LEYANA “Sige! Takbo! Dahil sa oras na mahuli namin kayo ay malalakot kayo kay Madam!” Pananakot ng sakay ng kotse na bumusina sa amin. Binilisan pa namin ang takbo ni Dimple. Hanggang sa… “Malapit na sila sa atin, Leyana. Mahuhuli na nila tayo kaya…” nanlaki ang aking mga mata nang bitawan ni Dimple ang kamay ko. Napailing ako. “Sige na, Leyana. Hindi na ako makakaalis sa puder ni Madam. Tutal sira na naman ang buhay ko, ikaw may pag-asa ka pa. Kaya sige na. Iwanan mo na ako. Ako na ang bahala sa kanila.” “No! Ayoko, ayoko Dimple! Tatakas tayong dalawa!” umiiyak na sabi ko sa kanya. “I’ll go this way,” turo niya sa kanang bahagi ng daan. “At ikaw naman doon,” turo naman niya sa kaliwang bahagi ng daan. “Kailangan natin gawin ‘to, Leyana.” Kahit ayokong gawin ang gusto ni Dimple

