“Bakit?” wala sa sarili tanong ni Anastasia habang nakatingin sa mga mata ni Sheena. “Bakit ako? Wala naman akong ginawang masama sa ‘yo. Nagkakilala lang tayo no’ng naging secretary ka ni David.” Napailing-iling siya. Hindi ito sumagot saka nakatitig lang sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung anong dahilan nito para paghigantihan siya. Napatingin siya kay Sheena ng narinig niya ang pagtawa nito. Sumandal ito sa silya. “Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba gets?” Hindi siya nakasagot dahil hindi naman talaga niya alam ang isasagot sa tanong nito. Napabuntong-hininga ito like she was hopeless. “It’s simple, dahil ikaw ang mahal ni David.” Mas naguluhan siya sa sinabi nito. “I love, David.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Sheena love her husband? “Matagal ko na siyang gusto,

