Nakaupo sa wheelchair si Anastasia habang tulak-tulak ni David papunta sa NICU. Ito ang oras na sinabi sa kanila ng nurse na pwede nilang dalawin ang anak nila. Nasa harap sila ng isang malaking salamin na may nakaharang na isang kulay asul na kurtina, kung saan nasa loob ang anak nila. Kinatok ni David ang salamin. Sumilip ang nurse na nasa loob. May pinakitang papel si David na may nakasulat na, 'Baby boy Montefalco.' Sumenyas ito gamit ang kamay at ilang segundo lang ay hinawi nito ang kurtina at nakita nila ang isang maliit na baby na nasa loob ng incubator habang may nakatapat na ilaw. Napahawak si Anastasia sa salamin kung saan banda ang baby nila. Naiiyak siyang nakikita itong may oxygen na nakakabit sa ilong nito at ilan pang mga nakatusok dito. Naaawa siyang nakatingin sa ana

