"Sir, si Ma'am. Naaksidente." Parang isang bomba para kay David ang sinabi ni Mang Delfin ng sagutin niya ang tawag nito. Biglang nanghina ang mga tuhod niya at napaupo sa swivel chair. "You can't joke like that, Mang Delfin It's not funny." Sinubukan pa niyang tumawa pero nawala din ng sumagot ito. "Hindi po ako nagbibiro, Sir David. Dadalhin na po namin sina Amber at Ma'am Anastasia sa hospital ngayon. Hihintayin ko na lang po kayo doon." Agad siyang napatayo saka kinuha ang susi ng kotse. Mabilis ang bawat paglakad niya paalis ng opisina. Nagulat si Shaina ng lumabas siya. "Mr. Montefalco? Saan po kayo pupunta? May meeting pa kayo mamaya." Ilang beses pa siyang tinawag ni Shaina pero hindi niya ito pinansin. What's important to him right now is his wife and the baby on her belly.

