"Are you sure you want to do this?" may pag-aalalang tanong ni David kay Anastasia. Tumango siya. "Kahit ano namang mangyari ay Daddy ko pa rin siya at gusto kong nando'n siya sa kasal natin." Napabuga ng hangin si David. Mukhang hindi na talaga niya mapipigilan ang fiancee niya sa plano nito. "Samahan na kita." Lalabas na sana siya ng kotse pero agad siyang pinigilan ni Anastasia. "Ako na lang ang kakausap sa kanya. Dito ka na lang, hintayin mo na lang ako dito." "Are you sure?" Tumango ulit ito. "Okay. Just call me if there is a problem or if you need help or maybe just call me even if you don't need me." Natawa ito sa sinabi niya. "I will." Hinalikan siya nito sa labi bago lumabas ng kotse. Huminga muna ng malalim si Anastasia bago pumasok sa bahay ng kanyang ama. She used to lea

