Nang makalayo sa building ay sumakay na agad si Angel sa kotse na may paghihinayang at lungkot. Hindi niya kasi nakita ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita at gustong-gusto na niyang makita. She badly want to see David, but what can she do?
Alangan naman magpumilit siya sa babae, baka ano pang sabihin no’n. Sino ba naman siya? Isa lang naman siyang hamak na katulong na laging kinukulit si David.
"Mang Delfin, pwede po bang pakihinto muna?" Inihinto ni Mang Delfin ang sasakyan. "Sandali lang ho, Mang Delfin. May titingnan lang ako."
"Sige."
Bumaba na siya saka pumasok sa isang park. Hindi niya alam pero parang nakapunta na siya sa lugar na 'yon, kaya pinahinto niya ang sasakyan.
Napatingin siya sa paligid. Marami siyang nakikitang mga tao sa park. May mga magpamilya, magkaibigan at ang iba ay magkasintahan. Umupo siya sa isang bench saka napatitig sa isang magkasintahan.
Napakunot-noo siya ng biglang may imahe ng lalaki sa isip niya. Hindi niya makita ang mukha dahil malabo ito pero alam niya na lalaki ito dahil sa physical na pangangatawan nito.
"Arrgh!" Bigla siyang napainda dahil sa sakit ng ulo. Napapikit pa siya dahil sa dulot na kirot nito.
"Anastasia." Bigla niyang namulat ang mga mata habang habol ang hininga sa narinig niya sa isip niya.
"Anastasia? Sino 'yon?" Napahilot siya sa sumasakit niyang ulo.
TINAWAGAN ni David ang driver nila na si Mang Delfin habang nasa kalagitnaan ng pagkain niya.
"Sir David, napatawag kayo?"
"Nakauwi na ba kayo?"
"Hindi pa, Sir."
Napakunot-noo siya. Nagtataka kung bakit hindi pa ito umuuwi, sa lumipas na minuto ay dapat nakauwi na ang mga ito.
"Why? Where are you?"
"Nandito po kami sa park, hindi kalayuan sa kompanya niyo."
"Anong ginagawa niyo dyan?" Napatingin siya sa park na tinutukoy nito. Sa taas ng building ng Montelfalco Corp. ay kita niya ang park na tinutukoy ni Mang Delfin, hindi din naman kasi iyon kalayuan sa kompanya.
"Nagpahinto po si Angel eh. Pumasok po siya sa park."
Napatanong siya sa sarili kung bakit ito nagpahinto doon. Hindi kaya may naalala na ito o may nakitang tao na familiar dito. Napailing siya, mabuti nga kung gano’n para wala ng asungot sa buhay niya.
"Okay. Call me when you get home."
"Okay, Sir."
Binaba na niya ang cellphone saka nakakunot ang noong nakatingin sa park. Nakikita niya ang dalaga na nakaupo sa isang bench habang nakahawak sa ulo nito. Sa nakikita niya ay parang sumasakit ang ulo nito. May naaalala na kaya ito?
Kung may naaalala na ito ay aalis na kaya ito sa mansyon? Hindi na kaya siya nito kukulitin? Napailing-iling siya sa naisip. Mabuti nga iyon para bumalik na sa normal ang buhay niya.
"ANGEL?" Napatingin si Angel kay Mang Delfin.
"Bakit po, Mang Delfin?"
"Kailangan na nating umalis. Tumawag kasi si Manang Tessa, maggo-grocery pa si Daisy."
Napatayo siya. "Ahh, sige po."
Sumunod na siya kay Mang Delfin papunta sa sasakyan. Nang makarating ay agad na lumapit si Manang Tessa sa kanya.
"Ano, hija, nagkita ba kayo? Nagkausap ba kayo?"
Umiling siya ng may pagkadesmaya. "Hindi ho, Manang eh. May meeting kasi siya ng makarating ako doon."
Napabuntong-hininga na lang si Manang Tessa sa narinig. "Okay lang 'yan." Tinapik nito ang balikat niya. "Uuwi din 'yon. Hindi mo mamalayan ang araw, umuwi na pala siya."
Ngumiti na lang siya kay Manang Tessa para hindi na din ito mag-aalala.
