Kabanata 13

1658 Words
Nang makababa si Angel sa harap ng building kung saan ang condo ni David ay mas nakaramdam siya ng excitement at the same time kaba. Lihim din siyang napadalangin na sana ay nandito nga ang binata at makita niya. Kapag nakita niya ito kahit sandali lang ay masaya na siya. Ilang linggo din kasi niya itong hindi nakita. Na-miss niya ang gwapo nitong mukha, lalo na kapag nagsusungit. Para sa kanya ay mas lalo itong gumagwapo kapag nagtatagpo ang dalawa nitong makakapal na kilay. Weird ba siya? Siguro nga ang weird niya. Kahit na sinusungitan siya nito at minsan ay nasisigawan ay masaya pa rin siya, basta makausap niya lang ito o makita. "Hihintayin na lang kita dito, Angel. Sinabi naman sa ‘yo ni Manang ang condo unit ni Sir David, 'di ba?" Tumango siya. "Opo. Sige, hintayin mo na lang po ako dito, Mang Delfin." Naglakad na siya papasok sa building pero hindi pa siya tuluyang nakapasok ay hinarang siya ng guard. "I.D mo, miss?" "Ho?" "I.D mo," pag-uulit sa sinabi nito. "Eh wala po akong dalang I.D eh." Hindi niya aakalain na kailangan pa pala ng I.D para makapasok sa building. Hindi sinabi sa kaniya ni Manang Tessa na kailangan pa pala no’n. Wala din naman siyang I.D. "Pasensya na, miss, pero hindi kami basta-basta nagpapasok ng hindi dito nakatira. Maliban na lang kung may pupuntahan ka na nakatira dito." "Meron nga ho." "Sino naman?" "Si Sir David Montefalco po." "Ahh, ikaw pala ang tinawag ni Manang Tessa na maghahatid ng pagkain kay Mr. Montefalco?" Tinuro pa siya nito. "Opo, ako nga po." "Sige, sige. Pwede ka ng pumasok. Hindi mo naman agad sinabi eh." Tinuro nito ang elevator. "Salamat po, Manong guard." Ngumiti siya dito. Pumasok na siya sa elevator saka pinindot ang floor ng condo unit ni David. Habang papataas ang elevator ay siya ding pagbilis ng t***k ng puso niya. Kinakabahan siya na nae-excite dahil makikita na niya ang binata. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay para bang hindi siya makalakad. Para bang naka-glue ang kanyang mga paa at hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Para siyang teenager na kinakabahan dahil magko-confess siya sa crush siya. Tila parang may mga bulate na naglalaro sa tiyan niya ngayon. Huminga siya ng malalim saka ito malakas na ibinuga. Damn! Hindi na siya teenager para makaramdam pa ng ganito. Lumakad na siya saka huminga na naman ng malalim ng nasa harapan na siya ng pinto ng condo unit ni David. Kumatok siya. "Sir David, si Angel po ito." Wala siyang narinig na sagot mula sa loob kaya kumatok na naman siya. "Nandito po ako kasi inutusan po ako ni Manang Tessa na dalhan ka ng pagkain." Napabuntong-hininga siya. "Wala na naman kaya siya? Hays, ano ba 'yan? Ayaw ba talaga ng tadhana na magkita kami?" Napadikit na lang niya ang noo niya sa pintoan saka napahawak sa door knob dahil nawawalan na siya ng pag-asa. Tila ba suntok sa buwan ang makita ang binata. Napakunot-noo siya ng mapansing hindi naka-lock ang pinto kaya naman pinihit niya ito saka binuksan. ‌"Sir David?" tawag niya sa pangalan nito ng makapasok siya. "Sir David? Papasok ako ah, baka sabihin mo na naman na hindi ako nagpaalam." Kanina pa siya nagsasalita pero wala namang sumasagot. "Lumabas siguro 'yon." Pumasok siya sa kusina saka nilagay ang bitbit na paper bag na may lamang