Damn Heart 4

3538 Words
MIGUEL Lumuwas ako ng Manila. Inasikaso ang mga kakailanganin sa construction site. Binuhos ko ang buong araw ko sa trabaho. Then when night comes, I went to Polaroid Club. Kinaumagahan bumalik din ako sa Isla. Nilingon ko ang pinto ng library ng may kumatok doon. "Come in." Dinampot ko ang baso ng alak saka sumimsim doon. Bumukas ang pinto. Seryosong mukha ni Axel ang iniluwa niyon. "Good morning. Pinapatawag mo daw--" "Maupo ka," agap ko sa kanya. Tinuro ko ang upuan sa harap ng mesa ko pero nanatili itong nakatayo sa labas ng pintuan. Nakipagsukatan pa sa akin ng matalim na tingin. My face darkened. Humigpit ang hawak ko sa baso. "Maupo ka Axel." ulit ko. "Kung si Shienna ang sadya mo wala tayong dapat pag-usapan, Señorito Miguel." Umalon ang galit sa loob ng dibdib ko sa sinabi niya. Tinuro ko ang sobre sa ibabaw ng mesa ko. "Yang 'yong sahod mo ngayong buwan. Pinasubrahan ko na para may panggastos ka sa paghahanap mo ng bagong trabaho." tiim bagang na tinuro ko ang pinto. "Now GO. Ayoko ng makita pa 'yang pagmumukha mo dito sa loob ng Hacienda kahit kailan." Mapakla itong tumawa, humakbang papasok saka sinarado ang pinto. Sumandal sa likod niyon. Chill na chill na pinamulsa pa ang dalawang kamay. "Mind if I ask why did you fired me, Sir?" "You're not welcome here." "Am I? Sa pagkakatanda ko malinis at pulido ang lahat ng trabaho ko. Limang taon na akong beterinaryo dito sa Rancho tapos tatanggalin mo ako ng ganun-ganun na lang ng walang dahilan, Sir? Alam ba 'to ni Sir Conrad?" "I don't care kung ilang taon ka ng naninilbihan dito. Triniple ko na ang bayad sayo at ako na ang bagong boss dito kaya hindi ko kailangan ng approval ni Uncle kung sino ang tatanggalin ko." "Wow," he scoffed. "Aren't you being unfair? Pinipersonal mo ang--" "Why don't you just leave?" angil ko sa kanya. "Hindi kita pinipersonal at karapatan kong piliin kung sino ang gusto kong magtrabaho sa akin." "That's against the law, Sir. Pwede kitang ireklamo sa--" "Kahit kasuhan mo pa ako wala akong paki. Samahan pa kita kung gusto mo." Pailalim niya akong tinitigan ng matagal. Assessing every part of me. Pagkatapos amuse na nginisian ako. "Did you like her?" "Kung oo may angal ka?" "Kahit alam mong may nobyo na siya?" "She doesn't deserve you." He chuckle while mocking me. "Sino ka sa tingin mo para sabihan akong hindi ako deserve ni Shienna? At sino sa tingin mo ang deserve niya, ikaw?" "Isn't she deserve the best?" "You mean. . . you're the best man at mas nakahihigit ka kaysa sa akin na isang hamak na beterinaryo lamang, ganun ba Sir?" "If that's how you picture what I said, Yes." "How conceited. Minus points sa ideal man ni Shienna." "What makes you think na ikaw na nga ang ideal man niya?" "I'm her boyfriend. In fact nagmamahalan kaming dalawa at sinisira mo ngayon gamit ang kapangyarihan ng apelyido mo." "Kung mahal niyo ang isa't isa hindi masisira ang relasyon ninyong dalawa kahit palayasin pa kita dito. Pwede pa rin naman kayong magmahalan out of here. . . out in my sight. Wala akong pakialam sa inyong dalawa as long as na lumayas ka dito sa teritoryo ko." "How cruel. Hindi ko akalain na may ganung anak ang mag-asawang Del Carpio." "Ano namang alam mo sa pamilya ko?" "Everything." binalingan niya ang pinto saka binuksan iyon. "Pati ang rason kung bakit napauwi kayo bigla dito sa Pilipinas." nilingon niya ang sobre sa mesa. "I don't need your money. I had a