Halos magkagulo sa emergency section ng hospital nang sabay na dumating ang dalawang ambulansya na may sakay na dalawang tao na nag-aagaw buhay. Mabilis ang mga kilos ng mga nurse at agad na ipinasok sa operating room sina Kai at Anastasia. “Please, Doc. Do everything to save my wife and Kai,” may pagmamakaawang sabi ni David nang makita ang Dotor na papasok sa operating room. “We will do our best, Mr. Montefalco.” Naupo siya sa waiting chair at napasabunot sa sariling buhok dahil sa nangyayari ngayon. It was his fault. He was too late to save his wife. “Dude.” Hindi siya umangat ng tingin dahil alam naman niya kung sino ito. Tumabi si Denver nang upo sa kanya. “Everything will be fine. Anastasia will be okay.” “I really hope so, dude.” Napailing siya saka napasubsob sa dalawang palad

