"Amber!” sigaw ni Kai ng makita niyang binubugbog ito ng isang babaeng hindi niya kilala. Nagising siya kanina dahil sa sigaw ni Amber. Nakita na lang niyang paulit-ulit na sinasampal si Amber at sinasabunutan ang buhok nito. Hindi niya alam kung anong nangyayar ngayon. Kung nasaan sila at kung sino ang mga taong kumuha sa kanila. “Please, tama na!” pagmamakaawa niya. “Ako na lang ang saktan mo. Huwag lang si Amber.” Kahit gaano kalakas ang sigaw niya ay hindi pa rin siya nito pinapakinggan. Tila ba para itong isang bingi. Magulo na ang buhok ni Amber dahil sinasabunutan ito ni Andie, putok na din ang labi nito dahil sa malalakas na sampal na binibigay nito kay Amber. Naaawang nakatingin si Kai sa taong mahal. Nagagalit din siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa para ipagtanggol