lots of that. Excuse me." Natitigilan na napasunod na lamang ang tingin ko sa kanyang nilabasan. Inulit-ulit sa aking utak ang sinabi niya. Nang mag-sink in, nagmamadali ang mga kamay na tinawagan ko si Kuya pero hindi ito sumasagot. Damn! I dialed James number too. Isang ring lang kaagad itong sumagot. "Bro, magkita tayo--" "'Wag ngayon." sabad niya. "Busy ako." "Busy saan? Kasama mo ba si Kuya?" "Nope. Magkasama sila ni Keith." "Damn--" "What's the fuss?" "N-Nothing." "Haaays malamang babae na naman." "Wala nga. Sige na, bye." Malalaking hakbang na lumabas ako ng library. Tinungo ko ang opisina. Nagmamadali ang mga kilos na hinalughog ko ang mga files sa drawer, sa kabinet, sa ibabaw ng mesa pero wala akong mahanap kahit isang dokumento tungkol sa Axel na 'yon. "Imposible," anas ko. "Mabusisi si Uncle pagdating sa mga tauhan. At hindi tatagal ang Axel na 'yon ng limang taon sa rancho kung hindi siya lubusang kilala ni Uncle. But why the f*ck he doesn't have any files here? Sino ba siya?" Frustrated na nilapitan ko ang bintana para sumagap ng hangin. Hinawi ko ang kurtina saka binuksan iyon para lang magulat sa nabungaran kong nakakapang-init ng ulo na eksena sa lilim ng malaking puno sa ibaba. Nagtatawanan sina Shienna at Axel na para bang walang paki na tinanggal ko ang hinayupak na 'yon sa trabaho. Ang sumunod na eksena ang 'di ko kinaya. Hinalikan nito sa pisngi si Shienna saka mahigpit na niyakap. Nag-angat ng tingin sa akin saka nginisian ako. I was taken aback at what he did. Wait--did he just evily smirked at me? Napakurap-kurap ako ng makita kong wala na ang mga ito doon. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Where did they go? Dumungaw ako sa bintana. Natanaw ko ang mga bwesit, magkahawak kamay pa na naglalakad, iwan kung saan patungo--oh damn it! Lumabas ako ng opisina. Malalaking hakbang na pumunta sa kabila, tinungo ang kwadra. Binati ako ng mga nakasalubong kong trabahador, pati ng mga kadalagahan na nagkumpulan pagkakita sa akin pero ni isa wala akong pinansin. Tinapunan ko ng masamang tingin 'yong dalagita na bukod tanging salubong ang mga kilay habang nakatanaw sa akin. I guess papunta sila ng tubuhan. Inilabas ko si Blackwind. Kaagad iyon sinakyan saka pinatakbo sa malawak na lupain. Dumeritso ako sa mataas na burol. Pinahinto ko ang kabayo ng matanaw ko ang dalawa sa ibaba. Natutunaw ang puso ko sa klase ng tunog ng tawa ni Shienna kanina pero kumikirot din iyon ng isipin kong kaya siyang patawanin ni Axel ng ganun. Pero ako. . . F*ck--bakit ako naaapektuhan ng ganito ng babaeng 'yon? Sino ba siya sa akala niya para pag-aksayahan ko ng oras? Wala siya sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Hinatak ko ang renda ng kabayo saka pinatakbo pabalik. Sinuyod ko ang masukal na kagubatan. Nilalagyan ko ng marka ang bawat dinaanan kong puno. Kung sakali man maligaw ako, makukuha ko din ang daan palabas. Na-curious ako sa bukal na natanaw ko mula sa itaas. Habang palayo ako ng palayo sa liwasan, palakas ng palakas naman ang naririnig kong lagaslas ng tubig na para bang. . . Napanganga ako sa tumambad sa akin. Isang talon! Napakagandang talon na napapaligiran ng iba't ibang kulay ng bulaklak ng orchids at ligaw na halaman. Maraming iba't ibang ibon na nagsisiawitan sa ibabaw ng puno at lupa sa ibaba. Manghang bumaba ako ng kabayo. Itinali ko sa puno. