“Talagang bang ayos na ‘to, Ate?” tanong ni Amber kay Anastasia habang nakatingin sa isang whole body size mirror. Nakasuot siya ng isang flowery pink dress. Inayosan din siya ng buhok ni Anastasia at nilagyan ng light make up. Nakasuot naman siya ng pink sandal na bumagay sa dress niyang suot. Ang dress at sandal na suot niya ngayon ay si Anastasia mismo ang pumili at nagbayad para sa kanya. Nahihiya man siya ay wala na siyang nagawa nang bayaran na ito sa counter. Bigla siyang nailang ng makita ang sarili sa salamin. Hindi siya sanay magsuot ng mga ganitong kagandang damit lalo na’t ganito kaiksi. Hindi naman talaga siya maiksi. Hanggang tuhod niya ang haba nito pero mas sanay kasi siyang pantalon at maong short at suot. Hindi siya sanay na magsuot ng dress dahil pakiramdam niya ay n