pagkain. Lumabas siya sa kusina saka nagtingin-tingin sa paligid. "In fairness, ang ganda ng condo niya." Hinawakan niya sofa na kulay gray. "Tsk! Tamang-tama ang kulay ng condo sa buhay niya. Itim. Madilim. Walang kabuhay-buhay at ako naman ang ilaw na magbibigay liwanag sa madilim niyang mundo." Natawa siya sa kakornihan niya. Kailan kaya niya magagawa 'yon? Sana nga lang ay magawa niya. Napatingin siya sa isang pintoan saka ito binuksan at nakita ang banyo. Napatingin naman siya sa isang pinto saka lumapit dito. "Ito kaya ang kwarto niya?" Dahan-dahan niya itong binuksan saka sumilip. Tuluyan na niya itong binuksan. "Kwarto nga." Napatingin siya sa kama na hindi nakatiklop ang kumot. Nagtaka siya. "Sir David? Nandito ka ba?" Nagpalingon-lingon siya saka nakita ang isang pinto na medyo nakabukas. "Sir?" Binuksan niya ito. "David!" Agad niya itong nilapitan ng makita itong nakahandusay sa malamig na sahig. Bigla siyang kinabahan ng makita ang mapupula nitong mukha, biglang pumasok sa isip niya na baka lasing na naman ito. "David." Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto na mainit ito. "May lagnat ka." Nilagay niya ang palad niya sa noo nito. "Ang init mo." "Don't touch me." Winasik nito ang kamay niya. "Who the hell are you? How did you get in here?" "David, si Angel 'to." Hinakawan niya ang kamay nito saka inalalayan patayo. "Kailangan mong mahiga, David. Tutulungan kita papunta sa kama mo." Kahit nahihirapan dahil sa mabigat ang binata ay kinaya niya pa rin ang alalayan ito. Kahit na ilang beses pa silang muntik matumba ay napahiga niya din ito sa kama, sa wakas. Inayos niya ito sa pagkakahiga saka kinumutan. "Kukunin ko lang ang pagkain." Hindi ito sumagot. Nagmamadali naman siyang pumunta sa kusina saka kinuha ang pagkain. Nang makapasok sa kwarto ay tinulungan niya si David na maupo. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot." "I don't want to." "You need to." Matigas na sabi niya dahilan para matigilan si David. "Please, kumain ka para makainom ka na ng gamot." Hindi pa rin ito nagsalita dahilan para mapabuntong-hininga siya. "Fine. Kapag kumain ka, uminom ng gamot, at gumaling, pinapangako ko hinding-hindi na kita kukulitin. Please, ayaw kong nagkakasakit ka." Nakatitig lang sa kanya si David at hindi mabasa kung ano ang nasa isip. "Please?" Sa wakas ay binuka na nito ang bibig. Lihim siyang napabuntong-hininga, mukhang kailangan niyang tuparin ang pangako niya dito. Wala na siyang pakialam, basta ang importante sa kanya ngayon ay gumaling ang binata. Isang subo pa lang nito ay bigla itong sumuka. Agad siyang napatayo. "I can't take it." "Ha? Pero kailangan mo kumain kahit kaunti lang para makainom ka ng gamot." Pinunasan niya ang kamay nito na nasukahan. "Kailangan mong magpalit ng damit." "Over there." Tinuro nito ang aparador. Tumungo siya dito saka kumuha ng pares ng damit. "Ito, hubarin mo na ang damit mo." Tinanggal nito ang butones ng damit. Napakagat-labi siya dahil sa nakikita niya. Lihim niyang kinutosan ang sarili dahil may sakit na nga ‘yung tao ay pinagnanasaan niya pa. "Ako na." Siya na ang nagtanggal ng damit nito ng makita niyang nanginginig ang mga kamay nito. "Let me do it." "No. Nahihirapan ka na nga eh, kaya ako na. Huwag kang mag-alala, hindi kita pagnanasaan." Hindi na pumalag