bc

MY IN BE..." ( TWIN) "

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
sweet
mystery
like
intro-logo
Blurb

Naglaro ang tadhana noong ikapitong taon gulang ng kambal.

Sa loob ng pitong taon ay naging masaya at maayos ang pag laki ng kambal.

Biniyayaan ng Langit ang dalawang bata ng may kaakit akit na panlabas na itsura.At sa tuwinang magkasama silang dalawa ay para silang SALAMIN ng isa't isa at hindi ninuman masabi ang pagkakaiba ng dalawa maliban kay Elena ang kanilang ina.Maraming pagkakaparehas si Mike At Miguel ngunit sa kanilang paglaki maraming katangian ang magkaiba ang nakita ni Elena sa kanyang mga anak.

Si Mike ay lumaking natural na maliksi at malakas,palakaibigan at madaling makihalubilo sa iba at ginagigiliwan ng lahat. Si Miguel naman ay mahina at mahiyain  halos konti lang ang kakilala at nakakakita sa kanya dahil madalas ay nasa loob siya ng icu sa loob ng ospital mula pagkabata.At sa tuwinang magiging maayos ang  kalusugan ni Miguel ay lagi lang siya namamalagi  sa loob ng bahay.

Noong ikapitong taon gulang ng kambal, naging medyo maayos ang kalusugan ni Miguel at nagagawa na niyang makipag laro sa kanyang kapatid na si Mike. Masaya at malapit sa isa't isa ang dalawa noong mga panahon na iyon.

Ngunit sa ikapitong taon ng kambal ay naglaro ang tadhana. Isang dapit hapon ang langit ay may magandang paglubog ng araw, naglalaro ang kambal malapit sa pinapagawang maliit na gusali ng kanilang ama upang maging imbakan ng bigas. Ang kambal ay masayang naghahabulan at naglalaro.

"Mike, pagod na ako, ibang laro naman tayo." sabi ni Miguel Kay Mike.

"Sige, tagutaguan nalang Miguel, ako ang taya"  sabi ni Mike.

Malapit sa pinaglalaruan ng kambal ay mayron nakataling mga kahoy na nakabitiin sa itaas. Hindi maganda at matibay ang pagkakatali ng mga ito.

