Damn Heart 2

2941 Words
SHIENNA "Na-Narinig daw k-kagabi?" tanong ko pa sa sarili. Samantala 'yung marumi kong utak nakapinta kaagad ng iba't ibang imahe na may kasama pang... tunog na nyemas! Parang robot na binalingan ko si Miguel na nakangisi sa akin. He even bit his lower lip while staring at me with a mischief glint on his blue eyes. Walang pakialam ang manyak na unggoy na 'to sa Tito niyang makahulugan ng nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Kami--" "HindiPoKamiSirConradYongNarinigMoKagabi." mabilis na sabad ko sa kanya. Sa subrang bilis ng pagkakasabi ko hindi ko alam kung naintindihan nila dahil pareho silang napanganga. "HA?" "What?" Sabay pang wika nila. Pero saglit lang. Nagdugtungan lalo ang kilay ni Sir Conrad samantalang si Miguel tuwang-tuwa sa akin. Tiningnan ko siya ng masama. Anong gusto niyang palabasin? Kaming dalawa 'yong naglampungan kagabi na narinig nina. . . damn him! Malay ko ba kung anong kalaswahan ang ginawa nila ng malanding babaeng 'yon kagabi. Tapos ngayon. . . siraulo ba siya?! Kapal ng mukha niyang sabihin na kami iyon. Sisirain niya pa ang image ko sa Tito niya. Anong akala niya sa akin easy to get?! Kahit gwapo siya-- "Ang ingay-ingay niyo kagabi tuloy nagising si Felly." "Ah hindi," natatarantang iwinagayway ko pa ang dalawang kamay ko sa harapan ni Sir Conrad. "Hindi po ako 'yon. Hindi po ako 'yon Sir," tinuro ko si Miguel. "Si Señorito po 'yun tsaka 'yung--hmmmp." Napahinto ako ng inilang hakbang lang ako ni Miguel sabay akbay at takip ng kabilang kamay sa aking bibig. Naestatwa ako sa init at kuryenteng nanulay sa aking buong katawan ng dumaiti ang balat niya sa akin. Nasa tagiliran ko siya at dikit na dikit sa akin ang hubad baro niyang dibdib. Nanuot sa ilong ko ang mabangong pabango niya at natural na amoy ng kanyang katawan. Bagong gising tapos ang bango-bango? Nasaan ang hustisya?! "Sorry about that Uncle. Nagkagulatan lang po kami dito sa kusina kagabi. Napagkamalan po kasi ako ni Shien na magnanakaw. Nagpaliwanag ako sa kanya pero ayaw niyang maniwala. I woke up early today. . . I wanna apologize to her for being rude last night." Nanlaki ang aking mga mata sa kasinungalingan niya. Lalo na sa palayaw niya sa akin. Darn! Umiiling na kinalas ko ang kanyang mga kamay pero subrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Naninikip na din ang dibdib ko, hindi na ako makahinga. Ang laki pa naman ng kamay niya. Sakop halos lahat ng mukha ko. Kulang na lang pati mata ko takpan niya. Amused na tiningnan ako ni Sir Conrad. "First time namin marinig ni Felly na magmura ka, iha. Lumalakas pala at umiiba ng boses mo kapag nagugulat." Nakangiting nag-angat siya ng tingin sa mesa pero kaagad din napawi iyon sabay tingin sa mga kamay kong nakahawak sa kamay ni Miguel na mahigpit pa rin na nakatakip sa ilong at bibig ko. "Let her breath Miguel!" singhal ni Sir. "Ba't mo ba tinatakapan ang bibig niya?" Parang napapasong binitawan niya ako. Hingal at habol naman ang hininga na napahawak ako sa sandalan ng upuan. "Nakutsilyo ba ang kamay mo, Shienna?" himig pag-aalala na tanong ni Sir sa akin. Umiling ako. "Hindi po--I mean, nadaplisan lang po habang binabalatan ko 'yung--" "'Wag mo ng lutuin 'yan." agap ni Sir Conrad. "Nagluto na si Nana Rosa sa kabila. Pupuntahan ko lang muna. Tsaka mag-leave ka muna ng two weeks--" "Naku Sir hindi po pwedeng mag-leave ako. Ang dami po naming utang