JOHHNY
Nalasing ako kagabi dahil sa sama ng loob. Siya pa lang ang babaeng tumanggi sa akin. Naalala ko pa ng tanggihan ako ng babaeng kakilala ni Marky.
Masakit ang ulo ko pero panay ring ng cellphone ko.
Napasimangot ako ng makita ko ang pangalan sa call registered. "Allora." basa ko rito. Sinagoy ko ang tawag kahit na naiinis ako sa kanya. Napag alaman ko kasing umuwi na ito ng bansa at hindi man lang nagpakita sa akin. Ako ang nagpauwi sa kanya pero hindi man lang niya ako tinawagan na nakauwi na siya.
"What? Allora, nakauwi ka na pala bakit hindi ka man lang nakipag kita sa akin.
"Bakit? Hindi naman mahalaga pa iyon. Saan ba tayo magkikita, aber? Para matapos na ito. Gusto ko na ring bumalik ng Los Angeles. Hindi ako nababagay rito." reklamo nito sa akin. Sa palagay ba niya hindi ako atat na maghiwalay kaming dalawa. Lalo na't nakita ko na si Lovely ang babaeng pakakasalan ko.
"Fine! Meet me at the coffew shop. 3 pm sharp at hwag kang malelate." mariing wika ko.
"Fine." sagot niya sabay off ng tawag ko.
Hindi man lang ako pinagsalita kainis..
Natulog ulit ako at maaga pa naman.
Nagising ako pasado alas onse na ng umaga at bumangon na ako. Nag asikaso ako at hindi na masyadong nagpapogi pa. At balak kong paghintayin ito ng matagal ng makagantin man lang ako sa paglilihim nito sa akin.
Pasado alas tres na ako ng hapon umalis ng bahay at nakarating ako ng 4:30 pm sa location. Wala naman akong pakialam kahit maghintay pa siya sa akin ng matagal. She's not important to me.
Hindi rin ako nag abala na magsuot ng maganda. I'm wearing a casual na t-shirt at khaki short at rubber shoes. I choose a coffee shop away from the office building na pag-aari ko. Hindi matao sa loob at walang makakilala sa amin kung sakaling may maka kita. Ayokong makita nila ako na may kasamang lumba lumba at hindi man lang marunong mag-ayos nga kanyang sarili. Iniimagine ko pa lang ang itsura nito limang taon mula nang huli kaming magkita. Sigurado ako na mas triple pa ang laki ng katawan niya ngayon. At iisipin ko pa lang natatawa na agad ako.
Pagpasok ko pa lang sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon ko ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng table. Halos magulat ako nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon.
"My lovely" excited na saad ko. Kaagad akong napangiti. Pero nasira rin ang agad iyong ng maalala ko na ka-meeting ko pala si Allora. Ngunit muling sumaya ako nang nang muling mapatitig sa babaeng hindi nagpatulog sa akin mula pa kagabi.
"Mukhang pumapanig sa akin ang tadhana."
Saglit akong napatulala habang pinaglalandas ang mata sa babaeng may inosenteng maliit na mukha. Balat pa lang alam mong maalaga sa katawan ang dalaga. She was pretty last night, pero mas maganda pa siya sa maliwanag. Nakatali ang color blond nitong buhok na bahagyang wavy sa dulo. She also had a pink lips na parang ang sarap laging halikan. Her eyes gaze look so gentle, nakatingin sa menu, saka hinawi ang buhok nitong kumalas sa pagkakatali at isinabit sa sexy nitong tainga.
"Fùck!" napamura agad ako. I could feel in my pants tighten just watching her. Weird pero kakaiba ang babaeng ito. Binubuhay niya ang dugo ko.
Nakakabighani talaga ang ganda nito. At sisiguraduhin kong mapapasa-akin ito. Ngayong mas nakikita ko na ito sa maliwanag ay lalo pa akong naaakit sa kanya. At sa sandaling iyon ang tanging laman ng isipan ko ay gusto kong ma i-kama ang babaeng nagpapabilis ng pintig ng puso ko.
"Totoo kayang may asawa na siya?" dinig kong tanong ng isang lalaki.
"Lapitan ko kaya, baka palusot lang niya kasi ayaw niyang makipagkilala?" hirit nito sa mga kasama sa isang table.
Bigla akong nakaramdam ng pagka irita sa mga lalaking nagpi-fiesta sa kagandahan na dapat para sa akin lamang. Marami na akong nakilalang babae kaya alam kong single pa rin ang lovely ko. Mahiyain at mukhang pihikan pa nga ito.
Mukhang may dalang suwerte rin sa sa akin ang lumba lumba kong asawa.
Pero sa naisip ko ay bigla akong naasar at napilitang hanapin ng aking mata ang bulto ng aking asawa. Ngunit wala akong ibang babaeng nakita doon, maliban sa babaeng gusto kong lapitan kanina pa.
Muli na namang naagaw ng babae ang atensyon ko. Mala-dyosa kasi ang ganda nito sa paningin ko. At isa pa para siyang artista sa mga hollywood.
"Kung ganyan kaganda ang asawa ko hindi ko talaga palalabasin ng bahay 'yan," dinig kong sinabi ng isa pang lalaki. Kulang na lang ata tumulo ang laway ng mga ito.
Gusto ko na sanang sumabat pero higla na lang nag-ring ang phone ko na medyo napalakas kaya nag-angat ng tingin ang babae na hawak rin ang phone nito. Kumabog ang puso ko nang magtama ang mga titig naming dalawa. Pero dahil tumatawag si Allora sa akin, napilitan akong sagutin ang tawag.
Noon ay inangat ng magandang babae ang phone nito saka nagsalita. I clearly read her lips said.
"Nandito na ako."
Iyon rin ang narinig ko sa kabilang linya. Saka nag-beep na lang ito.
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa sa isiping naglalaro sa utak ko.
"Is she? Oh no, imposible! Baka secretary ni Allora," giit ng utak ko. Pero sinabi niya sa akin na hindi siya magsasama ng kahit na sino.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nnaglalakad palapit sa magandang babae na halos ayaw ko ng alisin sa paningin ko.
Habang papalapit ako ay unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang mga mata nito. The gentleness in her eyes remind me of her. Iyon lang siguro ang natatandaan ko na maganda sa asawa ko noon.
Pero bakit ibang iba ito sa Allora na nakita ko noon. Sa babaeng lumba lumba pinakasalan ko noon. Litong napatitig pa ako sa maamong mukha nito. Hindi ko lubos akalain na---
"Are you..." alanganin kong tanong nang makalapit ako rito. Sa lakas ng tambol ng puso ko parang lalabas na iyon.
"Nasaan ang abugado mo?" ganting tanong ni Allora. May biglaang lakad ang abogado ko kaya binigyan na lang niya ako ng kopya ng annulment paper.
Ayon dito kung wala namang magiging problema kay Allora sapat nang pagpirma nito para umusad ang annulment.
"Teka, nagkita tayo kagabi sa club di ba?" kita kong natigilan ito. Bigla akong nainis sa ekspresyon nitong tila hindi niya ako naaalala.
"Don't tell me ikaw 'yon... Hindi kita nakilala. Sorry, sobrang tagal na rin kasi... five years right?" she said calmly na ikinalunok ko.