Nag umpisa ng magbilang si Mike mula isa hanggang sampu habang nakapiring

chap-preview
Free preview
1: SILID AKLATAN
Sa isang sulok ng malaking silid aklatan na ang tanging ilaw ay galing sa isang bintana na tinatamaan ng sikat ng araw. Nakatayo si Miguel habang hawak ang isang libro at abalang nagbabasa. Kasalalukuyang naroon din si Ria at kumukuha ng mga litrato na gagamitin niya para sa thesis at group project nila na kailangan ipasa sa sususnod na araw. Habang nagmamadaling naglalakad ng paatras upang makakuha ng mas magandang anggulo ng mga litrato sa loob ng silid aklatan ang dalaga, hindi niya napansin at hindi niya sinasadyang mabungo ang isang binata na nagbabasa ng libro.Nahulog ang aklat na binabasa ng binata at habang si Ria naman ay malakas na nahila ang tali ng camera nang naging dahilan upang tuluyan mabitawan at mabali ang shutter nito.Mabilis na lumingon ang dalaga upang humingi ng paumanhin sa tao na nabunggo niya at sinabi " Oh I'm very sorry, hindi ko sinasadya.," sabi ng dalaga at dinampot ang nalaglag na kamera. Kasalukuyan nakayuko si Miguel ng mga oras na iyon upang kunin ang nahulog niyang aklat sa sahig.At halos hindi narinig ng binata ang paumanhin na sinabi ng dalaga dahil sobrang inis na naudlot ang kasarapan ng kanyang pagbabasa at sinabi "Miss, please next time pakitignan naman ng maigi ang dinaraanan mo" sabi ni Miguel Kay Ria na may pagkaantipatokong tono. Pakiramdam ni Ria ay pahiya siya ng konti dahil sa sinabi ng binata. Biglang nagbago ang mukha ni Ria ng mga oras na iyon, nagkahalo-halo ang kanyang mga emosyon at sa sobrang pagkainis sa binata ay manakanaka niyang gustong sampalin at saktan ito. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Sa kaloobloban ng dalaga ay napakamalas niya nung araw na iyon, nasira ang camera na hiniram niya sa kanyang Kuya Raff at siguradong pagagalitan siya pag uwi, sa araw din na iyon kailangan niya matapos ang thesis at ipasa sa susunod na araw, sumasabay pa yung antipatikong lalaki nasa harapan niya ngayon na ayaw tumanggap ng paumanhin. Napabuntong hininga nalang si Ria at huminga ng malalim at pabulong na sinabi sa harapan ng binata " Napakaantipatiko naman ng lalaking ito, akala mo naman ka-gwapuhan, " bulong ni Ria sa gilid at sinadyang iparinig sa binata. Nang marinig ni Miguel ang binulong ng dalaga ay gusto niya magalit at mainis ngunit hindi niya magawa habang pinagmamasdan ang kagandahan ng dalaga. Bagkus ay bahagya ngumiti ang binata sa dalaga. Kahit si Miguel ay nagulat sa kanyang sarili kung bakit siya napangiti ng bahagya at kung bakit nararamdaman niya na unti unting bumibils ang t***k ng kanyang puso habang patagal ng patagal niya tinititigan si Ria, na noong mga oras na iyon ay hindi pa niya pa alam ang pangalan. Bago ang pakiramdam na iyon para kay Miguel at hindi niya pa naranasan ang ganun pakiramdam sa buong tanan ng kanyang buhay. Tila maraming paru paro ang naglalaro sa kanya tiyan. At nang mga oras na iyon para sa kanya si Ria ay tila isang magandang tanawin sa takip silim habang lumubog ang araw. Pinilit niyang kontrolin at pigilan ang nararamdam. Mabilis niya binawi ang kanyang sarili at sinabi, " Miss, dahil narinig ko ang mga sinabi mo, I'll take it as a compliment'. tugon ni Miguel sa dalaga ng may halong pangangasar. " ay sorry.. narinig mo pala, di ko uli sinasadya", sabi naman ni Ria na may pang-iinis. "paano di ko marririnig, e.. , ang lakas pagkabulong mo, " nakangiting sabi ni Miguel. Napansin ni Ria ang maamo at napagandang ngiti ng binata at sinabi sa sarili " Sayang totoo na gwapo ka kaso antipatiko lang!" isip ng dalaga. Itunuon muli ni Ria ang kanyang atensyon sa camera na nasira. At natuon din ang atensyon ni Miguel sa camerang sira na hawak hawak ng dalaga. Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkabalisa at pagkabahala habang tinititigan ang sirang camera ng kanyang Kuya Raff, panganay na kapatid na lalaki ni Ria. "Sigurado lagot ako nito pag uwi ko ng bahay.," sabi ng dalaga. Medyo naawa si Miguel sa dalaga at napagdesisyunan na tulungan ito. Dahan dahan at unti unting lumapit ang binata upang tignan ang nasirang camera na noo'y hawak hawak ni Ria.Hindi naiintindihan ni Ria ang malinis na intensyon ng binata. Napansin na lang ng dalaga na unti unting papalapit si Miguel sa kanya.Nabigla at natakot si Ria sa kung anung gustong gawin sa kanya ng binata kaya nang sobrang lapit na ni Miguel sa kanya ay bigla niya itong itinulak papalayo. Madaling bumagsak ang katawan ni Miguel at napaupo sa sahig. Nagulat din si Ria nang mabilis bumagsak ang katawan ng binata sa sahig dahil hindi naman ganun kalakas ang pagkakatulak niya kay Miguel. "hey..?" tanong ni Ria sabay tulak sa binata. " Bakit mo ako tinulak?, gusto ko lang makita ang camera mo, " sabi ni Miguel. "Talaga lang ha..? " sabi ni Ria sa kanya na tila hindi naniniwala. "Oo yung camera lang talaga.., gusto lang kitang tulungan, " paliwanag ni Miguel. Naging malinaw na kay Ria na malinis ang intensyon ng binata sa kanya. At ngayon ay nakukonsensya siya sa pag tulak na ginawa niya sa binata. Iniabot ni Ria ang kanyang kamay kay Miguel upang tulungan makatayo at humingi muli ito ng paumanhin dahil sa masamang inasal. "pasensya kana di ko sinasadya na itulak ka, akala ko kz...," natigilan saglit ang dalaga sa pagsasalita. Akala kasi ni Ria na may masamang balak sa kanya si Miguel pero mali ang kanyang akala. "Hindi naman ganun kalakas ang tulak ko sayo."pagpapatuloy na depensa ng dalaga. Inabot ni Ria ang kamay sa binata upang tulungan ito tumayo mula sa pagkakaupo sa malamig na sahig ng silid aklatan. At kinuha ni Miguel ang kamay ng dalaga at tumayo. "Oo hindi nga malakas, tumumba at napa-upo lang naman ako sa sahig", nakangiting sabi ni Miguel sa kanya. Nang sandaling iyon biglang na lamang naalala ni Miguel ang kakambal na si Mike. Naisip niya na kung si Mike ang nasa ganun sitwasyon at naitulak ni Ria sigurado na hindi ganon kadali mapapabagsak si Mike di tulad ng nangyari sa kanya. "Humihingi muli ako ng pasensya sa ginawa ko, " sabi ni Ria muli sa kanya. Muling iniabot ni Ria ang kanyang kamay sa binata at nagsimulang magpakilala. "Ako nga pala si Ria, Ria Gonzales" ikaw anung pangalan mo? ", sabi ng dalaga. Natigilan si Miguel at nag-isip ng ilang segundo. Sa kauna unahang pagkakataon pakiramdam niya na nanliit siya sa kanyang pangalang Miguel.Isang mahina at masakitin na binata. Sobrang napahiya nang madali siyang napabagsak ng dalaga. Ayaw niya makilala siya ni Ria na mahina at sakitin. At sa pagkakataon na iyon gusto ni Miguel na maging katulad ng kanyang kakambal na si Mike na mula pagkabata ay natural na makisig at malakas. Inisip niya na wala naman sigurong masama at wala naman magiging problema kung gagamitin niya pansamantala ang pangalan ng kanyang kapatid. "AKO.... ?", sagot ni Miguel sa dalaga. "Oo, ikaw, " sagot ni Ria. "Meron pa bang iba bukod sayo ? " pagpaptuloy ng dalaga. " Ako.., ang pangalan ko... ay Mike! Mike Ferrer, " pagpapakilala ni Miguel Kay Ria. "Ah, Mike Ferrer... , Mike Ferrer! " sabi ni Ria kay Miguel at ilan beses na tumango tango habang nakatingin sa binata na nangungusap ang mga mata. Napagdesisyunan ni Miguel na magpakilala bilang Mike Ferrer, ginamit niya ang pangalan ng kanyang kakambal. Hindi nagawa ni Miguel na sabihin ang totoo niyang pangalan kay Ria sapagkat nanliit siya sa kanyang sarili. Bagkus ay nagpakilala siya bilang Mike. Ang pangalan ng kanyang kambal at nag iisang kapatid na mula pa pagkabata ay lubos niya na hinahangaan. At nakilala nga ni Ria si Miguel bilang si Mike Ferrer.Inalok siya ni Miguel na ipaayos nila ang kanyang kamera at tinanggap ni Ria ang tulong na inalok ni Miguel sa kanya. Ipinaayos ng dalawa ang kamera na nasira. Pumunta sila sa isang shop pang ipaayos camera. "Sir, pwede po bang magtanong kung nag aayos po ba kayo ng kamera? , " tanong ni Miguel sa may ari ng shop. "Opo sir, pwede ko po bang makita ang camera ninyo?" sabi ng may ari ng shop. Hiningi ni Miguel ang kamera kay Ria at iniabot sa may ari ng shop. "Ito po, sir, " sabi ni Miguel. "Medyo matatagalan ang pag aayos dito at baka abutin ng tatlo o apat na oras, " tugon ng may ari ng shop. Nang marinig ni Ria na aabutin ng tatlo hanggang apat na oras ang pag aayos ng kanyang kamera ay nagsimulang mag alala at mabalisa ito. Inaalala ng dalaga na kakailanganin pa niya mag edit at tapusin ang thesis upang ipasa sa susunodd na araw. Napansin agad ni Miguel ang pagkabalisa ni Ria matapos marinig ang sinabi ng may ari. Napansin ni Migiel na nag-aalala ang dalaga kaya lihim na kinausap ni Miguel ang may ari. " Sir, maaari nyo po bang gawan ng paraan para mas mapabilis ang pag aayos ng camera, kahit magbayad ako para sa extra charge. Tsaka ako na po bahala sa pang miryenda nyo, sir, " nakiki usap na tugon ni Miguel sa may ari ng shop. Kinalaunan ay napapayag ni Miguel ang may ari ng shop. "Sige po sir, ok na po, uunahin ko muna gawin ang kamera ng girlfriend mo, " sagot ng may ari ng shop. Napangiti si Miguel sa sinabi ng may-ari ng shop. Inakala ng may-ari na magkasintahan silang dalawa. Hindi alam ni Ria na lihim na naki-usap si Miguel sa may ari ng shop para mapabilis ang pag aayos ng kamera. Umupo ang dalawa sa bench chair na nasa loob ng shop habang inaantay na maayos ang kamera. Nakatitig lamang si Miguel Kay Ria habang nagkukwento.Pakiramdam ni Miguel na tumigil at bumagal ang takbo ng oras habang kasama niya ang dalaga. Pakiramdam niya na tumigil sandali ang pag-ikot ng kanyang mundo. Nakalimutan niya sandal na siya ay mahina at may sakit.Tila unti uniting nahuhulog ang damdamin ni Miguel para sa dalaga. Naikwento ni Ria kay Miguel na 3rd year college na siya at may kinukuhang kurso na BSA Major Mass Communication at may fully scholarship sa isang malaking pribadong eskwelahan. Nakatitig parin si Miguel sa dalaga pinagmamasdan ang mapupulang labi, ang mapupungay na mga mata nito at ang napaka gandang ngiti nito habang nagkukwento ng mga bagay bagay sa kanyang buhay.Sobrang saya ni Miguel habang kasama ang dalaga at nang bigla siyang tawagin nito: "Mike, ikaw naman ang mag kwento?", sabi ni Ria sa kanya. Nagulat si Miguel nang tinawag siya ni Ria nang Mike. Mayron kurot sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag. Hindi rin niya masisi ang dalaga dahil galing sa kanya ang kasinungalingan at pagpapanggap. Isang kasinungalingan na makakasakit sa kanya baling araw. "Ako, wala naman akong maikukwento, mayron akong isang lalaking kapatid at anak ako ng isang negosyante", sagot ni Miguel sa dalaga. "magkwento ka pa tulad ng mag bagay na gusto mo.." pamimilit na sabi ni Ria sa kanya. "Mahilig akong magbasa ng libro, mahilig sa ako tumingnin sa buwan at mga bituin at higit sa lahat ay gwapo't matalino ako, " nakangiti at kumpiyansang sagot ng binata Biglang napangiti at tumawa ng malakas ang dalaga sa pinaka huling pangungusap na binitawan ng binata sa kanya. "Oo ikaw na, ang gwapo at malino..kaso antipatiko.. Hahahaha, " nakangiting sabi ng dalaga sa binata at nagtawanan silang dalawa. Halos hindi namalayan ng dalawa na isa't kalahating oras na ang lumipas. Tila tumigil ng sandal ang mundo para sa kanilang dalawa. Nang biglang tinawag ng may ari ang pangalan ni Ria dahil tapos at ayos na ang camera. "Boss, ayos na ang camera nyo", sabi ng may ari kay Miguel sabay abot ng camera. Binigay ni Miguel ang camera kay Ria. Sobrang saya ang nararamdan ng dalaga dahil sa wakas ay pwede na niyang gawin at tapusin ang kanyang thesis sa araw na iyon. "Mike, salamat sa pag tulong sa akin na maayos ang camera ko, " sabi ng dalaga. "Wala yun, oh, ok na tayo, " sabi ni Miguel na may halong pangangasar parin. Nagpasalamat din si Ria sa may ari ng shop dahil mabilis nilang naayos ang kanyang camera. "maraming salamat din po sa inyo, Sir,. " sabi ni Ria sa may ari. "wala po yun mam, maswerte po kayo sa boyfriend ninyo dahil siya ang sobrang naki-usap sa amin na kung pwedeng mapabilis ang pag aayos ng camera ninyo, " sabi ng may ari sa dalaga. Natahimik si Ria sa sinabi ng may ari at binaling ang tingin kay Miguel na nanliliit ang mga mata na parang nangungusap. Ngumiti lang si Miguel kay Ria habang nakataas ang dalawang makapal niyang kilay. Lihim na humunga at natutuwa si Ria kay Miguel ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi niya pinahalata sa binata. Tahimik ang dalawa na naglakad papalabas ng shop. Unang lumabas ng pintuan ang binata at nasa likod kasunod ang dalaga. Mayron narinig si Miguel na kakaibang tunog mula sa likuran. "klok..,klok., klook". Bahagyang lumingon ito nang di tuwiran sa dalaga. Nakita ni Miguel na hawak hawak ng dalaga ng dalawa niyang kamay ang kanyang tiyan.At tila pinipigalan ang tunog na gustong lumabas sa kanya tiyan. Halos pasado Ala-una na ng hapon nang tignan ni Miguel ang oras sa kanyang relo. Nagpatay malisya si Miguel at kunwari walang narinig na tunog upang hindi mapahiya ang dalaga.Nang aktong magpapaalam na si Ria kay Miguel, tinitigan ng binata ang dalaga at bago pa makapagsalita si Ria ay hinawakang ng binata ang kamay ng dalaga at marahan hinila ang kamay papunta sa direksyon ng kalyeng makakakita sila ng maraming kainan at restaurant. Pumasok silang dalawa sa isang restaurant at umupo. Ilang sandali ang lumipas ay mayron lumapit na waiter at ibinigay ang menu. Masyadong na bibilisan si Ria sa mga nangyayari at pakiramdam nito na masyadong mabilis ang lahat. Habang naka-upo ang dalawa at namimili ng gustong kainin, tinitigan ng maigi ni Ria si Miguel. Iniisip ng dalaga kung anung uri ng tao at lalaki ang kaharap niya ngayon. Sinusubkan niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata. "Anong klase kaya siyang tao? Masamang tao kaya siya o manyakis? aaah.. hindi. Ano ba itong iniisip ko." sabi ni Ria sa sarili. Habang namimili sa menu napatingin si Miguel kay Ria at nagkatitigan silang dalawa.Nilabanan ni Ria ang titig sa kanya ng binata ngunit maamong ngumiti si Miguel sa kanya at sinabi, "Gutom na kasi tagala ako, ang tagal kasi natin nag-antay sa loob ng shop, " sabi ni Miguel. "Pasensya kana kung hinila ko ang mga kamay mo ng walang pasabi" paliwanag ni Miguel. Nakatitig parin si Ria kay Miguel na parang may malalim na iniisip. Iniisip niya na paano nangyaring madali silang dalawa nakapagpalagayan ng loob. Madaling nababasa ni Miguel ang iniisip ng dalaga kaya tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa dalaga. At biglang pinitik ni Miguel ang noo ng dalaga na tulad na parang matagal na