na binabayaran at nag-iipon din po ako para sa pangtuition namin ng kapatid ko. Plus may maintenance pa pong gamot si Inay." "With pay naman 'yong--" "Nakakahiya naman po Sir." "Baka pwedeng patapusin mo muna ako sa mga sinasabi ko, Shienna?" Bigla akong nahiya sa sinabi nito. Narinig ko ang mahinang tawa ni Miguel kaya pailalim ko siyang tiningnan ng masama na ginantihan niya naman ng matamis na ngiti na may kasama pang kindat. I rolled my eyes then look away. Lakas ng trip ng unggoy na 'to. Ganun ba talaga ang mga laking ibang bansa? Parang ang kapal ng mukha. 'Di man lang makaintindi ng nakamamatay kong titig sa kanya. Like duh. . ? Hindi man lang ba siya nahiya sa akin na naabutan ko sila kagabi? Sabagay niyaya niya pa nga ako makipag--oh damn! Baka iniisip niya gusto ko din na ganunin niya ako dahil tumunganga ako sa harapan nila?! Is that the meaning of his evil grinned and. . . the glint I saw on his eyes? I know liberated sila pero, Oh my gosh..! Hanggang ngayon nawiwindang pa rin ang utak ko sa kahulugan ng threesome na sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko alam kung ano 'yon kaya ayon... napa-google ako bigla. And it freak the hell out of me! Hindi ko akalain na may ganun pala. So meaning kung may threesome malamang may. . . foursome din? Pa'no pala 'yong solo? Nakow, ano ba 'tong pumapasok sa utak ko?! Seryoso niyang tiningnan si Miguel. "Ikaw, umayos ka Migz. Hindi si Shienna kagaya ng iba. 'Wag mong idagdag 'yan sa listahan mo kundi ako ang makakalaban mo at ipaparating ko 'to sa mga magulang mo." "Uncle--" "Umayos ka." sabi niya sabay talikod. Naguguluhan na nasundan ko na lamang ito ng tingin. What did he mean hindi ako kagaya ng iba? At anong listahan ni Miguel? Ilang minuto namayani ang katahimikan sa kusina pagkaalis ni Sir Conrad. Hinihingal pa rin ako sa subrang inis na nararamdaman ko. "You ok?" Hinawakan niya ako sa aking balikat pero malakas ko iyon tinabig. Gigil na dinuro ko siya. Umatras siya pero pilyo ang ngisi sa mga labi. Naga-twinkle pa ang mga mata. Tuwang-tuwa na para bang may nakakatuwa sa itsura ko! "Ikaw na unggoy ka. . . kung hindi ka lang pamangkin ni Sir Conrad at anak ng mga Del Carpio baka kanina pa kita tinadtad ng kutsilyo!" He chuckled. "Wow, can't believe it. You look like an angel in my eyes and yet your kissable lips can curse and say such morbid things." Natigilan ako sa sinabi niya. Tila pumalakpak ang tainga ko sa deskripsyon niya sa akin pero isinawata ko iyon kaagad. Umiwas ako ng tingin. Napadako iyon sa mesa. Tinuro ko ang nasa ibabaw no'n saka muli siyang binalingan. "Kasalanan mo ba't nasugat ang kamay ko kaya iligpit mo ang mga 'yon." galit-galitan kong sikmat sa kanya. Matamis niya akong nginitian na ikinakunot ng noo ko. "Sure, beauty. Will cook for you if you want." "Beauty?" "Yeah, beauty. Kagaya ng naramdaman ko kanina pagkagising ko. Napakaganda. Kaakit-akit... sa aking paningin." his voice became raspy. I gulped and mentally cursed at the same time. Mukhang matamis ang dila ng unggoy na 'to. No wonder nakabingwit kaagad ng biktima sa unang araw pa lang ng tungtong niya dito sa Hacienda. "Ows, talaga?" He grin then nodded. Umarko ang kilay ko saka tumango-tango. "Beauty pala ha. . ." "You heard me, baby. Beauty--" "Pwes, kabaliktaran ang naramdaman ko pagkakita ko sa mukha mo simula kagabi at kanina!" sabad ko sa kanya. "Kung para sayo ako si Beauty, sa