ALLORA Habol hininga kaming dalawa ng matapos sa pagpapaligaya sa bawat isa. Nahiga si Johnny sa tabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Kinaumagahan masakit ang buong katawan ko. Pakiramdam ko na para akong nabugbog ng maraming tao. Babangon sana ako kaso nahihirapan talaga ako kaya nanatili na muna akong nakahiga. Nang dumilat ang mga mata ni Johnny at nakangiting bumati sa akin. “Good Morning, baby ko. How’s your sleep?” tanong nito. At tila good mood ang umaga nito. “Ok naman. Masakit lang ang katawan ko.” “Sorry, hindi ko kasi alam. Akala ko–” “Akala mo na pariwara ako, ganon ba? Pangit lang ang katawan ko noon pero maingat ako sa sarili ko.” sagot ko at parang bumalik na naman sa akin ang sakit ng nakaraan. “Hindi sa ganon iyon.” giit ni Johnny. Bumangon ito at ng makita