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Nagulat pa ako sa kamalig na natanaw ko sa kanan 'di kalayuan sa akin. "Who would have tought na merong ganito sa masukal na kagubatan na 'to?" Nilapitan ko iyon. Tinulak pabukas ang pinto. Lalo akong namangha sa bumungad sa akin sa loob niyon. Nilakihan ko ang bukas ng pinto saka humakbang papasok sa loob. Isang mahabang upuan na yari sa kawayan na nakalagay sa kaliwang gilid. Sa kanan may kwarto na 'di kalakihan, walang pinto at pang-isahan na makapal na kutson. Sa dulo tila kusina. May maliit na mesa at dalawang upuan sa magkabilaan na yari din sa kawayan. May mga gamit din panluto, kompleto sa gamit. Binuksan ko ang 'di kalakihan na banga, puno iyon ng tubig. May mga de lata at cup noodles pang maayos na natabi sa gilid ng lababo na yari din sa kawayan. "Sino kayang tumutuloy dito?" Lumabas ako ng kubo. Humakbang pababa habang nakatanaw sa talon na umaagos ang tubig niyon patungo sa ilog. Kumuha ako ng maliit na bato saka marahan na ibinato sa napakalinaw na tubig. "What a paradise," nakangiting bulalas ko. "A sanctuary indeed!" Hinubad ko ang lahat ng kasuutan at walang alinlangang nag-dive sa tubig. The water was so cold! Nagpabalik-balik ako ng langoy sa magkabilaan na dulo. I felt refreshed. Siniyasat ko ang talon. Lalo akong namangha sa aking nakita. Bumalik ako sa kwadra saka dumeritso sa construction site. Natanaw ko pa sa karinderya ni Aling Pricilla ang dalawa nang papasok na ako sa loob, masayang kumakain. Damn! "Bossing. . kanina ka pa hinahanap ni Engineer," salubong sa akin ni Arlo pero 'yong mga mata ko nakapako lang sa dalawa. "May kasamang--" "Oh there you are!" sabad ng maarteng boses ng babae. Marahas akong napabaling sa loob. Sunod-sunod akong napamura sa isip ng makita ko si Lexie kasunod si Engineer Jethro Valerio. Wearing above the knee length miniskirt and fitted long sleeve na halos lumuwa na ang hinaharap. She's one of the girl I've meet in the club in Manila. Hindi ko alam na anak pala siya ng isa sa board of directors ng DCC Corp. And the worst thing I found out about her strike my head that almost made me lost my conciousness. "Mas maganda pa rin si Miss Ramos, Boss," bulong ni Arlo. "Kaso naunahan ka na ni Axel. Balita ko hinihintay na lang no'n maka-graduate si Miss Ramos para magpropose ng kasal. Sayang boto pa naman sana kami sa kanya para sayo." sabay layas. Tila granadang sumabog sa aking tainga ang sinabi nito. Kaagad kong nilingon ang dalawa sa karendirya. Napapitlag ang puso ko ng magtama ang paningin namin ni Shienna. Palabas sila ng karendirya, nakahawak sa siko niya si Axel at nakangising nakatanaw din sa akin. "I miss you so much darling!" napabaling ako sa harapan ko ng pumulupot ang braso ni Lexie sa aking leeg saka marubdob akong siniil ng halik. "Galing kami ng mansyon but you're not there. Saan ka ba pumunta? Tsaka hindi mo sinabi sa akin na anak ka pala ng may-ari ng Hacienda Ismeralda at DCC Corp sweetheart." Muli kong nilingon si Shienna pero likod na lamang ng mga ito ang natanaw ko. Inis na pinagkakalas ko ang braso ni Lexie. "How did you come here--I mean--" "Kasama ko siya," sabad ni Jeth. "Pumunta siya sa opisina, asking about you. I thought," he shrugged his shoulder. "Why am I not welcome here, Felix?" "No, it's not that--I mean," pailalim kong tiningnan ng masama si Jeth saka muling nginitian si Lexie at ikinawit ang braso sa bewang nito. "I told you I'm busy--" "Its fine. I'm here now." agap niya saka muli akong hinalikan. "Hihintayin