si David at hinayaan na lang siya ito. Nang matanggal niya ang damit nito ay hindi niya maiwasan na mapakagat-labi dahil sa nakikita niya ang maganda nitong katawan. Ang abs nito na sa tingin niya ay matitigas. Hahawakan na sana niya ng mapansin na nakatitig pala sa kanya si David. Bigla siyang nahiya. "Tumalikod ka," sabi na lang niya para hindi nito mahalata na nahihiya siya. "Why?" "Basa ang likod mo, kailangan natin 'yang punasan dahil kung hindi ay magkakaroon ka ng ubo." Half true, half lie. Gusto niya din kasi itong tumalikod para hindi siya tuluyang ma-distract sa katawan nito, ayaw niyang matukso. Tumalikod na ito kaya pinunasan niya ito, nang matapos ay agad niya itong binihisan. Nanghihinayang man dahil hindi na niya makikita ang abs nito, pero nagpapasalamat din siya dahil hindi na siya madi-distract. Pinahiga niya ito saka kinumutan. "Magpahinga ka na muna. Magluluto lang ako ng porridge para kahit papaano ay magkalaman ang tyan mo. Gigisingin na lang kita kapag naluto na." Ngumiti siya dito saka lumabas ng kwarto. Agad siya nagtungo sa kusina saka nagluto. Dahil sa porridge lang ang niluto niya ay mabilis naman siyang natapos. Binuksan niya ang hanging kabinet saka naghanap ng gamot, pero wala siyang nakita kaya naman tinawagan niya si Mang Delfin saka nagpabili ng gamot dito. Nang mahanda na niya ang lahat ay bumalik siya sa kwarto at nagulat ng hindi nagpapahinga si David. Nakaharap ito sa laptop. Agad niyang nilagay ang tray sa bedside table. "Anong ginagawa mo?" nakapamewang niyang tanong pero ni hindi man lang siya nito nilingon. "Working." "Working? May sakit ka, David. Dapat sa ‘yo ay nagpapahinga." "What did you just call me?" Magkasalubong ang dalawa nitong kilay. "David." Napabuga ng hangin si David, hindi makapaniwala. "So what? Ito lang din naman ang huling beses na pagsisilbihan kita, dapat lahat ng sasabihin ko ay susundin mo." "Your annoying." "Talaga." Kinuha niya ang laptop saka ito itinabi. "What just the hell are you doing?" singhal nito sa kanya. "Hindi mo ako madadala sa kasungitan mo ngayon. May sakit ka, ako dapat ang masusunod. Now, eat." Kinuha nito ang porridge saka sinubo sa kanya. "Open your mouth." Sinamaan siya nito ng tingin pero hindi siya nagpatinag. "I can do it myself." Kukunin sana nito ang kutsara, pero agad niya itong iniwas. "Nanginginig na nga 'yang mga kamay mo tapos sasabihin mo pang kaya mo. Now, open!" Wala ng nagawa si David kundi ang hayaan si Angel na pakainin siya. Nang matapos ay pinainom siya nito ng gamot saka pinahiga. "Kailangan mong magpahinga kung gusto mong gumaling agad." Lumabas si Angel ng kwarto saka pumunta ng kusina. Kumuha siya ng maliit na planggana saka pampunas. Nang makapasok siya ng kwarto ay mahimbing na natutulog si David. Lumapit siya dito saka dahan-dahan na pinunasan ang katawan ni David para naman kahit papaano ay mabawasan ang init nito sa katawan. Nang matapos ay nilagyan niya ng bimpo ang noo nito. Gano’n ang ginagawa niya oras-oras. Nang maghaponan ay gano’n pa din ang ginawa niya hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi niya iniwan ang binata hangga't may lagnat pa rin ito. Nakahinga na siya ng maluwag ng mag-umaga ay nawala na ang lagnat nito. Ngayon ay mapapalagay na ang loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD