THIRD PERSON POV “Ang bigat mo!” reklamo ni Raleighn habang nasa likod niya si Thisa. Buhat niya ito dahil ihahatid niya ito sa bahay nila Katherine. “Mabigat ako? Heavy ako?” tanong ni Thisa. “Oo naman, ano sa tingin mo–Ouch…! N–Nasasakal ako! Aray!” reklamo niya. “I’ll k*ll you! Mabigat pala ha, heavy pala ha.” sabi ni Thisa habang sinasakal niya si Raleigh. “Mabigat ka naman talaga, tabachingching. A–Akala mo ba hind–aray! Tama na nga! Bumaba ka na lang!” naiinis na sambit ni Raleigh. “Okay, ibaba mo na ako. You, uwi na rin. I hate you talaga,” maarte na sabi nito. Kahit pa sinasabi ni Raleigh na ibababa niya ay hindi naman niya ginawa. Kahit pa lagi silang nag-aaway ay ayaw naman niyang mapagod ito dahil medyo malayo pa ang lalakarin nito bago sila makarating sa bahay nito. “Sa

