kasali sa naka-stapler na papeles na hawak ko. Kaagad ko iyon dinampot. AUSTIN GALLARDO KENNETH CERVANTES Pinagsama-sama ko ang mga papeles at maingat na isinilid sa isang brown envelop. Muli kong tiningnan at kinuha ang isa pang makapal na Encyclopedia na libro. Pagbuklat ko nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita kasabay ng walang palyang pag-alingaw-ngaw muli ng cellphone ko. Inabot ko iyon. Unknown number calling... Napailing ako sa kakulitan ng caller sabay pindot ng answer button at inilagay sa tainga. "What the f**k took you so long to answer my call?!" napangiwi ako sa nangangalaiting boses ni Lexie. "Seriously?" "Damn you--Felix! Hindi mo man lang ako sinundan! Hinayaan mo talaga akong umalis! I hate you! Naka--" "Hey, don't act as if you're my girlfriend, Lexie," inis na sabad ko. "And I thought you don't want to see me ever again? Ba't may patawag-tawag ka pang nalalaman ngayon? Amnesia girl ka ba?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD