"Handa na ang lahat, ate Anastasia." sabi ni Amber kay Anastasia na bitbit ang dalawang paper bag na may lamang pagkain. "Salamat, Amber. Naabala pa tuloy kita." "Ayos lang, ate. Hindi naman kabigatan eh. Isa pa, malaki na ang tiyan mo. Nahihirapan ka na sa pagkilos." "Hindi pa naman." Natawa siya habang hinihimas ang malaki na niyang tiyan. Malapit ng magwalong buwan ang tiyan niya at isang buwan na lang ay ilalabas na niya ang anak nila ni David. Excited na siyang makita ang mukha ng munti nilang anghel. "Nakahanda na po ang sasakyan, Ma'am." sabi ni Mang Delfin ng makalabas sila ng mansyon. "Ako na ang maglalagay niyan, Amber." Kinuha nito ang bitbit ni Amber saka pinasok a kotse. "Salamat, kuya." nakangiti nitong pasasalamat. Ngumiti pabalik si Mang Delfin dito. Natutuwa siya da

