Agad na pinunasan ni David ang luhang tumulo mula sa mga mata niya ng maalala ang nangyari noon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari. Pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng anak nila. Kahit siguro ilang taon pa ang magdaan ay hindi na mawawala ang sakit ng pagkawala ng anak nila ni Anastasia. Habang buhay niyang dadalhin ang sakit. Napabuntong-hininga siya saka tumingala sa langit para pigilan ang pagtulo ng mga luha niya ulit. I’m sorry, my child. Dad, didn’t protect you well. Napatingin siya sa tabi niya ng may maramdaman siyang kamay na nakapatong sa balikat niya. Nakita niya ang asawa niyang nakangiti sa kanya. “You don’t have to blame yourself forever, hubby,” nakangiti n