kita sa mansyon then you'll tour me around later, Ok?" Biglang nag-panic ang utak ko. "NO. I have no time. Full ang schedule ko. . . ngayong maghapon Lex--yes that's it. Pero may importante akong pupuntahan na events sa La-Shangri Royale mamayang gabi. Will fetch you up there in your pad later, around seven, ok?" "Kararating ko lang tapos pinapaalis mo na ako kaagad? Pwede namang sabay na lang--" "Hindi pwede--I mean walang mag-aasikaso sayo sa Hacienda. Pupunta ako sa bayan Lex. Tapos deritso na ako ng Manila no'n." Nakasimangot na lumayo siya sa akin. "You ghosted me for couple of days. And who's that Sabrina and Nicole anyway? Nagpang-abot kami ng mga babae mo sa labas ng opisina mo. Claiming that they're your girlfriend too! Akala ko ba ako lang Felix? Bakit kung sino-sino na ang--" "Enough with your tantrums, Lexie." agap ko sa kanya. The more na nagsasalita siya, the more nadadagdagan ang kasinungalingan at problema ko--shet! "I told you I'm a busy man. And FYI wala akong girlfriend." "W-What?" I took my phone then dialed Mateo's number. Kaagad itong sumagot. "Pumunta ka dito sa Hacienda. Ngayon na--I said NOW. Hindi mamaya, hindi bukas kundi NGAYON NA. Bilisan mo--Shet ka. Ba't 'di mo kaagad sinabi?" pinatay ko ang tawag saka nakangiting binalingan ito. "C'mon, pupunta tayo sa Hacienda." Kaagad nagliwanag ang mukha nito. I mentally cursed. Binalingan ko si Jeth na amused na amused na nakamasid saamin. "Come with us too. Will talk some important matters in my office." nagbabantang tonong wika ko sa kanya na kaagad naman nito nakuha. Tiningnan nito ang suot na relo. "We're getting late, Boss. Around ten ang dating nila--" "Tell Arlo and Don to meet them. Susunod na lang tayo sa bayan." Muli kong hinarap si Lexie na nagpapalipat-lipat ang tingin saamin. Nahagip ko pa ang pinaghalong inis at galit sa kanyang mukha pero saglit lang, kaagad iyon napalitan ng matamis na ngiti. Nakakuno't noong inakbayan ko siya saka hinatak palabas ng site. Malayo pa lang tanaw ko na sina Shienna at Axel sa labas ng tarangkahan. Tiningnan ko ang bahay nila. Napakuno't noo ako sa nakangiting Ginang na nakita kong nakatayo doon. Bumaba ang aking mga mata sa saklay na hawak nito. Tumagal ang tingin ko doon. Then I evily smirked. Umiwas ako ng tingin ng malingunan ako ni Shienna. Pretending as if I didn't see her. Dumaan kami sa shortcut na daan papasok sa Hacienda. Tinuro iyon sa akin ni Arlo noong nakaraan. Anak si Arlo ng isa sa trabahador sa tubuhan at pinagkakatiwalaan ni Uncle sa site. I kinda like him too. Mukhang marami itong alam tungkol sa dalawa. Nang isipin iyon bigla ako hinalinhan ng tuwa. Napabilis tuloy ang paghakbang ko. Hindi ko alintana ang paghabol ng lakad sa akin si Lexie habang walang humpay itong nagkukwento ng nangyari sa buhay niya noong mga nakalipas na araw na para bang interesado akong malaman. "Nana Rosa..." tawag ko sa mayordoma namin na busy sa kusina. "Oh iho, may haliparot na--" natigilan ito pagkakita sa dalawang kasama ko sabay seryoso ng mukha habang nakatingin kay Lexie. "...na baboy akong kinalderetang ulam ngayon. Sana magustuhan niyo." tinuro niya ang upuan. "Maupo na kayo." nagmamadaling inayos nito ang mga pagkain sa mesa. Sabay naming hinatak ni Jeth ang magkatabing upuan. Nagulat pa ako ng hatakin ni Lexie ang mismong sa kabiserang upuan at doon naupo. Nagkatinginan kaming tatlo sa ginawa nito. Hindi ako nagsalita. Tahimik akong