silang magkakilala.Nagulat si Ria sa ginawa ng binata sa kanya at medyo na nagalit. "Aaray! Bakit mo ako pinitik sa noo, close ba tayo?" pagsusungit ni Ria sa binata. " Ano ba kasi yan inisip mo? Iniisip mo ba na masamang tao ako at o kaya may gagawin akong masama sayo? " sabi ni Miguel sa dalaga. "Huh..?" tigon ng dalaga. " Bakit hindi ba? " sagot ng dalaga kanya na tila may pagkapilya. Huminga ng malalim ang binata. "huh..? sa gwapo kong ito? Naisip mo pa talaga na masamang tao ako?" pabirong sabi ni Miguel. Lumingon si Miguel sa kaliwa't kanan at tinawag ang unang waitress na nakita niya at tinanong ito? "Waiter, halika,sa tingin mo ba masamang tao ako?" tanong ni Miguel sa waitress. " Sa gwapo po ninyong yan.. Hindi po, Sir. " sagot ng waitress sa kanya. " See, anong sabi ko sayo, " pagmamalaki at pagmamayabang ng binata na sinasabi kay Ria ng pabulong. "At naghanap ka pa talaga ng kakampi mo, " natatawa at natutuwang sagot ng dalaga sa kanya. "OO na, sige na, panalo ka na, " dagdag pa ni Ria. "OH, OK na tayo? Now we're friends ha?" sabi ni Miguel at iniabot ang kanyang kamay sa dalaga. At wala na nga nagawa si Ria at sumang-ayon at nakipag shake hands sa binata. Nag order na silang dalawa,masayang nag-kwentuhan habang kumakain. Na-kwento ni Ria na nag aaral din siyang tumutugtog ng gitara nabanggit naman ni Miguel na mahilig siya makinig at magsulat ng kanta at magaling siya sa pagguhit at pagpipinta. Nang matapos na silang kumain hiniram ni Miguel ang cellphone ni Ria. "Pwede ba mahiram ang cellphone mo wala kasi ako load may tatawagan lang ako" sabi ni Miguel sa dalaga. Nung una nagdadalawang isip siya na pahiramin ang binata ngunit sa huli ay pumayag din siya. "Pwede mo bang buksan, please??", sabi ni Miguel sa dalaga. " Ano ba ang gagawin mo?" tanong ng dalaga sa kanya. " May tatawagan nga lang ako, " sagot ni Miguel. " akala ko ba mag-kaibigan na tayo," dagdag pa ng binata. "Tsaka pina-aalala ko lang sayo na ako ang nagpa-ayos ng camera mo..." may pangungonsensyang tugon ng binata. Napa-isip bigla ang dalaga at sabay sagot: "Sabi ko na nga ba.. meron kang masamang motibo sa akin" sabi ng dalaga sa binata na nangangasar. "Ano ba iniisip mo na hihingin kong kapalit?" may pangangasar na sagot ni Miguel sa dalaga. "Wala akong balak na masama sayo, gusto lang kitang maging kaibigan" seryosong paliwanag ni Miguel. "OO na, ok na", sabi ng dalaga at binuksan ang pattern password at binalik muli ang cellphone kay Miguel. Nang bukas na, kinuha ni Miguel ang isang upuan at itinabi sa upuan ng dalaga. Binuksan ang camera at itinapat sa kanilang dalawa. " Ria, say Cheeezz!!!", excited na tugon ng binata sa dalaga. Nagulat si Ria sabay ngiti sa kamera. At sinend ni Miguel ang mga litrato sa numero ng cellphone niya. Natapos na kumain at magkwentuhan ang dalawa. At bago tuluyan maghiwalay ang dalawa nung araw na iyon. Sinubukang tawagan ni Miguel ang numero ni Ria na naglalakad papalayo sa kanya at sinagot naman ito ng dalaga at lumingon sa direksyon kung nasaan nakatayo ang binata na tinatanaw siya. "Tawagan mo ako, pag naka uwi kana", sabi ni Miguel sa telepono habang kausap ang dalaga. "OO sige, salamat ule sa lahat." sagot ng dalaga. At tuluyan nagpaalam. Nakauwi ng ligtas si Ria sa kanila, dali dali siya pumasok sa kwarto at nagbihis. Mabilis niya kinuha ang camera na nasa loob ng kanyang bag at kinuha ang memory card at inilagay sa hard drive ng kanyang laptop.Nagmamadali at sinimulan agad ng dalaga ang pag eedit ng mga litrato na gagamitin niya para sa kanyang thesis. Hindi napansin ni Ria ang oras dahil busy siya sa kanyang thesis na kailangan