Lumipas na naman ang ilang araw pero hindi pa rin umuwi si David. Mas lalo niyang nami-miss ang binata. Nakapatong ang kanyang baba sa isa niya palad habang nakatingin siya sa labas saka napabuga ng hangin.
"Mukhang ang laki ng problema mo ah," sabi ni Krizza ng makalapit siya kay Angel. "Ano bang problema mo dyan?"
"Wala naman." Napabuga na naman siya ng hangin.
"Wala? Sa lagay mong 'yan? Ang lalim ng bungtong-hininga mo tapos sasabihin mong wala?"
"Wala nga kasi," walang gana nitong sagot. "Ang boring lang kasi ng araw na ito. Nakakatamad."
Napatango-tango si Krizza. "Napansin ko din, ang boring nga ng araw na 'to. Wala na din kasi si Sir David na papagalitan ka kapag nagkamali." Bungisngis nito na mas nakapagpanguso kay Angel. "Walang magsusungit. Naging tahimik tuloy ang mansyon ng hindi na umuuwi si Sir David. Bakit nga ba hindi na umuuwi si Sir dito?" tanong nito, sasagot na sana siya ng magsalita ulit ito. "Kaya siguro hindi na siya umuuwi dahil sa ‘yo." Turo nito sa kanya.
"Bakit dahil sa akin?" nakanguso niyang tanong.
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre dahil kinukulit mo siya.”
"Hindi ko siya kinukulit, okay?"
"Hindi daw." Pinaikotan siya nito ng mata. "Ilang beses kaya niyang sinabi na hindi na ikaw ang magsilbi, pero dahil sa makulit ka ay hindi ka nakikinig. Ano tawag mo do’n?"
"Pagsisilbi." Nginiwian niya ito.
"Ewan ko sa ‘yo. Baka isa din 'yan sa dahilan kaya ayaw niya sa ‘yo dahil lahat na lang ng sinasabi niya ay palagi kang may sagot."
Napaiwas siya ng tingin saka nalungkot. Totoo kaya ang sinabi ni Krizza? Kaya hindi siya magustohan ni David ay dahil makulit siya. Mas lalo siyang napabuntong-hininga. Ano bang pwede niyang gawin para magustohan siya ni David? Kung hindi niya ito pagsisilbihan at kakausapin kahit ayaw nito, paano naman sila magiging close kung hindi niya kukulitin ang binata.
"May problema ka ba, hija?" Napatingin siya sa likod at nakita si Manang Tessa. Doon niya lang napansin na wala na pala si Krizza.
"Wala naman po, Manang." Umiling siya, pero agad din nagsalita. "Sa tingin niyo, Manang, ako kaya ang dahilan kung bakit hindi na umuuwi si Sir David dito?"
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Sabi po kasi ni Krizza, kaya siguro daw hindi na umuuwi si Sir David dito ay baka dahil sa akin, dahil kinukulit ko siya, dahil nakukulitan na siya sa akin."
"Huwag kang makikinig sa batang 'yon. Syempre hindi umuuwi si David dahil busy lang siya sa kompanya. Hindi ba sabi ko sa ‘yo, hindi lang ito ang unang beses na hindi siya umuuwi ng ilang araw."
"Sana nga po, Manang." Napanguso na lang siya.
"Siya nga pala, hija. Walang pasok ngayon si David at hindi pa rin siya umuuwi. Pwede mo ba siyang dalhan ng pagkain sa condo niya?"
Nabuhayan siya ng dugo sa sinabi ni Manang Tessa at bigla siyang napatayo dahil sa excitement na nararamdaman niya. "Oo naman po, Manang."
Hindi niya mapigilan ang mapangiti hanggang mata. Sana this time ay makita na niya ang binata na ilang araw na niyang hindi nakikita at makakapunta na din siya kung saan natutulog pansamantala ang binata.
"Sige na, ipaghanda mo na siya ng pagkain. Ipapahanda ko lang kay Delfin ang sasakyan."
"Sige po, Manang."
Kagaya ng araw na hinatiran niya ito ng pagkain sa kompanya nito ay masaya niya ring hinanda ang pagkain na para dito.