SHIENNA
Sunod-sunod na pumatak ang luha sa aking mga mata ng umangat na ang chopper sakay sina Tita Felly at Sir Conrad. I saw her smiled and waved at the window. Ngumiti din ako at kumaway pabalik sa kanya.
"You seems like you're too close to my Tita." narinig kong boses ni Miguel sa likuran ko pero 'di ko siya pinansin.
Nanatiling nakatanaw lang ang aking mga mata sa papalayong chopper. Hanggang sa mawala na ito sa aking paningin nakatanaw pa rin ako sa dinaanan nila.
Napapitlag ako ng may mabigat na brasong pumatong sa mga balikat ko. Nalipat doon ang tingin ko sabay baling sa kanya ng hatakin pa ako lalo palapit sa kanyang katawan. He was looking up in the sky with a smile on his damn lips. Malakas kong siniko ang kanyang tiyan.
"Awww--!" nakangiwing napahawak ang kamay niya sa kanyang tiyan. "Bakit ba?"
"Aba't nagtanong ka pa talaga?!" gigil na asik ko sa kanya.
He chuckled. "Bakit first time mo lang bang maakbayan? Grabe ha, akbay lang 'yon pero nagkakaganyan ka na. How much more if my face is in between your legs? Baka mahimatay ka."
How much more if his face in between my.. ulit ko pa sa aking utak.
Hindi makapaniwalang umawang ang aking mga labi sa sinabi niya. Anong klaseng halimaw ba 'tong kaharap ko? Pamangkin ba talaga 'to ni Tita Felly? Ibang-iba naman yata sa ugali ng mag-asawang 'yon.
Tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin saka umiiling na tinalikuran siya. Malalaking hakbang na tinungo ko ang pintuan pababa ng rooftop pero kaagad din akong napahinto sabay atras ng humarang siya sa daraanan ko.
He was grinning ear to ear at me. Napalunok ako sa kakaibang kislap na nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Nagmamadali ka naman yata. Saan ba punta mo?"
"Uuwi na sa amin." inis na sabi ko sa kanya.
Dumaan ako sa gilid niya pero paatras siyang humarang ulit sa daraanan ko. Lumiko ako sa kabila pero sumunod din siya doon. Sa itsura naming dalawa tila kami nagpapatintero na.
Nanggigigil sa inis na huminto ako saka pimamewangan siya. Pero ang lintik parang nang-aasar na nginitian pa ako ng ubod tamis.
"Lalayas ka sa harapan ko or ihuhulog kita diyan sa baba?"
"Bakit kaya mo ba akong buhatin?" hindi ako nakaimik sa tanong niya. "Ikaw, kaya kitang dalhin sa langit." then he grinned.
Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. Kumuyom ang aking mga kamao.
"Dahil ba sa nakita ko kayo ng babae mo kagabi sa kusina kaya binabastos mo ako ng ganito ha, Señorito Miguel?"
"No, ofcourse not." mabilis na tanggi niya. "I mean... I just wanna make sure if there is really something going on between you and that guy named Axel. And I guess. . none."
"What the hell do you mean by that?"
He shrugged his shoulder. "I mean you look sooo innocent in my eyes. Kaya imposible. But.. mind if I ask kung nag-s*x na ba kayo ni Axel?"
Pakiramdam ko sumabog ang utak ko sa deritsahan niyang tanong sa akin. Uminit ang mukha ko.. lumagablab ang buong katawan sa nagbabagang salita na binato niya sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong niya kaya ng tumama iyon sa aking tainga tila ba sinturon ni hudas na sunod-sunod na pumutok at nagpabingi sa akin.
"How dare you--" sigaw ko sa kanya.
Tinanggal ko ang suot kong tsinelas na wedge. Buong lakas ko iyon ibinato sa kanya pero nasalo niya iyon.
"Hey--Shienna,"
Kinuha ko din ang isa sa kabila kong paa saka ibinato sa kanya. Pareho niya iyon nasalo. Tumataas baba ang dibdib sa subrang galit na nilampasan ko siya. Pero hinabol niya ako.
"Shienna sorry--"
Malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang mukha pagbaling ko sa kanya. Sa subrang lakas halos tumabingi ang kanyang mukha. Bumakat ang kamay ko sa makinis niyang pisngi.
"Wala kang karapatan na bastusin ako ng ganito, Señorito Miguel."
"I know and I'm sorry."
"Sorry? Are you really sorry?"
"No, I mean--"
"Walang hiya ka!" kaliwa't kanan ko na siyang pinagsasapak. Todo naman siya sangga. "Bastos ka talagang bwesit ka!"
