PUMUNTA ng sala si Anastasia ng tawagin siya ng isang katulong at sinabing may pinadala sa kanya galing kay Niccolo. Nakita niya ang isang kulay pula na katamtaman lang ang laki na box. Napailing na lang siya habang nakangiti. Ano na naman kaya nag pakulo ng lalalking ‘yun at binigyan pa siya ng isang regalo. Tinawagan niya ito. “Anong trip mo?” agad niyang bungad ng sinagot nito ang tawag niya. “Ha?” nagtataka nitong tanong. “Sabi ko, anong trip mo at pinadalhan mo ako ng regalo.” Inikot niya sa mesa ang box ng maramdaman na may kabigatan ito. “Regalo?” “Oo nga. Nasa akin na nga nagde-deny ka pa,” natatawang sabi niya. “Wait,” sabi nito. “Ibig mo bang sabiin, may natanggap ka na package at sa akin nakapangalan.” Napakunot-noo siya sa tanong nito. “Yeah. May kasama pa ngang letter

