JOHNNY Nang umuwi kami ni Allora sa Manila ay hindi ako mapalagay. Lalo na't nalaman ko na umattend siya ng party ng mga Zaragoza na mortal kung kaaway sa negosyo. Simula kasi ng natapos ang termino ko sa Antique inasikaso ko naman ang mga naiwang negosyo ng mga magulang ko rito sa Manila. At isa sa kaaway ko sa negosyo ay ang pamilya Zaragoza lalo na si Manuel Zaragoza. Kung si Zaragoza lang ang steak kanina pa durog durog ito sa plato ko dahil kanina ko pa ito minurder sa labis na galit. Kanina pa nanlilisik ang mga mata ko mula sa malayo ng makita ang aking asawa na nakikipag tawanan pa kay Manuel Zaragoza. Masamang masama ang loob ko sa aking nakikita. Kung nakakamatay lamang ang aking matalim na tingin baka kanina pa bumulagta si Manuel Nagtatawanan pa rin kasi sina Allora at an