"Hey--ano ba, teka lang!" binitawan niya ang dalawang wedge ko saka mahigpit na pinigilan ang nananapok kong mga kamay. "Listen to me first, ok."
"Ba't ako makikinig sayo e puro naman kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig mo! Bwesit ka!"
Nagpumiglas ako sa malaking kamay niyang mahigpit na nakahawak sa mga palapulsuhan ko pero lalo lamang iyon humigpit. Sinubukan kong sipain siya pero lahat niya naman nailagan ang bawat atake ko.
"F*ck--makinig ka nga muna sa akin, please?"
"NO! Pakawalan mo ako!"
"Kapag hindi ka tumigil hahalikan talaga kita!"
As of cue, I stopped. Binitawan niya naman ang palapulsuhan ko. I looked for my wedge slippers then put it back in my foot. Narinig kong marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga.
"Shienna--"
"Shut up!"
"Pwede bang makinig ka muna sa akin?" singhal din niya. "Ang taray-taray mo, nakakainis."
"Aba't.. pagkatapos ng mga ginawa mo ikaw pa talaga may ganang mainis sa akin? Siraulo ka ba?"
"Sino ba 'yong Axel na sinasabi ni Uncle?" pag-iiba niya ng usapan.
"Ba't ka nagtatanong? Pakialam mo ba sa love life ko?"
"So he's your boyfriend huh?"
"Kung oo, ano naman sayo?"
"Break up with your boyfriend then."
"Sino ka para utusan ako na hiwalayan ang boyfriend ko?"
"I'm gonna be your future husband, so, break up with him."
"What? Are you drugs?" nakatawang tanong ko sa kanya.
Hanggang sa 'yong tawa ko nauwi sa malakas na halakhak. Halos umalog ang mga balikat ko sa lakas ng tawa ko sa kanya. Napahawak pa ako sa aking tiyan. Kaluka siya. Lakas ng amats ng unggoy na 'to. Akalain mo 'yon? Future husband ko daw siya? Ahahaha.
"Anong nakakatawa?" nagtataka pang tanong niya sa akin.
"Ikaw," nakatawang turo ko pa sa kanya. "Hindi ko akalain na ang lakas pala ng sense of humor mo."
Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"I'm serious."
"Well, seryoso din naman ako, Señorito--"
"It's Migz or Miguel," sabad niya.
"Whatever Mister Triple M... Migz, Miguel and Monkey!" then I laughed again.
Out of the blue I felt conscious when I notice the way he stared at me while laughing at him. Nakatikom ang kanyang bibig pero it looks like he's smiling without showing his teeth. Amuse na amuse na nakatitig sa akin ang nagniningning niyang mga mata.
Unti-unti naman akong napahinto sa pagtawa.
"I like you, Shienna." his baritone voice brought tingling wave in my ears. "I loved the way you laughed. It eased the cobweb in my bewilder mind."
"Ehh?"
I was shocked. Or siguro hindi sapat iyon na deskripsyon na subrang gulat na bumaha sa aking mukha.
He genuinely smile at me. Lalo akong nagulat do'n. Umayos siya ng tayo saka pinamulsa ang dalawang kamay. Nakatitig pa rin sa akin.
"You said a while ago to my Uncle that you don't want to take a day off. So, bukas pwede ka ng mag-start ng bagong trabaho mo dito sa loob ng Mansyon."
"Bagong trabaho ko dito sa loob ng Mansyon?" ulit ko sa sinabi niya.
He nodded. "Yes."
"Wala naman akong nakikitang trabaho dito sa loob ng Mansyon. Kung sa opisina ang mini-mean mo ayoko. Mas gugustuhin ko pa magtrabaho sa tubuhan or doon sa sa rancho--"
"So you can get closer to that Axel, huh?"
"Partly, yes."
"NO."
"No?"
"You're not allowed to work there. Dito ka lang sa loob ng Mansyon magtatrabaho. Kung ayaw mo, then go. Hindi ka pwedeng magtrabaho saan man dito sa loob ng Hacienda aside from here.. inside this huge mansion."
"That's unfair. Kinausap na ako nina Tita--"
"Well FYI I'm your new Boss now, not them."
Pailalim ko siyang tiningnan. "Ano naman ang trabaho ko dito sa loob ng Mansyon aber?"
"Actually, marami but ofcourse will double your salary para 'di ka naman malugi. Mabait naman akong Boss you know. 'Yan ay kung... susunod ka sa gusto ko."
"Really?"
"Uh-huh,"
"At anong klaseng trabaho naman?"
"Just like what you are now."
"Caregiver?"
"Yeah."
"Sinong aalagaan ko?"
"Me."
"Ikaw?!" bulalas ko.
"Yes, why not?"
"Bakit may sakit ka ba?"