matapos at para maipasa bukas. Halos mag-aalas dos na ng madaling araw ng matapos niya ang kanyang thesis at maiprint ang lahat ng papel na kailangan niya ipasa para bukas. Pagod na pagod at antok na antok na ang dalaga. Ngunit pinilit ng dalagang tumayo upang kunin ang kanyang cellphone sa bag. Ngunit medyo disappointed siya nang walang makitang message or any missed call mula sa taong akala niya na tatawagan siya. Pumunta siya sa gallery at tinitigan ang picture nilang dalawa ni Miguel. Habang nakangiting tinititigan ang mga titrato ay tuluyan na nakatulog ang dalaga. Sa kabilang banda, mag-aalas diyes na ng gabi ng nakauwi si Miguel sa tinutuluyan nilang hotel. Sinalubong siya ni Albert. Si Albert ang tumayo ng taga pag alaga ng kambal ngunit mas tumayong tagapag alaga ni Miguel. Para kay Miguel si Albert ang kanyang pangalawang magulang at matalik na kaibigan. Laging inuuna ni Albert ang kapakanan ni Miguel kaysa kay Mike sa dahilan may mahinang pangangatawan ito. "Sir Miguel, saan po ba kayo nag punta? Kanina ko pa po kayo hinahanap at tinatawagan" bungad na tanong ni Albert sa kanya at sobrang nag aalala. "kanina pa po tumatawag ang mommy ninyo sa akin at gusto kayo makausap" pagpaptuloy nito. "wag ka nang mag alala Albert, ok? OK ako, Okey na Okey!", masiglang sagot ni Miguel sa kanya. "pagka akyat na pagka akyat ko tatawagan ko agad si mommy para hindi ka na mag alala." pagpapatuloy ni Miguel. "sorry po sir, kung ganito ang naging reaction ko, sobrang nag alala lang po talaga sa inyo.". Sabi ni Albert. "Pinagalitan kaba ni Daady?", may diin na tanong ni Miguel. "Hindi po", sagot ng taga pag alaga. "Alam ko naman na pinagtakpan mo na naman ako kanila. Sigurado yun," sagot ni Miguel na may halong pangangasar sa taga pag alaga. "Hindi ko po kayo pinagtakpan, sobrang nag aalala lang po ako sa inyo, ", sagot ni Albert sa kanya sabay inakbayan ng mahigpit ang among binata. Makikita sa dalawa na malapit na malapit sila sa isa't isa. Batid at alam ni Albert kung bakit masayang masaya si Miguel ngayong araw. Dahil kanina pa niya ito lihim na sinusundan at binabantayan mula umaaga hanggang sa pagbalik ng binata sa hotel ngunit nagpanggap lang ito ng walang alam. Pagpasok sa kwarto ay dali dali naligo at nagpalit ng damit si Miguel. Pagkatapos magbihis ay mabilis na hinanap ang kanyang cellphone at binuksan ito. Tinignan ang call log pero walang missed call, tinignan ang message pero wala ang pangalan ni Ria ang naroon. Humiga siya sa malambot na kama at binuksan ang TV at ilan ulit na tinitignan ang telepono kung meron tatawag o mag message dito. Halos mag aalas dos na ng madaling araw at antok na antok na siya.Binuksan at tinignan uli ang kanyang telepono, pumunta siya sa gallery at tinignan ang litrato nilang dalawa ni Ria. Pakiramdam ni Miguel na miss na miss na niya ang dalaga at nag alala siya kung bakit hindi pa ito tumatawag at nagtitext sa kanya. Nang mga oras na iyon binalikan ni Miguel ang mga masasayang aalala nila ni Ria sa buong araw. Sa kauna unahang pagkakataon mayron nagparamdam sa kanya na masaya at masarap mabuhay sa mundo. Isang tao na kaya magbigay ingay at saya sa tahimik niyang mundo. Nang mga oras na iyon ay parehas sila ni Ria nakatitig sa mga litrato hanggang sa tuluyang silang makatulog.....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
619.4K
bc

Alpha's Instant Connection

read
651.5K
bc

Kaimana, Shemar & Emrys the powerful three

read
3.9K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
8.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
824.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook