Bumaba sa sasakyan si David kasama ang anak niyang si Davis. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa entrance ng memorial park. Today was her fifth death anniversary. Every year ay pumupunta sila dito para dalawin ito. Napabuntong-hininga siya. Mukha man siyang maayos tingnan, but deep inside he was still hurting because of her death. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay nito. Kahit naman kasi anong sabihin ng iba ay hindi na mawala sa isip niya na kasalanan talaga niya. Kung mas napaaga lang sana ang pagdating niya ay hindi ito mamamatay. Pero ano pa bang magagawa niya ngayon? Nangyari na ang nangyari. Wala na siyang magagawa pa. All he can do now, to make it up for her, is to take care of Davis. “Faster, Dad,” nae-excite na sabi ng anak niya. “Arrgh!

