Long time ago... High school student pa lang si Sofie ng makita niya ang isang binata na membro ng basketball team na kalaban ng school nila. May laban ang school nila at ang school ng binata. 1st year high school siya ng taong iyon, samantalang 4th year high school naman noon ang binata. Una pa lang kita ni Sofie sa binata ay nabihag na agad siya nito. Napahawak sa kanyang dibdib at nasabing, "Is this what they called, love at first sight?" Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng ngumiti ang binata saka kumaway sa mga nagche-cheer sa grupo nila. Halos nakakabingi na ang sigawan ng mga tao sa loob ng gym pero siya ay walang ibang naririnig kundi ang ingay lang ng puso niya na mabilis na tumitibok dahil sa binata. Nakita niyang Roquez ang nakalagay sa jersey nito kasama ang numeron