paningin ko. . . you're the Beast. As in B-E-A-S-T. Beast!" madiin na in-spelling ko pa. Biglang napalis ang ngisi sa kanyang mga labi. "Grabe ka naman. As in 'yong sa fairytale na Beauty and the Beast--Oh wait," napatingala siya sa kawalan na tila may naalala saka muling ngumisi. "Ako pala si Beast. Hmmmm, parang gusto ko 'yon." Humakbang siya palapit sa akin na may pilyong ngisi. Napaatras ako. Lumapad lalo ng ngisi niya saka malalaking hakbang na nilapitan ako. Sa laki din ng atras ko naramdaman ko na lang ang pagbangga ng paa ko sa matigas na bagay. Nang lingunin ko iyon, ang kulay grey na ref ang sumalubong sa akin at malaking kamay na itinukod doon. Ramdam ko at kita ko ang braso niyang sadyang idinikit sa dibdib ko. Marahas ko siyang nilingon. Namilog ang aking mga mata sabay diin ng likod sa ref. Hindi ko alam na ang lapit ng mukha niya sa akin kaya halos dumaiti ang labi namin sa isa't isa. Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Tapos ang unggoy na 'to 'di pa nakuntento, inilapit pa lalo ang mukha sa akin. Naduling tuloy ako. Sinalakay ng matinding nerbiyos. Binayo ng malakas ang dibdib ko sa hindi ko malaman na kadahilanan. Parang may mga gumagapang na nangiliti din sa loob ng tiyan ko. "A-Anong gagawin mo sa akin, Señorito M-Miguel?" "Kung ako si Beast, meaning I need your. . . soulful love and kiss to break the spell, Beauty." "Haaa?" nakangiwing umiwas ako ng tingin. Nakatukod ang dalawang braso niya sa magkabilaan ko kaya halos mabali ang leeg ko sa pagbaling ng mukha makalayo lang sa kanya. Patuloy niya namang hinahabol ang mukha ko. Hindi ako sigurado kung hinuhuli niya lang ang aking mga mata or ang mga labi ko talaga ang puntirya niya. Dagdagan pa ng paulit-ulit na nagreplay sa aking utak ang dinatnan kong itsura nila no'ng babae kagabi. Dito din iyon mismo sa ref. Jusko tukso lumayo ka! Layuan mo ako! Hanggang sa nagulantang ako ng patakan niya ng matunog na halik sa aking lalamunan. "Señorito Miguel!" Naiiyak sa takot na singhal ko sa kanya sabay tulak ng kanyang mukha palayo sa akin. Pero hindi man lang siya natinag. "Please, lumayo ka--" "Iho." Sabay kaming napabaling sa b****a ng kusina ng may magsalita doon. Nakahinga akong maluwag ng makita ko si Tita. Seryosong nakatingin sa amin habang nakahawak ang kamay sa hamba ng pintuan. "Tita," Umayos ng tayo si Miguel. Nagmamadali naman akong lumayo sa kanya sabay lapit kay Tita. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ito sa braso. Napatingin doon si Tita saka nag-aalalang nag-angat ng tingin sa akin bago tiningnan si Miguel. "Anong ginagawa mo sa kanya, Miguel?" "Nothing, Tita." painosenting itinaas niya pa ang dalawang kamay. "How's your feeling anyway? Kaya niyo po bang magbyahe--" "'Wag mong ibahin ang usapan Miguel Dan Felix!" angil ni Tita. "Uhm, Tita kasi," nahihiyang yumuko siya habang hinihimas ang kanyang batok. "I just wanna talk to her and apologize--" "Pwes hindi 'yon ang nakikita kong ginagawa mo kay Shienna!" galit na sabad ni Tita. "Tita," yugyog ko sa kanyang braso. Nanatili siyang nakatingin kay Miguel pero narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "Hindi ko gusto ang inasal mo sa kanya, mag sorry ka." "Pero wala naman po akong ginagawang masama sa kanya para mag-sorry." "You just said you wanna apologize to her, so what are you waiting for? Apologize to her!" "Sorry," nakayukong hinging paumanhin niya. "I was