"Meron,"
Humakbang siya palapit sa akin. Napako naman ako sa aking kinatatayuan. Nagkatinginan kaming dalawa ng maramdaman ko ang muling pagdaloy ng kuryente sa aking braso ng hawakan niya ang kamay ko. Dinala niya iyon sa tapat ng kanyang dibdib. Lumipat ang nanlalaki kong mga mata sa nagtaas baba niyang adams apple. That looks.... sexy. Shet!
"Dito, Shienna." he whispered.
Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. Ngunit napaso ako sa uri ng titig niya sa akin kaya iniwas ko iyon kaagad. Ang kaso sa mga labi niya naman bumagsak ang paningin ko. I gulped while staring at his pinkish lips without blinking my wide eyes.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatulala sa kanya. Nahimasmasan lang ako ng galawin niya ang kamay ko sa nasa ibabaw ng kanyang dibdib kasabay ng pagtaas ng gilid ng kanyang labi.
Naiinis na naipilig ko naman ang aking ulo. Damn.. nakakahiya!
"Ma-May sakit ka din ba sa.. sa p-puso?" kandautal ko pang tanong sa kanya.
He nodded. "Actually.. kagabi ko lang 'to naramdaman e."
"Ha?"
"Nagpalpitate 'yong puso ko no'ng makita kita kagabi sa labas ng kusina."
"Sakit na ang tawag mo do'n?" agad kong binawi ang kamay kong hawak niya. "Nababaliw ka na ba or sadyang baliw ka na talaga noon pa?"
"Maybe yes, I don't know."
"Well Mister Miguel Dan Felix Del Carpio, hindi po caregiver ang kailangan mo kundi Psychiatrist." inis na wika ko sa kanya.
He looked offended at what I said but I.. don't.. care. Dumilim ang kanyang mukha. Umigting ang panga. Doon na ako sinalakay ng nerbiyos.
He was a big man. Kahit four inches na ang taas ng suot kong wedge slippers nagmukha pa rin akong dwende sa taas niya. He got broad shoulder, toned muscles all over his sexy body. Para siyang modelo sa magazine. Naka-maong shorts at black t-shirt lang siya pero... he's still look so good. Subrang gwapo sa aking paningin!
Lumiwanag ang kanyang mukha ng makita niyang pinapasadahan ko siya ng tingin.
Inirapan ko siya para pagtakpan ang pagkapahiya.
"Hmmp. Diyan ka na nga." sabay layas.
"Wait--Shiennaaa!"
"Iwan! Ayoko!"
"You'll regret this if you turn down my offer!"
"Bahala ka sa buhay mo! Pa rehab ka do'n sa Mandaluyong!"
Kumaripas na ako ng takbo palabas ng marinig ko ang mga yabag niya na sumunod sa akin. Dumeritso ako sa kabilang Hacienda.
"Shiennaaa!" patiling sigaw sa akin ni Lea.
I rolled my eyes when I saw her wide playful smile. Nakatayo siya sa lilim ng malaking puno. Tinungo ko ang kinaroroonan niya.
"Umalis na ba sina Sir Conrad?" tanong niya pagkalapit ko sa kanya.
"As if 'di mo nakita 'yong chopper?" balik tanong ko.
Nakatawang sinundot niya ang tagiliran ko. Napaigtad naman ako sabay layo sa kanya.
"Bakit ba?" pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
"Ayiii... aminin mo, nag-moment pa kayo ni Señorito Miguel kaya natagalan ka?"
"Ano?!" hysterical kong tanong sa kanya na ikinatawa niya lalo. "Ikaw," dinuro ko siya. "Kapag 'to nakarating kay Axel naku.. malalagot talaga kayong tatlo sa akin."
Umasim ang kanyang mukha pagkabanggit ko sa pangalan nito. I mentally grinned.
Iningusan niya ako. "Kung ako papipiliin mas gusto ko si Señorito Miguel kaysa--"
"O, e, 'di sayo na lang. Tutal ayaw mo naman kay Jonard."
Lalong umasim ang kanyang mukha. Daig niya pa ang nakahigop ng isang tasang suka. Pati kamay at paa niya kasama sa pag-cringe. Malakas akong napahagalpak ng tawa sa itsura niya sabay tulak sa kanya.
"Baliw ka talaga kahit kailan."
Inirapan niya ako. "Kasi naman of all people ba't siya pa ang lumabas diyan sa nakakabwesit mong bibig?"
"Oh--Hi Jonard!" nakangiting kumaway pa ako sa kanyang likuran na walang tao naman.
"T'ngna," nanlalaki ang mga matang mura niya sabay karipas ng takbo.
I laughed wholeheartedly.
