"Doc. Samuel." Napatingin si Anastasia sa tinawag na Doc. Samuel ni David. Isa itong may edad na, na lalaki. Nakasuot ng laboratory gown at may kausap na isang dalaga. Napatingin ito sa gawi namin at napangiti. "David." Tumayo ito saka lumapit sa amin. "Kumusta ka na? Ang tagal mo na ding hindi pumupunta dito." "Naging busy lang po, lalo na at ikakasal na ako." Napatingin ito kay Anastasia. "Siya na ba ang babaeng sinasabi mo?" "Opo." Hinawakan siya sa bewang ni David. "Si Anastasia po." Nakipagkamay ito sa kanya na kanya namang tinanggap. "Hi po, Doc. Samuel." "Hello sa'yo, Hija. Ang ganda naman pala nitong napili ni David. Kaya pala kahit nireto ko siya sa anak ko ay ayaw niya." Natawa siya sa biro nito. "Siya si Doctor Samuel, ang doctor ni Sofie." Biglang nawala ang ngiti ni A