drunk last night, hindi ko sinasadya 'yong mga salitang nasabi ko sayo." nagtama ang mata naming dalawa ng mag-angat siya ng tingin. "Narinig ko ang pagbukas ng kaharap na pinto ng kwarto ko kaya lumabas ako. Nang makita kong ikaw iyon, sinundan kita dito sa kusina. I'm sorry, Beauty--" "Beauty?" kunot-noong agap ni Tita. I sent him a dagger looks but he just gave me a boyish smile that almost made my heart melt. Shet naman this guy! "Beauty. . . maganda. I mean, I am bewitched by her beauty, Tita." "Nakow," Nakangiwi na halos mawala ang mata ni Tita matapos marinig ang sinabi ni Miguel. Ako naman tila sinabuyan ng baga sa aking mukha. Hindi na ako mapakali pa sa aking kinatatayuan dahil sa titig niya. Maraming nagpapalipad hangin sa akin sa school pero sa kanya lang ako naaapektuhan ng ganito. Kinakabahan ako sa uri ng titig niya sa akin. Pinapatibok niya ng mabilis ang puso ko kasabay ng pagkulo ng dugo at init ng ulo ko. May mga palihim na naglalagay ng bulaklak at love letter sa locker ko which I found Corny. Hindi sa ayaw ko kundi na amazed lang ako na meron pa palang lalaking gumagawa ng ganun sa ganitong panahon. Kinikilig din ako minsan pero madalas 'di ko binabasa 'yong sulat lalo't kung galing lang naman sa mga papampam kong kaklaseng lalaki at sa ibang section. Pinagpupustahan pa nila ako. Anong akala nila sa akin manok na panabong para pagpustahan nila? Mga siraulo talaga. And what Miguel's did right now is fresh and new to me. Nakakatakot at nakakakilabot. Wala pang nangahas na lalaking mambastos sa akin, takot lang nila kay Itay. Susugurin sila no'n ng itak. Tapos ang titigan ako na para bang napakasarap kong steak sa kanyang paningin at pinaglalawayan ako. Lalo na ang sabihin sa harapan ng ibang tao at kay Tita pa talaga na naingkanto siya sa ganda ko! Nakow. . . Maganda pala ako? Ba't di ko yata alam? Ba't 'di ko naman makita sa tuwing nananalamin ako? Hindi ko alam kung mapa-flutter ba ako or mainis lalo sa kanya. Baka inuuto niya lang kaming dalawa ni Tita para mapagtakpan ang ginawa niyang pambabastos sa akin kani-kanina lang. Kulang na lang lamutakin niya ako e. Buti dumating si Tita. Pa'no na lang pala kung hindi? Ano kaya ang gagawin niya sa akin? Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Unang araw pa lang na nakasalamuha ko si Miguel ganito na kalala ang nangyari sa akin dito. Pa'no na lang pala kung araw-araw? Oh NO! Hindi pwede. Ayoko dito. Mas mainam ng doon ako sa tubuhan. Maling galaw niya lang hahambalusin ko talaga ang mukha niya ng mga tubo doon. "Nasaan ang Uncle Conrad mo?" "Hindi ko po alam Tita." "Ikaw--!" nanggigigil na duro ko sa kanya. "Sinungaling ka talaga e, no?" "Why?" inosenteng tanong niya pa sa akin na ikinainis ko lalo. "I really don't know where did he go. He just said kabila. Malay ko ba kung saang kabila 'yon." "Palusot ka pa. Pag-aari niyo 'to wala kang alam?" umiwas ako ng tingin sa kanya ng ilingan niya ako. "Sabagay babae ang una mong inatupag imbes na bisitahin ang Hacienda niyo." I said almost inaudible. Pero nanlaki ang mga mata ni Tita kaya sigurado akong narinig niya ang huling sinabi ko. But who cares? Paki ko ba naman sa kanya. Dapat lang malaman ni Tita na nagdala siya ng babae dito hindi 'yong ako ang pinantakip niya sa kabulastugan nila. Bwesit! "Hanggang ba naman ngayon nagtatalo pa rin kayong dalawa?" sabad ni Sir Conrad. Gumilid ako ng pagbaling ko papasok ang