"Saan ka pupunta?!" habol na tanong ko sa kanya.
"Doon sa tubuhan!"
Lalo akong natawa sa sagot niya. Nakasalubong ko lang naman si Jonard na naglalakad papunta sa tubuhan. I'm sure magugulat ang babaeng 'yon kapag nakita niya si Jonard doon. Well, amanos na tayo bess.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Hinanap ko si Axel.
There, I saw him inside the barn. He looks so busy. Nagulat pa siya ng malingunan niya ako.
"Hi," bati niya sa akin habang pinapakain ng hay ang mga baka. "Ba't napadpad ka dito? Umalis na ba sina Sir Conrad?"
"Grabe, parang ayaw mo na yata akong makita ah," hinampong sabi ko.
Kumuha ako ng grass hay saka tumabi sa kanya. Pinakain ko ang baka na nasa kabila.
Bahagya siyang tumawa. "'Di naman sa ganun. Inaalala ko lang 'yong mga sasabihin ng ibang tao na makakakita sa atin dito."
"Naku hayaan mo sila. Inisip naman na nila na may relasyon tayong dalawa e. Kalat na kalat na nga dito sa buong Hacienda. So," nagkibit-balikat ako. "Atleast alam natin pareho kung ano talaga ang totoo."
Nilingon niya ako saka ngumisi. "Ano kaya kung tutuhanin na lang natin ang mga sinasabi nila tungkol sa atin?"
"Hala oyy! Kilabutan ka nga!"
Malakas siyang napahagalpak ng tawa. Hinampas ko siya sa kanyang balikat na ikinatawa niya lalo. Kalaunan nadala na rin ako sa tawa niya.
"Bwesit ka talaga Axel kahit kailan. Nakakainis ka."
"Seneryoso mo naman, babe."
I laughed again then punched him on his shoulder.
"Sira ka talaga--Aww! Milky!" sigaw ko sa baka.
"Why? What happen?"
Nag-aalalang tiningnan ni Axel ang kamay ko.
"Pinapakain mo ba 'tong mga alaga mo? Mukhang gutom na gutom e, pati kamay ko gustong kainin--"
"Shienna!" a thunder voice barged in.
Napatayo ako sa gulat sabay bawi ng kamay kay Axel ng malingunan ko si Miguel na nakatayo sa pintuan. Staring us murderously. Napalunok ako ng makita kong nakipagsukatan din ng titig si Axel.
Pinatong ko ang kamay ko sa balikat nito. Marahan ko iyon pinisil habang nakatingin kay Miguel.
I licked my dry lips then composed myself.
"Señorito Miguel, may kailangan pa po ba kayo sa akin?"
Tumayo si Axel sa tabi ko. Winagwag ang dalawang kamay saka hinatak ako palabas ng barn. I looked up at him pero deritso ang tingin niya kay Miguel na nakatitig ang malakutsilyong mga mata sa kamay ni Axel na nakahawak sa braso ko.
Sa kabila ng kabang bumundol sa aking dibdib hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng inis sa unggoy na 'to. Masyadong makulit... bossy at higit sa lahat paladesisyon! Biruin mong siya daw ang aalagaan ko e wala namang sakit. Ano kayang klaseng pag-aalaga ang ipapagawa niya sa akin kung sakaling pumayag akong maging caregiver niya?
"Sir Miguel,"
"You must be... Axel?"
"Ako nga po, Sir."
"Ganito ba kayo lagi dito sa oras ng trabaho, nakikipaglandian?"
"Miguel!"
"At ikaw," baling niya sa akin. "Kinakausap pa kita kanina tapos bigla mo na lang ako nilayasan," malisyosong tiningnan niya kaming dalawa ni Axel. "Tapos ikaw pa talaga ang dumadayo sa lalaki. Kababae mong tao--"
For the n'th time, umigkas muli ang palad ko sa kanyang mukha. This time, sa kabilang pisngi niya iyon tumama. Kung susumain nakatanggap siya ngayon sa akin ng mag-asawang sampal.
"Shienna--"
Hinawakan ako ni Axel sa aking braso pero marahas iyon binaklas ni Miguel sabay kaladkad sa akin pabalik sa kabilang hacienda. Sa bilis at laki ng hakbang niya halos kapusin ako ng hininga sa paghabol sa kanya. May ibang trabahador na nakakita at nakatingin saamin pero wala itong pakialam.
Piniksi ko ang braso ko para makawala sa higpit ng hawak niya pero 'di niya ako pinakawalan.
"Miguel, ano ba?!" sigaw ko sa kanya.
Padabog niya akong binitawan. Then left me there alone without saying any word... stunned with his action.
What's wrong with that monkey?
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023