naupo, nilagyan ng pagkain ang plato ko. But Nana keep staring Lexie with her dagger eyes. "Ah, mawalang galang na ineng e ang upuan na 'yan ay para lamang sa haligi ng mansyon na 'to." Bahaw na tumawa si Lexie na may kasama pang kumpay ng kamay. "We're in a new generation, Manang. Wala na tayo sa panahon ninyong sandamakmak na pamahiin na walang katuturan--" "Lexie," "Oh c'mon Felix, its just a chair!" matiim ko siyang tinitigan ng nagbabanta kong tingin. "My gosh, I can't believe it!" Nagdadabog na tumayo ito saka lumapit sa akin. Ang sumunod na ginawa nito ang 'di ko inaasahan. Malakas na napasinghap si Nana ng umupo sa kandungan ko si Lexie. Sunod-sunod namang napaubo si Jethro sabay dampot ng isang basong tubig. Saglit akong natigilan sabay tayo kasama si Lexie. Malakas itong napahagalpak ng tawa sa naging reaksyon naming tatlo. "What a dramatic reaction! Tinalo niyo pa ang mga virgin na nahipuan!" naupo ito sa upuan ko, dinampot ang kutsara sa plato ko saka nakangiti kaming tiningnan isa-isa. "Lets eat," anito sabay sandok ng pagkain mismo sa platong ginamit ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ako ni Nana. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako bumulagta sa talim ng tingin na pinupukol niya sa akin. I sighed. Umikot ako sa kabila ng mesa palapit sa kanya. "I'm sorry po, Nana." bulong ko sa kanyang tainga sabay hatak sa upuan doon. Inabot ko ang isa pang plato, tahimik na sinandukan iyon ng pagkain. "Kumain na po pala kayo, Nana?" "Hindi pa. Nawalan na ako ng gana. Siya nga pala tumawag ang Uncle Conrad mo. Galit na galit. Hinahanap ka pati si Shienna." Natigilan ako sa pagsubo saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Bakit daw po?" "Imposibleng hindi mo alam?" nakataas ang kilay na balik tanong nito. I chuckled. "Ang bilis naman makarating sa kanya ng balita, Nana." "Umayos ka Miguel. Kanina may sumulpot din dito na malabagyo ang dating. Akala mo kung sinong reyna. Kung ano-ano ang sinabi saamin nina Lea. Makakarating ang lahat ng 'to kina Fernan." sabay hakbang palabas ng kusina. "Teka naman po, Nana--" "Alam mong ayoko sa lahat 'yong walang delikadesa." agap nito saka muli kaming nilingon. "Tawagan mo kaagad si Conrad. Yun ang bilin niya." "I don't like that old granny," wika ni Lexie pagkatalikod ni Nana Rosa. "Masyado siyang perfectionist. I hate the way she looked at me na para bang ako na ang pinaka-cheap na babae dito sa balat ng lupa na nakita niya sa tanang buhay niya." "Seems like the feeling is mutual my dear. Ayaw din sayo ni Nana. And take note; SIYA ang Reyna sa loob at labas ng mansyon na 'to Lexie. Sa inasal na pinakita mo sa kanya hundred percent sure na hindi ka na makakatapak pang muli sa loob ng Hacienda pagkalabas mo dito." Bigla itong namutla sa sinabi ko. Inabot ang baso ng tubig saka pinangalahati ang laman niyon. Pagak itong tumawa. "A-Anong inasal ko?" tinuro niya ang upuan. "Ganun ka-big deal ng pag-upo ko sa kabisera? Gosh, Felix, seriously?" Tumayo ako. "If you're done sumunod na lang kayo sa labas." nilingon ko si Jeth. "Tatawagan ko lang muna si Uncle--" "Uuwi na ako." wika ni Lexie sabay martsa palabas ng kusina. Nginisian ako ni Jeth. "Problem solve." Tinungo namin ang rooftop. Nakangising Mateo ang naabutan namin doon. Nakatayo sa tabi ng chopper. "Why too early Miss Lex? I thought you're gonna stay here for a week?" "I'm not in a mood Mateo so shut the f*ck up your mouth," pumasok ito