tatlong kaibigan ni Sam at bestfriend ko kasama nina Sir at Nana Rosa. May kanya-kanyang bitbit na stainless na kaldero. "Ang tagal ko na do'n sa kabila tapos ngayon. . ." seryosong mukha na tiningnan kaming dalawa ni Miguel. "Baka naman madevelop kayong dalawa niyan." "Hala Sir!" Malakas na napahagalpak ito ng tawa sa naging reaksyon ko. Pinanliitan naman ito ng mata ni Tita sabay hampas sa braso. "Umayos ka Conrad." tinuro niya si Miguel. "Pagsabihan mo 'yang babaero mong pamangkin. Baka 'di ko 'yan matansya." "O bakit? Wala namang problema kung magka-develop-an silang dalawa ni Migz. Dalaga si Shienna, binata naman 'tong pamangkin natin. Malay mo tumino na 'tong isang 'to. In fact, I want Shienna to be a part in our family. Though I treat them as our family already still iba pa rin 'yon--" "Nakow," umiiling na sabad ni Tita. "May boyfriend na si Shienna kaya tumigil ka." Umawang ang labi ni Sir. Hindi makapaniwalang tinitigan ako saka ngumiti. Kumakamot sa leeg na binalingan si Tita. Ako naman asiwang-asiwa na sa takbo ng usapan nila. Maraming nakakarinig at iba na ang pinupukol na tingin nila sa akin. Sarap din tadyakan sa mukha ang unggoy na 'tong kay lapad ng ngisi sa akin. Malamang pabor sa kanya ang mga pinagsasasabi ng Tita at Uncle niya na taliwas naman sa akin. Arrrgh, dapat umuwi na lang pala ako sa bahay. "Alam mo naman pala na boyfriend niya si Axel, bakit niririto mo pa sa anak mo na may asawa na?" "Aba't pinagdarasal ko pa nga na matauhan na 'yong anak mo sa panlalalaki ng asawa niyang makati. Nagpapaka-martyr akala mo naman wala ng ibang babaeng mahahanap na mas matino. Tsaka ikaw nga mina-match mo pa si Shienna sa babaero mong pamangkin." "Babaero talaga, Tita?" sabad ni Miguel. "Mamaya niyan maniwala si Shienna--" "O tama na 'yan," napabaling kaming lahat kay Nana Rosa. "Baka kung saan pa mapunta 'yang usapan niyo na 'yan. Nakahanda na ang pagkain. Maupo na kayo dito." "Uhm. . . uuwi po muna ak--" "Ah hindi. Mamaya niyan hindi ka na bumalik. Sumalo na rin po kayo sa amin Nana." hinatak ni Tita ang kamay ko papunta sa hapag. "Pagkaalis namin saka ka na umuwi sa inyo. Alam naman na 'yon ni Cora." Pinaupo niya ako sa katabi niyang upuan. Naupo si Sir Conrad sa kabisera. Umikot naman sa kabila si Miguel at naupo sa mismong kaharap kong upuan matapos paupuin si Nana Rosa sa katabi niyang upuan. 'Yung tatlo sa kabilang tabi niya. Nakita ko pang kinikilig sina Aika, Veron at Lea at nagsisikuhan. Makahulugan pa akong tiningnan lalo na ang bestfriend ko! Kapag sinuswerte nga naman. Kainis! I just ignored them. Nang makita kong nakatingin sa akin si Miguel, inis na inirapan ko siya. But he smiled and wink back at me again. Nakita ni Tita ang ginawa niya kaya lalong uminit ang mukha ko sa pinaghalong inis at hiya. Naramdaman ko pang sinundot ni Tita ang tagiliran ko. Nanuyot ang lalamunan ko. Wala sa sariling dinampot ko ang baso na nasa tabi ko. Huli na ng ma-realize kong ang gatas pala iyon ni Tita. Napaso ang nguso at dila ko. Halos maluha ako sa subrang init ng likidong hinigop ko sabay lunok ng pilit. Nagliyab ang lalamunan ko pababa sa aking dibdib. f**k! "Hindi ba mainit?" nakakalukong tanong pa ni Tita. Umiling naman ako. "Anong flavor po ng gatas na tinimpla niyo kay Tita? Palitan niyo lasang kutsilyo humiwa sa lalamunan ko." tumayo ako sabay karipas ng takbo palabas. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD