Inilagay ni Anastasia ang isang basket ng bulaklak saka naupo sa damuhan. Nagsindi siya ng kandila saka nagdasal. Pagkatapos niyang magdasal ay hinawakan niya ang puntod ng lalaking minahal at ginawang mundo niya for almost seven years. Ngumiti siya. "Hey, babe. It's been five years simula nang iwan mo ako. It's been five years na din ng iwan ako ni David. It's been five years, pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung babalik pa ba siya o hindi na. Pati kay Manang Tessa hindi na din siya tumatawag. Parang pinutol na talaga niya ang lahat ng nag-uugnay sa amin." Hindi niya maiwasan na mapaluha ,pero napangiti din ng hawakan niya ang singsing na dapat sana ibibigay ni David sa kanya noon. "Pero alam mo, kapag nawawalan ako ng pag-asa na ba