sa loob ng chopper saka madilim ang mukhang nilingon ako. "I never expected the kind of hospitality this Hacienda has. Well I'm very pleased, Felix. Or is it Migz? Walang nakakakilala sayo sa pangalan na binigay mo sa akin." patuya itong tumawa. "Don't you dare show your face to me ever again. Lets go, Mateo." "Right away, Madam." Umandar ang chopper. Niyaya ko kaagad si Jeth pababa. "Sorry, dude." "Its fine. Hindi mo naman alam. Tsaka sa susunod alam mo na ang gagawin sa mga naghahanap sa akin." "Right. Anyway, I saw Jonard--" I chuckled. "Pretend as if you don't know him. May kinahuhumalingan din 'yon na dalagang anak ng trabahador doon sa tubuhan." "I guess pati ikaw. Iba 'yong titig mo doon sa magandang dilag na may kausap na lalaki sa labas ng tarangkahan ng bahay na dinaanan natin kanina." "He's our vet. And that girl, caregiver siya ni Tita Felly." "Oh, that's why they looks familiar." "Kilala mo ba sila?" "Sa mukha yes but not personally." "I had a weird feelings with that vet. Hindi ko matukoy kung ano. Personal ba siyang kakilala ni Uncle?" "I don't know. Bibihira lang ako pumunta dito sa loob ng Hacienda. Not unless emergency or para mangabayo at ikutin ang malawak na lupain niyo." "Bumalik ka na doon sa kusina. I know nawalan ka din ng gana kumain dahil kay Lexie. Susunod ako. Tatawagan ko lang muna si Uncle." "Ok." Dumeritso ako sa hardin. I took my phone then make an overseas call to my Uncle. Nakadalawang ring na ng marealized ko na midnight na pala doon. Akma ko iyon papatayin ng matigilan ako sa nangangalaiting boses ng babae. Humakbang ako palabas ng hardin. There; I saw a familiar girl shouting, cursing my name. Kunot-noong tinanaw ko ito habang pigil-pigil ng grupo ng mga kababaihan. Yung ibang mga tauhan humarang dito. "Paraanin niyo ako, ano ba?!" singhal nito. "Ilabas niyo ang hambog na 'yon! Mister Miguel Dan Felix Del Carpio! Lumabas ka diyan sa lungga mo! Bwesit ka!" "'Wag kayong gumawa ng gulo dito, Ma'am--" "What's going on here?" Natigilan sila. Lahat napatutok sa akin ang mga mata. "E Boss, ano kasi--" "Let go of her," agap ko saka tiningnan ang dalagita na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "How may I help you, Miss? I heard you keep cursing my name, may nagawa ba--" "Wala kang kwentang amo!" sigaw niya. "Napakasama mo! Dekada ng naninilbihan sa inyo ang mga trabahador dito sa Hacienda tapos para kang bagyo na bigla na lang sumulpot sa kung saang lupalop nanggaling at walang awang pinagtatanggal sila! You're a cruel chauvinistic pig!" "Hey! Watch out your mouth young lady. Hindi mo yata alam na anak ako ng may-ari ng lupang tinatapakan mo para sigaw-sigawan ako ng ganyan." "Anak ka lang! Mga magulang namin ang nagpakahirap dito para pagyamanin ang lupain ninyo!" "FYI kami ang nagpapasahod sa inyo. So don't accused me as if utang na loob namin iyon sa inyo. At wala kang karapatan kwestyunin ang ginawa ko." tinuro ko ang daan. "Now leave kung ayaw mong ako mismo ang hahagis sayo sa liwasan." "Ikaw ang lumayas dito! Walang puwang ang lugar na 'to sa mga taong kagaya mong mas masahol pa sa hayop ang kawalang puso! Kung gaano kapangit ng ugali mo ganun din ang pagmumukha mo!" "Sure I'm gonna throttle your damn neck if you didn't lower your f*cking voice!" "What is this fuss all about, Migz?" boses ni Kuya sa aking likuran. "Pati ba naman bata pinapatulan mo na ngayon?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD