"Manang Tessa, told me that you almost live here after I left. Is that true?" Inilagay ni Anastasia ang tray na may lamang meryenda nila. Umupo siya sa tabi ni David. "Parang gano'n na." "Why?" Hinawakan niya ang mukha ni David. "Kasi araw-araw kitang nami-miss. Simula ng mawala ka, parang naging kulang ako. Parang ikaw ang alaala ko noon na hinahanap ko para mabuo ako. I'm sorry if I pretend that I don't know you. Nasaktan lang kasi ako no'ng mga panahon na nakita kita kasama si Trisha papasok sa isang hotel. Nagsinungaling ka pa sa akin na nasa opisina ka. I though you have a relationship. I though you still love her. I though you want to be with her again. Akala ko na realize mo na mas mahal mo siya kaysa sa akin." Hindi maiwasan ni Anastasia na mapaluha, dahil sa katangahan niya m

