“Tatlong araw ka rin hinintay ng mga customer mo na ‘yan, kaya galingan mo para malaki ang ibayad kay Madam!” Nanginig ang mga tuhod ko at nilukob ako ng sobrang takot sa narinig ko sinabi ng tauhan ni madam Karla sa akin nang nasa tapat na kami ng vip room. Hindi ako maaaring magkamali. Ang tatlong manyakis na lalaki na ‘yon ang tinutukoy ng tauhan ni madam Karla. Hinawakan ko ang braso ng tauhan ni madam Karla. “Kuya! Parang awa n’yo na po. Ayoko po. ‘Wag n’yo po akong ipasok sa loob! Parang awa n’yo na po!” pagmamakaawa ko sa pagitan ng aking paghikbi pero tumawa lang ito at pinigsi ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. “Sorry ka na lang talaga, malaking pera ang kapalit ng gabi mo sa tatlong lalaki na ‘yon. Kaya galingan mo na lang ang pagpapaligaya sa kanila! Malay mo bigya

