Ilang minuto lang ng iniwan si Anastasia sa silid ay bumukas muli ang pinto. Nakita niyang pumasok si Sheena at may kasamang dalawang lalaki. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya dito saka sinamaan ito ng tingin. Tama nga ang hinala niya. Ito nga ang nagpadukot sa kanya. Mukhang hindi na ito makapaghintay na makaganti sa kanila. Hindi na ito nakikipaglaro sa sarili nitong laro. Isinara ng isang lalaki ang pinto saka hinawakan siya sa magkabilang braso. Nagpupumiglas man siya, but it was useless. Mas malakas sa kanya ang dalawa. “Bitawan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa akin?” Sinamaan niya ng tingin si Sheena na galit ding nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa kanya saka siya sinampal ng malakas. Dahilan para mapabaling siya sa kabila. Agad siyang tumingin kay Sheena ng may ga

